Skip to main content

Aktres na itinanggi ni Alden Richards na naka-MU walang sama ng loob sa aktor

WALA raw sama ng loob si Rita Daniela (dating Rita de Guzman) kahit itinanggi ni Alden Richards na nagkaroon sila ng mutual understanding.

Sa isang panayam ay sinabi noon ni Rita na nagkaroon sila ng mutual understanding ni Alden, ngunit itinanggi ito ng Kapuso actor sa isang hiwalay na interview.

Nang makausap muli ng press, sinabi ni Rita na, “Okey naman po kami ni Alden. Ganoon pa rin naman po, wala naman pong nagbago.”

Hindi rin daw nabawasan ang kanilang pagkakaibigan.

“Kasi ganoon naman talaga si Alden, sobrang bait talaga. So, feeling ko, hindi naman siya mawawalan talaga ng friends.”

Hindi rin daw siya nasaktan sa pagtanggi ni Alden na nagkaroon sila ng relasyon. “Hindi talaga! Kasi kilala na namin ang isa’t isa, kung gaano kami kaprangka. So, noong nagkita kami, ganoon lang... smile lang tapos ay nag-hug kami.”

Napangiti na lang daw si Rita nang mabasa ang naging interview kay Alden na nagde-deny sa claim niya na naging MU sila.

“Kasi ibig sabihin ay sinabi lang niya kung ano ‘yung napi-feel niya, at kung ano ‘yung point of view niya. Alam din naman niya na totoo ako.”

Dahil sa naging isyu sa kanila ay maraming bashers ngayon si Rita dahil sobra raw siyang assuming. Tanggap naman daw niya ang sitwasyon. “Kasi ang importante naman po ay ‘yung kami ni Alden, e. Basta sure kami na okey kami.”

Ang dalaga ay makakasama sa “Let The Love Begin” nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid, at gaganap siya rito bilang kontrabida.

EDITOR’S TAKE:

Part ng buhay ng mga artista na itanggi kapag nasa isang relasyon. Nakababawas kasi iyon kung minsan sa kanilang popularity lalo na kung ang isang party ay hindi makatutulong sa stature ng mas sikat.