Skip to main content

AlDub mas may kilig hangga't di pa umaamin

February 15, 2016

PUWEDE nang tawaging King and Queen ng TV commercials ang AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza sa rami ng TV commercials, billboards, and print ads ng dalawa.

Kung hindi tayo nagkakamali, over 20 product endorsements meron ang dalawa na magkasama at magkahiwalay—and counting.

Kung panonoorin ang commercial breaks ng Eat Bulaga, halos pawang TVCs nina Alden at Maine ang mapapanood. Hindi kasi puwedeng mapanood sa ABS-CBN ang mga commercial ng dalawa na sila’y magkasama kaya ginawan sila ng solo versions para lamang ito’y mapanood sa Kapamilya Network.

Sa rami ng mga product endorsements nina Alden at Maine, agad silang naging instant millionaires dahil hindi umano bababa sa limang milyon ang bayad sa bawat isa sa kanila per TVC.

Sadyang napakasuwerte talaga nina Alden at Maine, now considered as phenomenal stars.

Speaking of Alden at Maine, ano na nga kaya ang present status ng dalawa? Sila na ba? Nanliligaw na ba si Alden kay Maine o baka mag-MU (as in mutual understanding) na ang dalawa na ayaw lang ipaalam sa publiko?

Wala namang sagot ang dalawa tungkol dito.

EDITOR’S TAKE:

Mas may kilig kasi pag hindi pa sila. Baka pag umamin na sila na nga, mawala naman ang magnet sa advertisers.