Skip to main content

Afraid To Love (Part 36)

Nobela ni MAUI PELAYO

(Ika-36 na labas)

LIKE the perfect partners in life and love, Crisben and Gemma were again intertwined, dancing in the most perfect tune while silently whispering words of devotion and love.

            Pagdating sa bahay ni Gemma ay hindi na napigil ni Crisben ang pagkamapusok ng dalaga. Kung kanina nga sa sasakyan habang papunta sila rito ay muntik na siyang bumigay.

            Nanabik siya dahil sa tagal nilang pagkakawalay. Pero walang nagbago, kung may naiba man ay ‘yon ay ang lalo niyang kagustuhang maangkin ang dalaga gaya ng mga pinagsaluhan nila noon—o higit pa.

            They never made it to the bedroom. Nasa salas pa lamang ay kapwa na bumigay sa mga pantasya ang dalawa. Ngayon ay lalo nilang pinag-aalab ang kagustuhang madugtungan pa ang naudlot sa kanilang nakaraan.

            Crisben caressed her until he heard her moan. It was enough for him for his passions to be further ignited. She was lying beneath him, so lost in an ecstasy only he could bring.

            Kaytagal niyang pinangarap na maulit ang ganito. At ngayon ay lubos ang kanyang kasiyahan na muling silang nagsasalo.

            Lasing man ay sadyang napakapusok ni Gemma. She dared touch him on places he never thought possible to provoke him more.

            He was setting the pace, dictating the tempo until they both become masters of each one’s needs. He then gave her what they were both longing.

            Kapwa may mga luha sa mga mata ang dalawa nang sa wakas ay makumpleto ang kanilang pagsasama. Kapwa kuntento, kapwa masaya.

            Ibinalot ni Crisben sa maiinit niyang mga bisig si Gemma matapos ang kanilang unang biyahe patungo sa kanilang sariling langit.

            Nangiti siya nang mapansin na nakakatulog na ito sa yakap niya.

            Nag-ipon siya ng lakas para mabuhat ito at madala sa kuwarto. Pagdating doon ay idineposito niya ito sa kama. Hindi pa siya nakakabuwelo ay nagsisimula na naman si Gemma ng animo ay pang-aakit sa kanya.

            Hindi na siya nagpatumpik-tumpik at agad iyong pinagbigyan. Siniil niya ng mapusok na halik ang labi nito hanggang sa kapwa na naman nila tinatahak ang paraiso.

                                                      **

NAGISING si Gemma nang maramdaman ang init ng halik na dumampi sa kanyang pisngi.

            Bigla siyang naalarma kaya’t mabilis na kumilos para makaupo sa kama at buksan ang ilaw sa tabi niya. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang nasa kuwarto niya siya.

            Pero bumalik ang pagtataka niya nang malamang ang kinagisnan pala niyang katabi ay si Crisben… at di maipagkakaila na may nangyari na naman sa kanila!

            Nananatiling nakamasid sa kanya ang binata at hindi ito nagsasalita.

            “Ano’ng ginagawa mo rito?” aniya. May konting guhit ng pagseselos ang boses niya. Hindi kasi niya napigil na bumalik sa alaala ang nakita kanina nang nagpunta siya sa bahay nito. Ang babaing kahit buntis ay seksing-seksi ang dating.

            Pilyong ngiti lang ang naging kasagutan ni Crisben.

 

SUBAYBAYAN!