Skip to main content

‘Fat love’

MATAPOS “patabain” ang kanyang nobya para wala nang manligaw rito, nag-propose na ang selosong boyfriend.

Ang napakagandang si Yan Tai ay sobrang balingkinitan nang magsimula siyang makipag-date kay You Pan sa Guangdong Province, South China.

Pero makalipas ang dalawang taon, nang mag-propose na si You na magpakasal na sila ay hindi na halos makilala si Yan.

Lumobo kasi ang katawan ni Yan. Pinataba raw ni You ang nobya para hindi na ito maagaw sa kanya ng iba.

Sa panahon ng kanilang relasyon ay pinakakain niya ito nang sobra. Sagana ang 20-year-old na dalaga sa masasarap na almusal, tanghalian at hapunan.

Maging sa hatinggabi ay binibigyan din ni You ng midnight snack si Yan.

Ang plano ni You ay para wala nang ibang guys na ma-attract kay Yan kung mataba ito.

Nang mag-propose si You ay may dala siyang bulaklak kay Yan na may kasama pang Ferrero Rocher.

Ginawa rin niya ang proposal sa kalye kung nasaan ang mga restaurant na paboritong kainan ng magsyota. Saksi ang mga kaibigan nila na may dala pang larawan ng mga pagkain na madalas ibigay ni You kay Yan.

Masayang-masaya naman si Yan nang sumagot ng “Yes!” at nagpalakpakan ang mga nakasaksi nang mag-kiss ang dalawa.

Nangako naman si You na mas patatabain pa si Yan pag kasal na sila.

EDITOR’S TAKE:

Weird ang naging paraan ni You para wala nang ibang magkainteres kay Yan. At hindi naman natin maintindihan kung bakit pumayag si Yan sa naging plano ng selosong boyfriend masolo lang siya.

Kung sa paningin natin ay medyo funny ang romansang ito, looking at the bigger picture ay magiging problema rin ito ng dalawa later on. Pag sobra na kasing taba ang isang babae, kung wala mang maakit na lalaki sa kanya ay nagiging magnet naman ng maraming sakit.

Isa itong halimbawa ng linya sa kanta ng Queen na: “Too much like will kill you.” Isang paraan ng pagpatay sa sobrang pagmamahal na hindi painful pero unti-unti at dahan-dahan.