Afraid To Love (Part 3)
Nobela ni MAUI PELAYO
(Ika-3 labas)
NAKAHINGA nang maluwag si Crisben nang makitang nakangiti pa rin ang dalaga habang mataman ding nakatingin sa kanya.
“Ahm…” Pilit siyang naghahanap ng mga salita na maaaring maging angkop para hindi sila magkailangan.
Naghintay lamang si Gemma sa sasabihin niya. Nakangiti pa rin ito sa kanya.
Lalo naman siyang naging uneasy. At wala ring makuhang sabihin sa dalagang tingin pa lang ay nakakatunaw na sa kanyang pagtitimpi.
Paano nga ba siyang makakapag-isip nang matuwid gayong ang kumot na kanina ay tumatakip sa itaas ng dalaga ay unti-unti nang nahuhulog at tumatambad sa kanya ang higit pang kagandahan na pansamantala kaninang naitago.
Hindi niya napigil na sundan iyon ng kanyang nananabik na mga mata. Hindi na maitatanggi, gusto niya muling maangkin ang dalaga. Lalo iyong napag-aalab sa init ng kanyang tingin habang sinusundan ang lalo pang pagbaba ng kumot.
Tila napansin ni Gemma kung saan dumarako ang kanyang mga mata. Pero imbes na ma-offend ay lalo pa nitong ibinulgar ang sarili sa kanya. Inalis nito ang kumot, pati na ang nasa kanya at walang kiyemeng inihulog iyon sa kama.
Pakiramdam niya ay lalo siyang nag-init nang simulan nitong tingnan siya mula ulo hanggang paa, hanggang sa makuha ang nais nito.
He was really surprised to know that Gemma could arouse him just through her eyes. She’s really a perfect match he has been wanting to be with since he has become aware of his deep seated fantasies as a man.
Pero hindi sa ganito niya gustong matapos ang lahat. He’s sensing that she only wanted this night, this one night, but he could not help himself but long for more.
“You really are beautiful…” tapat niyang papuri. Inabot niya ito hanggang sa mayakap niya ang hubad nitong katawan. He touched her and made her feel what he couldn’t say.
He guided her until they were lying on the bed. Hindi niya ito pinakawalan pa. Hindi gaya kanina, he made sure that this time, nasa kanya ang manibela at siya ang magdadala sa kanila sa paraisong pinagdalhan sa kanya ng dalaga kanina.
He positioned himself atop her and began the rhythm of an unfulfilled tune until they both could hear the melody and dancing to it became easy.
They both gasped in awe when the song reached its highest note and began slowing down the tempo when they both had understood the lyrics. But they did not part until they could still hear the beat.
Kapwa pawis na pawis ang pareha nang maglayo sila. Kaunting espasyo lamang ang ibinigay niya sa dalaga, tama lamang para kapwa sila makahinga nang maluwag.
Pero hindi rin nagtagal ay muli niya itong kinalap sa kanyang mga bisig. Tila hindi niya makayanan na matagal na malayo rito. Masarap kasi sa pakiramdam ang init ng katawan ni Gemma habang tinutugon din nito ang mga yakap niya.
Hinayaan ni Crisben na makatulog sa init ng kanyang mga bisig ang babaing malakas ang kanyang pakiramdam na magiging importanteng parte ng kanyang buhay.
Hindi pa man sila nagkakausap nang maayos ay sigurado siya na bukas ay tiyak niyang pareho lamang ang hihilingin nila sa isa’t isa. At iyon ay ang lagi na silang magkasama.
Maluwag ang kalooban ni Crisben nang pukawin na siya ng pagkakahimbing. Kaytagal na niyang pinapangarap ang ganito. Isang babaing pupuno sa kanyang pagkatao sa lahat nang aspeto.
Hiling lang niya na sana ay maging maayos ang lahat. Na sana ay magkakilala pa sila nang lubos. At hindi matapos ngayong gabi ang lahat nang kanyang pag-asam.
Hindi pa man niya magawang aminin sa sarili, matindi ang tama niya kay Gemma. Nakakatawang isipin lalo pa’t minsan na niyang ipinangako sa sarili na hindi mahuhulog kung nalalaman niyang tagilid ang sitwasyon.
Pero ano ba itong napasok niya? Maganda man ang mga naganap, malabo sa kanya ang kanilang hinaharap. Pero pinigil muna niya na lalo pang mag-isip. Hanggang sa panaginip, dala ni Crisben ang hiling niya na sana ay maganda ang hatid sa kanila ni Gemma ng umagang darating.
SUBAYBAYAN!