Skip to main content

Afraid To Love (Part 4)

Noela ni MAUI PELAYO

(Ika-4 na labas)

NAPAMULAGAT si Crisben lalo pa’t mataas na ang sinag ng araw nang magising siya kinabukasan. Ang maamong mukha ni Gemma ang bumungad sa kanya.

            Pero hindi kagaya niya ay maayos na ito, nakapagbihis na at tila hinihintay na lang talaga na magising siya.

            “Hi…” simulang bati nito. May hiya sa mga labi nito habang pilit siyang nginingitian. “Thank you for last night… It was nice… doing it with you. But I really have to say goodbye. And I think that it would be better if—”

            Hindi niya ito pinatapos. Mabilis siyang umayos ng upo habang may pagkakataon pa siya. Hindi niya hahayaan na dito lang magwakas ang lahat.

“No, please, Gemma, don’t go,” samo niya. “Last night was more than nice, it was perfect. Let’s give each other a chance to be friends… Please?”

            Marahan itong tumayo, nagtungo sa may bintana at nanatiling nakatalikod sa kanya habang nagsasalita.

“I have enough friends, and I really am not looking for another complication at this point in my life,” anito.

            Napayuko siya pero hindi pa rin pinanghinaan ng loob. Masakit isipin na isang kumplikasyon lang ang tingin nito sa kanya pero hindi pa rin siya patatalo sa negatibong emosyon.

“Sino si Bien?” lakas-loob niyang tanong.

            Bigyan man siya o hindi ng babaing ito ng tsansa para maging bahagi ng mundo nito ay pipilitin pa rin niyang alamin ang bawat detalye sa pagkatao nito.

            Nakuha niya ang buo nitong atensyon. “What?” nag-aalala nitong banggit.

            Naging malambot ang kanyang mukha, ipinahiwatig na estranghero man, ay handa siyang makinig sa kung ano ang gumugulo rito.

            “I heard you called his name last night while you were in my arms,” seryoso niyang banggit. “Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mo sa ‘king makipagkaibigan?”

            Bahagyang namula ang mukha ni Gemma.

“I’m sorry…” Isang pilit na ngiti muli ang lumabas sa labi nito. “Well, hey… this is not how one night stands supposed to end. I should have kissed you goodbye long before you’ve awaken.”

            “Then, why didn’t you?” aniya. Habang hindi niya napigil na bumalik ang kaba sa puso niya.

            Mahina itong natawa habang bumabalik sa may kama hanggang sa makaupo ito sa may gilid.

“I don’t know. Bakit nga ba?” masigla nitong palatak. “There’s something about you which made me stay. You’re also beautiful and I can’t deny how much you affect me.” Nagseryoso ang mukha nito, patunay na totoo sa loob ang sinasabi nito.

            Lumapit pa siya rito. Maingat siyang manatiling nakakubli ang kahubaran sa kumot na tumatakip sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

“Then why don’t you stay longer? Let’s start all over again, and get to know one another properly,” mungkahi niya.

            Kapwa silang napangiti dahil sa huli niyang nabanggit. Paano ba naman, sa dinami-rami at lalim ng kanilang pinagsaluhan, pangalan lamang nila ang alam nila sa isa’t isa.

            “Please, Gemma,” patuloy niyang pagsamo.

            Tila hindi nito napigil na haplusin ang kanyang pisngi habang ang mga mata nito ay animo naglalambing ang mga tingin.

“I can’t stay…” At saka nito ibinaba ang mga kamay sa tabi.

            He’s dying to dig out anything about her. “Then just tell me your whole name, where do you live, your phone number… anything… like what is your birthday or anything, anything… for me to have clue on how to trace you after you’ve left?” Natahimik ito saglit at tila nag-iisip. Malayo ang tingin ng dalaga at tila pati isip nito ay malayo rin.

“I’m sorry…” malungkot nitong banggit pagkaraka. “But we better part ways now, before we could know each other deeper. You seem to be a good and well-off person. You deserve someone who could give their all to you, and I’m not the one.”

            “But…” simula niyang pagtanggi.

            “No buts…” pagputol nito sa kanyang sinasabi. “Last night was a dream, it was a beautiful dream. But reality bites, coz it made us face the fact that our dreaming has to end. This is goodbye, Crisben.”

            Nanlumo ang binata/

 

SUBAYBAYAN!