Afraid To Love (Part 2)
Nobela ni MAUI PELAYO
(Ika-2 labas)
SANAY na rin si Crisben sa mga tipo ni Gemma. He has gotten used to the fact that many girls swoon just to get his attention. Not only a looker, he is also quite an achiever.
Aside from his very successful restaurant business, napag-aral rin niya sa abroad ang dalawa pa niyang nakababatang kapatid na ngayon ay doon na rin namumuhay at may mga sarili ng pamilya. Pati mga magulang nila ay nagagawa na kung ano ang gustuhin ng mga ito, at puntahan ang mga lugar na nais ng mga itong marating.
He knows he’s a good catch; he’s often told and even warned about it but he never really puts it in his head. It’s indeed flattering, pero mas gusto pa rin niya na siya ang nanunuyo sa isang babae.
Hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon kay Gemma kung bakit bigla yatang nag-iba ang mga pangyayari. At imbes na pigilan ay hinayaan lang niya ang kanyang sarili na magpaanod sa bawat nitong idinidikta sa kanya.
It was almost past ten when he first saw her, looking so gloomy yet so beautiful, sitting alone in the bar. Hindi na niya naalis ang tingin rito, gusto sana niya itong lapitan at makipagkilala pero hindi na siya nabigyan ng pagkakataon dahil ang dalaga na mismo ang siyang gumawa ng ganoon sa kanya.
A sad but beautiful tune was playing when she first approached him. He was instantly lost when she batted her pretty lashes on him. Naririnig niya ang kanta, kahit pa tila mas malakas pa rito ang kabog ng puso niya kanina. Nakakatawa, pero kinabahan siya.
They danced the most erotic dance of his life in an ironically, sad Dan Hill tune. Hindi niya matandaan ang title pero tiyak niyang maaalala niya kapag narinig niya itong muli. At tiyak ding hahanap-hanapin niya si Gemma pag nagkataon.
Alam niyang lasing ang dalaga lalo pa’t hindi niya ngalan ang sa tuwina ay naririnig niyang sinasambit nito kundi ang pangalang Bien. Kung sino man ‘yon ay nanatili sa kanyang isang misteryo. Pero sa kanyang pagkawala ay nabalewala na ‘yon ni Crisben at natutong sumayaw sa tugtog na sila lamang ang nakakarinig.
Ngayon, habang pinagmamasdan niya ang dalaga ay hindi niya mapigil na makadama ng pangamba na baka magalit ito sa kanya sa pagmulat nito ng mga mata at ang bumungad rito ay hindi kakilala.
Tila narinig ang takbo ng kanyang isip, unti-unting nagmulat ng paningin ang dalaga. Kagaya niya kanina ay kagyat itong naguluhan no’ng una lalo pa nang mabatid nitong kapwa sila hubad at magkasalo sa iisang kumot sa malambot na kama.
Naghintay lamang siya, tahimik na nagmasid habang hindi niya napigilang bumalik ang kaba na kanyang nadama rin kanina no’ng una silang nagkita. Mataman siya ritong nakatingin habang inihahanda niya ang sarili sa kung ano man ang sunod na mangyayari.
Walang galit sa mukha ni Gemma habang gumagaya ito sa kanya sa pagkakaupo sa kama. Inihapit nito ang kumot para matakpan ang dibdib.
Nagulat pa siya nang marinig na mahinang tumatawa na ang dalaga. Pero imbes na magtanong ay nahawa na lamang siya rito. Hanggang sa sabay na nilang pinagsasaluhan ang pagkakasiyahan na hindi pa naman niya alam ang pinagmulan.
Sabay rin silang natigilan ilang segundo rin ang nakaraan.
SUBAYBAYAN!