Skip to main content

Afraid To Love (Part 14)

Nobela ni MAUI PELAYO

(Ika-14 na labas)

SINABI ni Gemma kay Crisben na hindi nito ganoon kadaling makakalimutan ang ex-boyfriend. Matatas na pahayag ng dalaga, “I’m a fool like you are, at kahit ano pa ang sabihin ng iba, alam kong sasama pa rin ako sa kanya dahil mahal na mahal ko siya.”

            Natahimik ang binata.

            Hinaplos ni Gemma ang ulo ni Crisben at hinagkan ito sa pisngi. “Hey, don’t look so gloomy. I only want to be honest with you. You’re special to me, you’ll always be… But until I’m still longing for Bien, I wouldn’t risk the chance to commit in a relationship with you.”

            “What about if it will just be on a temporary basis? If you don’t want to marry me, will you consider living in with me?”

            Kagyat siyang natigilan. Bakit nga ba hindi> “Are you sure you want that set-up? Para kasing hindi bagay sa ‘yo, parang mas makakabuti kung kalilimutan mo na lang ako.”

            Mataman siya nitong tiningnan nang nagsusumamo nitong mga mata. “Kundi lang din ikaw, di bale na lang. Please, Gems… Gusto kong lagi kitang kasama, kausap, katabi… basta gusto ko lagi kitang nakikita…”

            “Pero pa’no kung…” simula niyang paglalabas ng mga alinlangan niya.

            “No strings attached,” mabilis nitong banggit. “I won’t hold you against your will. You’re free to go whenever you’d want to.”

            Natahimik na siya.

            “Gems… please… say that you’ll live in with me,” samo nito habang lalo pang humihigpit ang yakap nito sa kanya.

            Wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag sa gusto nito. Bahala na… aniya sa isip.

            Pero deep inside her ay gusto rin niya ang ganoong set-up. Espesyal na ang binata sa kanya, hindi lamang kasinglalim ng nadarama niya sa dating kasintahan. Napatunayan rin niya sa loob ng isang linggo na hindi sila nagkita ay hinahanap-hanap niya ang mga halik at yakap nito.

            She only wanted to be fair with Crisben kaya hindi siya pumayag sa kasal. Kung may nararapat man itong iharap sa dambana, hindi iyon ang gaya niya. Mas mabuti na ang napagkasunduan nilang arrangement, walang pressure pero tiyak na habang nakakasama niya ang binata ay mabibigyan siya ng pagkakataon na lalo itong makilala.

            At ano ba ang malay nila na baka ito pa ang makagamot sa masakit niyang nakaraan at magturo sa kanya ng paglimot sa isang lalaking hanggang ngayon ay kanyang minamahal.

                                                            **

EVERYTHING turned to be smooth and right, just like how Crisben always imagined it would be.

            “Honey, I’m home,” pagtawag niya mula sa bungad pa lang ng pintuan ng bahay niya kung saan magkasama na silang nakatira ni Gemma.

            Tatlong buwan na ang mabilis na lumipas. Sa ngayon ay pinapaupahan ni Gemma ang sarili nitong bahay habang dito ito tumutuloy sa kanya.

            Gaya nang nakagawian, masaya ang hitsura ng dalaga nang salubungin siya nito mula sa kusina. Amoy pa niya rito ang iginagayak nitong hapunan.

“Hmm… my favorite, escabeche,” palatak niya habang hinahagkan ito sa pisngi.

            Yumakap naman sa kanya ang dalaga habang natatawa. “Lahat naman, favorite mo,” pasaring nito.

            Niyakap rin niya ito. “Basta luto mo, siyempre!”

            Nagkatawanan sila habang sabay na pumapasok sa kuwarto. Pagdating roon ay inihanda na ni Gemma ang pampalit niyang damit. Pinunasan muna siya nito ng pawis bago siya sinabihang magpalit na. “Mamaya ka na mag-shower, pagod ka pa.”

            Naisip ni Crisben, sana ay wala nang wakas ang kaligayahang nadarama nila ngayon ni Gemma.

 

SUBAYBAYAN!