Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Abakada Ng Pag-Ibig: Alexandra

Abakada Ng Pag-Ibig: Alexandra

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-502-832-2

Oo nga’t alam ni Alexandra na halos sambahin siya ng kababatang si Edric. Ang nakakainis lang, inilalagay siya nito sa pedestal na parang isang diyosang hindi na maabot. Hindi niya kailangan ang ganoong pagsamba. Ang hinahanap ni Alexandra ay isang kasuyong mayayakap. Ang pinananabikan niya ay ang mga bisig ni Edric. Pero paano niya ito ipahihiwatig sa binata?

 

Abakada Ng Pag-ibig: Bianca

Abakada Ng Pag-ibig: Bianca

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-502-842-X

Walang panahon si Bianca sa pag-ibig. Ang pangarap niya ay makapunta sa Estados Unidos, maging American citizen at kumita ng dolyares. Kaya naman handa siyang mangahas na magbayad ng dalawang libong dolyar para pakasalan ng American citizen na si Paolo. Pinoy na Pinoy si Paolo. Kapwa Pilipino ang mga magulang nito. Ipinanganak sa Estados Unidos ang binata pero lumaki sa Pilipinas. Nagbalik lang ito sa States para doon magkolehiyo. Ngayo’y nagbabakasyon ang binata sa Maynila. At hindi nito natanggihan ang alok ng maganda at seksing dalaga. Ang kondisyon ni Bianca ay strictly business.

Abakada Ng Pag-ibig: Catlyn

Abakada Ng Pag-ibig: Catlyn

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-502-852-7

Dahil napagkamalang anak ng bilyonaryo, nakidnap si Catlyn. At sa kanyang pagtatangkang makatakas, nakatagpo niya si Jake. Pero magtitiwala ba siya sa isang estranghero sa gitna ng kagubatan at kabundukan? Maaari bang maging isang knight in shining armor ang binatang nagtatago rin pala sa batas? At bakit doon pa – sa gitna ng panganib – nasumpungan ni Catlyn ang pag-ibig?

 

Abakada Ng Pag-Ibig: Desiree

Abakada Ng Pag-Ibig: Desiree

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Valentine Romances

ISBN: 

971-502-862-4

Batambata pa si Desiree nang magka-boyfriend. At kaytagal niyang hinintay na magbalik-Pilipinas si Arman mula sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Habang naghinintay, iisang lalaki lang ang pinagkatiwalaan ng dalaga na mapalapit sa kanya bilang kaibigan – ang mabait at maginoong si Brad. May lihim na pagdududa’t panghihinayang kasi ang dalaga na ang kanyang platonic friend ay gay. Kaya nga ang turing niya rito ay totally harmless. Pero sa pagbabalik ni Arman ay nabulabog ang buhay ni Desiree.

Abakada Ng Pag-ibig: Elaine

Abakada Ng Pag-ibig: Elaine

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-868-3

Kahit kaytagal na niyang iniibig si Arman, nainsulto si Elaine nang balingan siya nito matapos iwan ang dating girlfriend. Nangako ang maganda at seksing fitness trainer na ilalampaso ang binata sa kabiguan.
Pero bakit habang pinasasakitan niya si Arman ay siya rin ang nasasaktan? At hindi pala niya kayang tuluyang tikisin ang mga yakap at halik ng binatang kanyang pinakamamahal.

Abakada Ng Pag-ibig: Francesca

Abakada Ng Pag-ibig: Francesca

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-888-8

Nag-artista si Francesca dahil na-in love kay Bobby Bauzon. Sumikat ang love team nila pero hindi naman siya niligawan ng binata. Nabalitaan pa niyang may nobya na itong kolehiyala. Kunsabagay, siya naman ay may manliligaw na junior action star – si Godo Garcia.
Kaso, bakit sa dalaga yata nabunton ang galit ng ka-loveteam? Maging sa kanilang mga love scenes ay waring nabawasan ang pagka-gentleman nito. Ang mas nakakapikon pa’y hindi mapigil ni Francesca ang kusang pagtugon sa mapupusok na yakap at halik ni Bobby.

Abakada Ng Pag-ibig: Gwen

Abakada Ng Pag-ibig: Gwen

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-899-3

Si Gwen Garchitorena – prinsesa. Napakagandang heredera. Sosyal na miyembro ng international jetset.
Si Lyon Llamanzares – gigolo. Mula sa na-bankrupt na angkan. Hinahangad ng mayayamang matrona ang mala-Adonis na mukha’t katawan. Ayaw ng commitment kaya’t umiiwas sa mga separada, biyuda’t dalaga. Paano nangyari na ang prinsesa ay nabaliw sa gigolo? At pangangahasan ni Gwen ang lahat, isusuko ang lahat, makapiling lang si Lyon – kahit walang kasiguruhan ang bukas.

Abakada Ng Pag-ibig: Hiyas

Abakada Ng Pag-ibig: Hiyas

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-909-4

Sa edad na 30, subsob sa trabaho at kumportable sa malayang buhay-binata si GM o George Marron Milan. Kaya naman ganoon na lang ang pagkabalisa nito nang maatasang ‘mag-babysit’ sa balikbayang family friend – ang 18 taong gulang na si Hiyas.
Ayaw na ayaw rin naman ng dalaga na magkaroon ng tagapagbantay. Lalo pa’t isang itinuturing niyang matandang binata.
Pero magkakagulatan sina GM at Hiyas.
Kailan at paanong sumeksi ang dating tabachingching na batang natatandaan ni GM?
At hindi makapaniwala si Hiyas na ang guwapo’t makisig na binatang nakapagpapabilis sa kanyang pulso ay si GM.

Abakada Ng Pag-ibig: Irene

Abakada Ng Pag-ibig: Irene

Read This Book Online

Publish Date: 

2002

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-935-3

Nagtataka si Irene kung bakit napaka-pamilyar sa kanya ng maraming bagay sa Paraiso gayong noon pa lang siya nakatuntong sa bayan ng kanyang yumaong ina. Hindi rin niya maunawaan kung bakit napakatindi ng nadarama niyang atraksiyon kay Ding – isang estrangherong kabilang pa naman sa pamilyang kalaban daw ng kanilang angkan. Hindi yata normal ‘yong ni hindi pa man sila nakakapag-usap ay nakaniig na niya ito sa kanyang panaginip. Hindi alam ni Irene na sandaang taon nang nakatakda ang pag-uwi niyang iyon sa Paraiso.

Abakada ng Pag-ibig: Julianna

Abakada ng Pag-ibig: Julianna

Read This Book Online

Publish Date: 

1999

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-919-1

Convent-bred si Julianna. Mula high school hanggang college ay naging interna sa pribadong kolehiyo ng mga madre. Kaya naman konserbatibo ang dalaga. Mailap sa kalalakihan. Ganoon na lang ang kanyang pagkataranta nang makadama ng matinding atraksiyon kay Jules. Sa pagkakaalam pa naman niya’y bohemyo ang binatang best friend ng kanyang Kuya Lyon. Hindi rin malaman ni Jules kung paano ipapahayag ang damdamin kay Jolen. Paano bang ligawan ang isang may pagka-manang?