Skip to main content

Afraid To Love (Part 13)

Nobela ni MAUI PELAYO

(Ika-13 labas)

NAGKAPASARINGAN sina Crisben at Gemma dahil sa sobrang late ang dalaga sa miting.

Lalong lumaki ang ngiti ni Gemma. “And I also didn’t expect that after all the hassles I’ve gone through just to reach your office…”

            “Ten years late,” putol ni Crisben.

            “Even so, you were supposed to wait for me. As a perfect gentleman…” nakangiti pa rin nitong hirit.

            “Which I’m not,” pagsingit niyang muli. He’s enjoying their exchanges of words. Actually, he’s enjoying just the fact that she’s here.

            Natawa na ito. “So, the quixotic Romeo has his flaws afterall.”

            “And that quixotic Romeo badly wants to kiss you and kiss you and kiss you until you’ll be so lenient as to sign whatever papers I need you to sign,” parinig niya sa dalaga. Kahit pa ang puso niya ay matindi na ang kaba na baka ma-turn down siya. 

            Pero tila hindi rin maitatanggi ni Gemma ang attraction nito para sa kanya. It was there all along, the chemistry between them. Kahit pa pisikal lamang ay masaya na rin si Crisben na may epekto pa rin siya rito.

            Marahan itong tumayo at lumapit sa kanya. Parang walang isang linggo na namagitan nang simulan siyang hagkan ng dalaga sa mga labi niya.

            Pinagsalikop nito ang mga kamay sa kanyang batok habang lalo pa nitong inihahapit ang katawan sa kanya.

            Kaytagal niyang inasam na maulit ang ganito. Kaytagal niyang nakuntento na sa panaginip na lamang nakakasalo ang dalaga. At hindi na siya nag-aksaya ng panahon para makabawi sa kanyang pangungulila.

            Tinumbasan niya ang pusok ng halik nito. Pagkaraka ay pinangko niya ito hanggang sa marating nila ang kanyang kuwarto.

            Doon ay lalo pa nilang pinag-alab ang bawat nilang pantasya. They were both naked in no time.

            Crisben touched her as if he has the mastery over her curvaceous body, wanted her to feel how much he really loves her. He caressed every part of her until they were almost swept by the tide of the sweet sensation.

            He kissed, tasted and loved every bit of her before he finally completed their union.

            Nagpadadala lamang si Gemma kung saan niya ito dalhin. Hindi tumututol, bagkus ay tinutumbasan pa ang bawat niyang paglalambing.

            He was so glorified when at last they’ve reached the peak, Crisben heard her call no other name but his. Pangako niyang gagawin ang lahat para sa puso nito ay siya na rin ang makapalit.

                                                         **          

MADALINGG-ARAW nang maalimpungatan si Gemma sa kung anong nakakakiliti sa kanya. Yakap pa rin siya ni Crisben, magkatabi sila sa kama and he’s lovingly caressing her derriere.

            Tiningnan niya ang binata para iparamdam rito na gising na siya.

            Ginawaran siya nito ng marahang halik sa kanyang mga labi. “Gems… I love you…” matapang nitong pagtatapat.

            Hindi na niya ito pinagtawanan gaya no’ng una. Niyakap niya ito pero hindi na nagsalita. Ayaw naman kasi niyang saktan ang binata sa pagtatapat rito ng katotohanan na may iba pa ring laman ang puso niya kahit pa ngayon ay ito ang kanyang kasama.

            Ilang saglit rin silang natahimik. Pagkaraka ay kumilos na siya para sana bumangon pero hindi siya nito hinayaan.

            “Dito ka muna,” samo ni Crisben.

            “Okay, maybe some more hours,” pagpayag niya. “But I need to get home before six. May hinihintay kasi akong reports from my staff.”

            Ikinulong siya nitong muli sa mga bisig nito. “Gems… can’t you stay longer?”

            Magaan ang pakiramdam niya habang narito siya sa init ng yakap ng binata. She feels safe, she feels satisfied… Pero may kulang. “I really need to be at my house by six.”

            “I want you to be here, forever… But I know that it’s too much to ask. Tell me, Gems, will you ever reconsider marrying me?” seryoso nitong banggit.

            Hindi na siya nag-isip. Marahan siyang umiling. Crisben has been honest with her from the start, at tinutugon lang niya ang mga samo nito with all honesty.

            “I’m attracted to you, but I don’t love you… At hindi magandang foundation ng marriage ang lust,” aniya. “Bien has hurt me, he tore my world apart. I thought that I could never make it without him in my life. I have moved on… yeah… But I still do love him…”

            “Paano kung bumalik siya?” malungkot nitong tanong. “At sinabi niya na mahal ka pa rin niya?”

            “I’m a fool like you are, at kahit ano pa ang sabihin ng iba, alam kong sasama pa rin ako sa kanya dahil mahal na mahal ko siya,” sagot niya.

            Natahimik ang binata.

 

SUBAYBAYAN!