Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Afraid To Love (Part 16)

Nobela ni MAUI PELAYO

(Ika-16 na labas)

IPINAGKANULO si Gemma ng sariling damdamin nang muling makita ang dating nobyo na si Bien. Buong higpit niya itong niyakap. Ipinadama niya rito kung gaano siya nangulila rito. At gayon rin ang ginawa nito sa kanya.

            “Gemma, I’m so sorry. If you’d give me another chance, I’d like us to start anew. I want you to marry me… I want to spend the rest of my life with you,” pahayag ni Bien.

            Pero sa ngayon ay wala siyang naitugon rito kundi tahimik na pagluha. Kaytagal niyang inasam na marinig muli ang gayong mga salita.

            Alam niya ang gusto ng puso niya, pero bakit ang isipin pa lang na malalayo siya kay Crisben ay tila nakakasakit na rin sa damdamin niya?

            Iba talaga kung magbiro ang tadhana. Hindi kailanman pinaghandaan ni Gemma  ang tagpong ito. Hindi niya kailanman inisip na lilitaw muli si Bien at muli rin nitong sasambitin ang mga pangako nito sa kanya dati.

                                                                   **       

“HONEY, I’m home…” bungad ni Crisben pagdating sa bahay. Pero agad siyang natigilan nang bumungad sa kanya si Gemma na manipis na nighties lamang ang kasuotan.

            Hindi na siya nito kailangang lapitan. Isang sulyap pa lang niya rito ay kuha na agad nito ang kanyang pagnanasa. Hindi niya alam kung anong sorpresa ang pinlano ng kinakasama, pero nakahanda siya.

            Nang maglapit ay kapwa na sila tila naging alipin ng bawat nilang pantasya. They kissed and devoured like this would be their last kiss.

            Animo isang diyosa, si Gemma ang umakay sa kanya hanggang sa makaupo siya sa sofa. She teased him by slowly divesting every piece of her clothing under his searing gaze.

            He tried to capture her but she did not let him. Instead, she positioned herself at his side while delicately shedding off his clothes until they were both naked.

            She kissed him then, so intense that he thought he would lose his sanity. Just when he thought the teasing were over, Gemma positioned herself atop him and led him to another realm where nothing matters but the two of them coming in as one.

            He would never forget this night. Though somehow, it brings some fear…

            Crisben was more than satisfied, but he couldn’t help but worry why he feels that something will go wrong?

            Lalo pa niyang inihapit ang katawan sa dalaga. Dito siya kumukuha ng tibay at lakas ng loob para mawala at tuluyan nang mabura ang wala namang basehan niyang mga pangamba.

                                                              **

MAINGAT si Gemma na hindi magising si Crisben habang kumakalas siya sa pagkakayap nito.

            Pinaghandaan niya ang naganap sa kanila kanina bilang pasasalamat niya sa kabutihan nito at tahimik na pagpapaalam na bukas, hindi na siya nito magigisnan.

            Hindi niya kayang dayain ang damdamin niya, mahal pa rin niya si Bien. Hindi niya alam kung ano ang sunod niyang gagawin, kung papayag sa gusto ng dating nobyo at sasama na rito o hahayaan na muna ang sarili para makapag-isip.

            Para kasing may kung anong bumubulong sa kanya na dito na lamang siya, na sa piling ng katabing ngayon niya lang nadarama ang kapayapaan sa damdamin at kapanatagan na sa kanya’y may tunay na nagmamahal.

            Naaawa siya kay Crisben lalo pa at tiyak niyang masasaktan ito. Pero nasasaktan din siya, lalo pa’t gulung-gulo ngayon ang isip niya.

            Naiempake na niya ang mga gamit kanina pa. Kaunti lamang naman iyon dahil noon pa man ay sinabi na niya sa sarili niya na temporary lamang ang lahat.

 

SUBAYBAYAN!