Skip to main content

Aktres na-in love sa doktor na gumamot sa kanya

NAPAULAT kamakailan sa Readers Digest ang love story nina Sarah Peterson, actress, 60, at Dr. Sherwin B. Nuland, isang doktor, 78, ng Milford, Connecticut.

Bahagi noon si Sarah ng American Shakespeare Theatre Stratford, Connecticut nang makaramdam ng pananakit sa likod. May nakitang maliit na bukol doon at inoperahan.

Matapos ang operasyon ay inirekomenda siya ng ospital sa isang local clinic dahil nagkaroon siya ng impeksyon. Nakadapa siya sa examination table nang may pumasok na guwapong lalaki—ang doktor.

Nag-usap sila ng doktor, si Sherwin. Kahit masamang-masama ang pakiramdam ay na-appreciate daw ni Sarah ang kaguwapuhan nito.

Ani Sarah, “As sick as I was, I thought, ‘Oh, he's cute!’ And he has blue eyes. I had to keep going back to his office so that he could change the dressing on this boil and check its progress. Our relationship went from there. To think that at first, I felt this wonderful man would be a good match for an older friend of mine!”

Kuwento naman ni Sherwin, “While Sarah was lying in the exam room, she asked me about the ‘Hippocratic Oath’ that was hanging on the wall. She had taken classical Greek in college, she said, and she wondered about the translation. I thought, ‘This is an unusual patient.’”

Sa sunod na punta ni Sarah sa clinic ni Sherwin ay mas lumawak pa ang kanilang kuwentuhan tungkol sa arts and literature—kahit pa may ibang ginagamot ang doktor.

Nanood din si Sherwin ng show ni Sarah kasama ang dalawa niyang anak sa una niyang karelasyon.

Naging mas close naman sila nang imbitahan ni Sarah si Sherwin na mag-dinner sa kanilang bahay. Nang magpapaalam na si Sherwin ay hinalikan niya sa noo si Sarah—na nagdiretso sa mga labi nito. Nang gabi ring iyon ay nagkaunawaan na sila.

Ayon kay Sherwin, “I realized that I was falling very deeply and sincerely in love with Sarah.”

Nang malaman ang kanilang relasyon, mismong ang mga anak ni Sherwin ang nag-udyok sa kanilang ama na pakasalan na si Sarah. Hindi na rin naman nagpatumpik-tumpik pa ang doktor dahil sabi nga niya, “When both my children insisted I marry her, I knew I couldn't live the rest of my life without her.”

Sa ngayon ay mahigit 30 taon na ang pagsasama nina Sarah at Sherwin—and still going strong anila sa panayam sa kanila.

EDITOR’S TAKE:

Cute ang simula ng love story nina Sarah at Sherwin, and to think na hindi inisip ng babae na magiging sila dahil much older sa kanya ang doktor. Nakatulong din sa kanilang relasyon na pareho silang mahilig sa arts kahit pa magkaiba sila ng propesyon. Maganda namang support group para kay Sherwin ang kanyang mga anak na approve agad ang relasyon nila ni Sarah.

May kasabihang love comes from the most unexpected places. Sa clinic nagsimula ang atraksyon nina Sarah at Sherwin. Nakatulong din ang kanilang maturity at mga karanasan sa buhay para sila magtagal. ‘Ika nga ay nagkatagpo sila sa right place and at the right time.