Skip to main content

Pards, Mahal Kita

Pards, Mahal Kita

Read This Book Online

Publish Date: 

1995

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-535-8

Paano kung ang mahal mo ay iyong kabarkada, pero ang nanligaw sa iyo ay ang isa pa ninyong kabarkada? Ito ang naging problema ni Marielle. Na lalong lumala nang sagutin niya si Mico gayong ang mahal niya’y si Raoul. Paano niya mapaninindigan ang pinasok na kasinungalingan? Binihag ni Raoul ang kanyang mukha sa dalawa nitong palad.
“Marielle, tumingin ka sa akin,” utos nito. Sumunod siya.
“Gaano ang tiwala mo sa akin?” tanong ni Raoul.
“Ganap,” sagot niya.
“Kailangan ko ang pagtitiwalang iyan ngayon,” sabi ni Raoul. “ May gusto akong patunayan sa iyo.” Kumunot ang noo niya.

Pinagtagpo Ng Pag-ibig

Pinagtagpo Ng Pag-ibig

Read This Book Online

Publish Date: 

1992

Print Publisher

Books For Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-258-8

Executive ng sariling kompanya si Vikki Syjoco. Maganda, mayaman, matalino. Pormal na pormal. Naka-schedule ang bawat minuto ng araw niya. De numero ang kilos.
Magaling na pintor si Ruben Alzona. Nabubuhay sa pagbebenta ng paintings. Simple at halos walang schedule ang buhay. Casual na casual. Mapusok. Emosyonal.
Hindi inaasahan, nagkita ang dalawang taong magkaibang-magkaiba. Paanong magkakabagay ang mga pusong magkasalungat ngunit pinagtagpo ng pag-ibig?

Private Dancer

Private Dancer

Read This Book Online

Publish Date: 

2003

Print Publisher

Queen Of Hearts Romances

GIPIT si Sheena. High school lang ang natapos niya plus advanced studies sa ballet courtesy of her father’s employer. Sa biglaang pagkamatay ni Mang Ben, siya ang tatayong breadwinner ng pamilya at kailangan niyang tustusan ang mamahaling maintenance medicines ng diabetic na ina. Limitado ang kanyang options kaya kumapit siya sa offer ni Carl na maging private secretary nito sa mataas na halaga. Ang katumbas, magiging private dancer siya para lamang kay Carl. Tinanggap iyon ni Sheena kahit blackmail ang turing niya sa sitwasyon.

Puso Ko'y Alipin Mo

Puso Ko'y Alipin Mo

Read This Book Online

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Books For Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-385-1

Naging tradisyon na sa Hacienda Sto. Tomas na ang mga lalaki sa mayamang pamilya Real ay magkaroon ng “alaga” mula sa kanilang mga nasasakupan. Si Ilay na kabilang sa isang pamilyang nakapailalim sa sakop ng mga Real ay ibinigay sa herederong si Dondon bilang personal nitong alila – isang laruan o “alaga”. Pero ang kalagayan ni Ilay ay nagkaroon ng ibang kulay dahil umibig siya sa lalaking umaalipin sa kanya. Ano ang kahihinatnan ng kanyang pag-ibig?

Sa Daigdig Ng Pangarap

Sa Daigdig Ng Pangarap

Read This Book Online

Publish Date: 

1996

Print Publisher

Books for Pleasure, Inc.

ISBN: 

971-502-643-5