Skip to main content

Afraid To Love (Last part)

Nobela ni MAUI PELAYO

(Huling labas)

ISANG halik muli ang iginawad kay Gemma ni Crisben matapos ang salaysay ng dalaga. Tila gusto nitong burahin ang lahat ng sakit sa pamamagitan lamang ng halik.

            At tama naman ito. The fact that Crisben is now back in her life is enough for her. She cannot ask for more, for God has given her the best man she could ever long for.

            “I love you, Crisben... and sorry sa lahat nang mali kong nagawa dati,” matapat niyang samo pagkaraka.

            “Sorry din…” buntong-hininga nito. “And I love you more.”

            “Crisben, will you marry me?” biglang sambulat ni Gemma.

            Natawa ang binata. “Linya ko ‘yan!”

            Nagkatawanan sila.

            “Then ask me,” pangunguilit ni Gemma.

            Na lalo namang ikinasiya ng lalaki. “Okay, for formality’s sake, will you marry me?”

            Nangingislap ang kapwa nila mga mata habang mataman silang nakatitig sa isa’t isa. Masaya ang kapwa nila damdamin na sa wakas ay nagtagpo na muli sila at nabigyan pa ng isang pagkakataon para lubusang maging masaya.

                                                                  **

TANGGAP na tanggap ng pamilya ni Crisben ang kanyang nobya. Dalawang buwan pa ang nakaraan at nasa planning stage na ang kasal nila ni Gemma.

            Kumpleto ang kanyang pamilya sa reunion nila sa Tagaytay, sa rest house ng kanyang Tita Cita. Ang lahat ay animo hindi makapaniwala na sa wakas ay mag-aasawa na siya.        

            “Ay, wala na kaming tutuksuhin,” anang isa niyang Tita. “But I’m so happy na sa wakas, nadagdagan din ang menu ng ating reunion.”

            Nagkatawanan ang lahat lalo pa’t kunwa’y nagtataray ang host ng okasyon. Tumulong kasi si Gemma sa pagluluto at nagdala sila ng mga gawa nitong pastries na nagustuhan rin ng lahat.

            Kasundung-kasundo ni Gemma ang mga kapatid niya. Kakutsaba na nga nito ang dalawa sa mga sikreto tungkol sa kanya.

            “Bilisan n’yo ang paggawa, ha? Para magkaapo na kami na siguradong hindi blonde,” pasaring ng mommy niya.

            Muli na namang nagkatawanan.

            Pareho kasing foreigner ang napangasawa nina Mona at Vener kaya ang mga anak ng mga ito ay mas nagmana sa mga tatay ng mga ito.

            “Kaya naman pala hindi mo pinatos ang regalo ko sa ‘yo no’ng birthday mo noon,” pasaring ng pilyo niyang tito. At saka ito nagseryoso. “Ang taas pala ng taste mo. Maganda na, magaling pang magluto.”

            Nakipag-apir pa si Gemma bilang pasasalamat sa pumuri rito.

            Patuloy ang huntahan. Patuloy ang tuksuhan.

            At tila wala na ring katapusan ang kasiyahan na nararamdaman ngayon ni Crisben na sa wakas ay nakuha na niya ang lahat nang hiling.

            Si Gemma…

At kanya na itong makakasama sa mga bukas pang darating.

 

                                                              WAKAS