Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 100)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(ika-100 labas)

NAKARAMDAM ng kakaibang init sa katawan si Iza nang mapagmasdan ang napakalaking bukol sa pundiyo ni Amadeo. Palibhasa’y manipis na manipis ang tela ng suot nitong gardener’s pants at alam niyang wala itong suot na briefs, parang may natutulog na tuta sa pagitan ng hita nito.

Biglang ibinaba ni Amadeo ang binabasang dyaryo. Nagtama ang kanilang mga paningin. Ang malulungkot nitong mga mata ay tila nagtatanong sa kanya kung bakit naroon pa siya ngunit wala naman ang pagkairita.

“M-may ipag-uutos pa kayo, Senyor?” tanong niya rito.

Marahan itong umiling at nagbalik sa pagbabasa. Bago siya tuluyang umalis doon ay muli niyang sinulyapan ang “tulog na tuta” sa pundiyo nito.

Nagdiretso siya sa kanyang tulugan. Dumapa. Ramdam pa rin niya ang malagkit, mainit na katas na dumaloy mula sa kanyang kaselanan.

Ipinikit niya ang mga mata at hinamig ang sarili. Maya-maya ay tumayo siya at naghilamos. Marami pa siyang dapat tapusin.

May ugali si Amadeo na kung minsan ay gustong sa kuwarto nito nagla-lunch, kung minsan naman ay sa malaking mesa sa kusina. Siya ang naghahain dito ng pagkain, kaya pag trip nito na sa loob kumain ay siya ang naghahatid.

Nang araw na iyon ay sa kusina ito kumain. Niyaya rin ang mga house help, kabilang siya, na sumalo sa pagkain nito. Si Olga ang nasa malapit na puwesto nito.

May instruction din ito na kapag gusto nitong sabay-sabay silang kumain ay kailangang magkuwentuhan sila. Kung ano ang regular nilang pinag-uusapan, at nakikinig lang ito. Usually, ang mga napapanood nilang teleserye ang paksa ng kanilang kuwentuhan. Hindi naman ito sumasali sa usapan. Tuloy lang sa pagkain. Pag tapos nang kumain ay iinom ng red wine at magpapasalamat sa kanila, pagkatapos ay either manonood ng TV sa salas o magkukulong sa kuwarto.

Nagpipinta rin si Amadeo. Minsan ay napanood niya ito habang gumuguhit sa canvass. Sa palagay niya ay hindi ito ganoon kahusay, hindi kagaya ng mga pintor na nakikita niyang gumuguhit at nagbebenta ng kanilang obra sa may palengke na buhay na buhay ang pagkakaguhit. Hindi magaganda ang porma ng mga guhit nito pero nagagandahan siya sa pili nito ng kulay.

Pagkatapos ng tanghalian ay hinahayaan sila sa mansion na iyon na magpahinga hanggang alas tres y media. Ang iba niyang kasamahan ay nanonood ng TV o kaya’y natutulog. Nang araw na iyon ay wala siyang ganang manood ng TV kaya naisipan niyang tingnan sa unang pagkakataon mula nang ibigay sa kanya ang mga librong galing kay Amadeo.

Ang isa ay may pamagat na “The Betsy” na sinulat ni Harold Robbins; at ang isa naman ay ang “Stranger In The Mirror” na akda ni Sydney Sheldon.

Mahilig siyang magbasa. Sa katunayan, noong magtapos siya ng high school ay may award siya bilang best researcher. Marami ring aklat sa kanilang sira-sirang library ang nabasa niya. Maging ang mga dyaryo na binabasa ni Amadeo, bago niya tuluyang itapon ay binabasa muna niya, kaya well informed din siya sa mga kaganapan sa ating bansa at maging sa ibang bahagi ng mundo.

Una niyang binasa ang The Betsy at nagulat siya. Erotic pala ang nobelang iyon.

Na-hook siya sa pagbabasa. Nagulantang siya sa mga bulgar na love making, o mas tamang sabihing sex, sa halos lahat nang pahina. Kada buklat niya, laging may yarian.

Nakakarinig naman siya ng tungkol sa sex sa mga kuwentuhan ng kanyang mga kasamahan sa mansion. Pero ang mga eksenang nababasa niya sa mga pahina ng nobela ay tila nagmumulat sa kanya sa mas malalim na kahulugan ng sex. Iba pala ang green jokes kaysa sa graphic na description kapag nagniniig ang babae at lalaki. At hindi lang pala ito simpleng pagpatong lang ng lalaki sa babae at pagsasaksak ng burat nito sa kaselanan ng babae.

May mga pagkakataon palang ang babae ay mas agresibo pa kaysa sa lalaki.

Sa isang eksena sa libro ay ganito ang nabasa ni Iza:

SHE was still holding me, playing with me. “Do you have to pee?” she asked.
“Now that you mention it, I do.” I started out of the bed.
She followed me into the bathroom. “Let me hold it for you.”
I looked at her. “Be my guest.”
She stood behind me and aimed it at the bowl, but it was awkward and splashed over the seat.
“Just what I thought,” I said. “Women don’t know anything about taking a piss.”
“Let me try,” she said and climbed into the bathtub next to the toilet bowl. Then she held it. This time her aim was true.
I looked at her face. There was an expression of rapt concentration there that I had never seen before. A fascination that was almost childish. She turned her face up to me. Almost as if she were in a spell as she put her free hand in the path of the stream. Abruptly she turned it to her.
I stopped in surprise.
She pulled angrily at my cock. “Don’t stop!” she cried. “It’s beautiful. Bathe me in it.”
“Different strokes for different folks,” I said. If that was what she wanted, who was I to say no?”

Napahinga si Iza nang malalim. Biglang naglaro sa isip niya kung ano kaya at isang araw ay may sakit ang senyor at hindi magawang itama ang dyunyor nito sa inidoro pag umiihi? Baka pahawakan sa kanya para hindi magkalat.

At kung hawak na niya, sabihin din kaya niya rito na, “It’s beautiful. Bathe me in it.”

Naramdaman na naman niya ang pag-agos ng kanyang nektar. Ayaw man niyang ihinto ang pagbabasa ay kailangan na niyang lumabas ng kanyang tulugan. Tapos na ang break time, baka may ipag-uutos ang senyor.

Itinupi niya ang pahina ng aklat kung saan siya nagtapos magbasa. Mamaya, tiyak na uumagahin siya sa pagbabasa para marami pa siyang matuklasan sa nobela.

Sa kuwarto ni Amadeo ay may opsyon siya na kumatok o basta na lang pumasok. Balewala iyon dito. Hindi na siya kumatok at dire-diretsong nagtuloy sa loob.

Wala roon ang binata. Gusot ang higaan nito kaya inayos muna niya iyon. Maya-maya ay narinig niyang lumagitik ang pinto ng banyo nito. Naligo pala ito at mukhang katatapos lang dahil hindi na niya narinig ang lagaslas ng tubig.

Napalingon siya nang bumukas ang pinto. Lumabas doon si Amadeo na walang anumang saplot sa katawan.

Natutop ni Iza ang bibig nang mapatingin siya sa nakalawit na tila kasinlaki ng upo sa pagitan ng hita nito. Mahaba, malaki at mamula-mula ang ulo!

 

END OF BOOK X

(To be continued...)