Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 103)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-103 labas)

SA kauna-unahang pagkakataon ay naging mapangahas si Iza sa kanyang sarili at hinaplos ang kanyang kaselanan. Nang marating niya ang luwalhati at muling mahamig ang sarili ay napatingin siya sa salamin. Parang may nabago sa kanya. Pakiramdam niya ay mas gumanda siya. Namukadkad na parang sariwang talulot ng rosas. Iyon marahil ang resulta ng pagkakatuklas niya sa kanyang pagkababae.

Napangiti siya sa kanyang repleksyon sa salamin. Mamula-mula ang kanyang mga pisngi. Ang mga mata niyang dati-rati ay may lambong ng lungkot, ngayon ay nagkaroon ng kislap.

Hindi iyon ang unang pagkakataon na nagkaroon siya ng malakas na sexual urge. Kung minsan, kahit hindi nakahubad si Amadeo, basta nalanghap niya ang pabango nito ay nararamdaman niya ang pagkabasa ng kanyang pagkababae. Gusto sana niyang itanong iyon sa kanyang mga kasamahan ngunit nakahiyaan na niya. Madadaldal ang mga iyon, tiyak na tiyak na kapag may napagsabihan siya kahit isa ay kakalat at posibleng maging target na naman siya ng panunudyo ni Olga.

Sinarili na lamang niya ang lahat. Naisip niya, lihim niya iyon bilang babae at hindi niya dapat ipagkalat.

Kaya naman tuwing magbabasa siya ng The Betsy, malamang kaysa hindi ay hinahaplos niya ang kaselanan—bagaman at hindi niya sinasanggi ang kanyang kuntil o kaya’y ipinapasok ang daliri sa pinakabutas ng kanyang hiyas. Natatakot siya, tutal ay nararating naman niya ang langit kahit ang ibabaw lang ng kanyang bulaklak ang kanyang nilalaro.

Isang araw iyon na kinabukasan ay day off nilang lahat. Naroroon ang mga magulang ni Amadeo. Ang ina nito na magsisimba raw ay sinabihan siya na maiiwan muna at bandang hapon na lang siya umuwi sa kanila.

Patas ang matandang babae sa pagpili kung sino ang kakasamahin sa pagsisimba. Pinaiikot sila na parang may listahan, at ngayon nga ay toka nila. Masarap din namang kasama ang matandang babae sa pagsimba. Pagkatapos ng misa ay naghahanap ito ng masarap na makakainan at kasama nito sa pagkain ang kung sino mang alalay nito sa araw na iyon. Bukod pa ang bigay na three hundred pesos sa abala.

Kinabukasan ay nagsimba sila ng matandang babae. At gaya ng dati ay naghanap sila ng restoran na may masasarap na pagkain. Sa pagkakataong iyon ay sa isang Chinese reastaurant sila napadpad. Marami itong nakain sa inorder nitong maraming gulay. Palibhasa naman ay mahilig siya sa isda, espesyal na fish fillet ang kanyang inorder. Nagpabalot pa ito para kay Amadeo ng pata tim. Paborito raw ng anak iyon.

Nag-usisa ang matandang babae sa kanya habang kumakain sila.

“May napapansin ka bang kakaiba sa iyong Senyor Amadeo?” anito habang humihigop ng bird’s nest soup.

“Wala naman po,” matapat niyang sagot. “Masyado lang po siyang tahimik.”

“Ganoon kasi ang mga artist. Siya kasi, ayaw niya ng ibang kurso. Sana’y nasa Amerika na rin siya ngayon.”

Hindi siya kumibo.

“Narinig mo na ba siyang tumugtog?” tanong muli ng matanda.

“Hindi pa po. Pero nakita ko na siyang nagpinta. Maganda po naman. Hindi ko nga lang po malaman kung ano ang iginuguhit niya.”

Napangiti ang matandang senyora. “Abstract kasi ang guhit niya, Iza. Walang malinaw na subject. Hindi kagaya ng mga nakikita natin na may pinaggagayahan halimbawa ay magandang tanawin o babae. Ang abstract ay kung ano ang nasa emosyon ng artist at inilalabas niya iyon sa canvass.”

Of course, alam naman niya iyon. Nasabi lang niya na hindi malinaw sa kanya kung ano nga ba ‘yung iginuhit ni Amadeo.

Pero sa ngayon ay nahihiwagaan siya sa musika nito. Ni hindi pa niya ito nakitang tumugtog ng kahit anong instrumento.

“Natutuwa naman ako at hindi siya nagiging pabigat sa inyo,” anang senyora. “Pero tama ka, mabait si Amadeo. Nagkataon nga lang na wala siyang hilig sa ibang bagay. Sining lang ang mahalaga sa kanya.”

Nagbalik na sila sa mansion nang matapos ang kanilang pagkain. Nang nasa salas na sila ay may ipinakiusap ang kanyang senyora.

“Makati ang aking ulo, Iza. Baka ako’y may mga lisa na. Ano kaya kung silipin mo muna at bukas ka na umuwi sa inyo? Dadagdagan ko na lang ang iaabot ko sa iyo.”

Natuwa siya sa narinig. Pabor iyon sa kanya. Basta madaragdagan ang kanyang ipon ay natutuwa siya dahil bumibilis ang panahon na baka makabalik siya sa eskuwelahan.

“Sige po, Senyora...” excited niyang sagot dito. “Magbibihis lang po ako.”

“Huwag ka nang mag-uniporme,” atas nito. “Hindi ka naman maglilinis ng bahay. Kapag inantok ako ay puwede mo na akong iwan.”

“Opo, Senyora...”

Inabutan siya nito ng limandaang piso. Naisip niya, sana ay laging nasa bahay na iyon ang matanda at mangati ang ulo para lagi siyang may ekstrang kita.

Sa silid ng matanda niya ito hinanapan ng lisa. Wala naman siyang makita. Habang iniisa-isa niya halos ang mga hibla ng buhok nito ay nakikinig ito ng classical music mula sa isang lumang stereo. Naisip na lang niya na marahil ay naghahanap ito ng paraan para antukin. O kaya ay ng kahuntahan. Wala naman itong itinatanong kundi kung paano nila pinagsisilbihan si Amadeo. Kung nagiging masungit daw ba ito. Nahalata niyang mahal na mahal nito ang bunso.

Nasa ganoon silang ayos nang hangos na pumasok sa silid si Amadeo. Nangingislap ang mga mata sa tuwa. May dala-dalang peryodiko.

“Mama, look!” excited nitong sabi at ipinakita sa ina ang pahina ng peryodiko. Nagsuot ng makapal na salamin ang matanda at binasa iyon.

“Songwriting contest?” anang matanda. “So, what’s with this?”

“I’m going to join the contest, Mama!” puno ng pananabik ang tinig ni Amadeo. “And I’m telling you I’m going to win that contest!”

Ngumiti ang matanda. Buong suyong hinaplos ang pisngi ng anak at kapagkuwa’y niyakap. “Go ahead, son. Baka nga ito na ang hinihintay mong break.”

Wala naman sa sarili si Iza nang mga sandaling iyon. Pumasok kasi sa kuwarto ng senyora si Amadeo nang naka-boxer shorts lang at alam niyang wala itong briefs. Napatingin siya sa kandungan nito, at aninag niya ang mahaba, mataba nitong dyunyor.

Malamig sa silid ng senyora ngunit pinagpawisan siya.

“Kailangan mo ng full concentration sa pagko-compose ng iyong obra, Amadeo,” anang senyora na hinahaplos pa rin sa pisngi ang anak na bunso. “Bueno, kakailanganin mo lagi si Iza. Itotoka ko na siya sa iyo para ikaw na lang ang aasikasuhin niya.”

“Gracias, Mama,” hinagkan ito ni Amadeo sa noo. Kapagkuwa’y tumingin ito sa kanya. “Hindi naman kaya makabibigat kay Iza ang umalalay sa akin?”

 Natunaw siya sa titig ni Amadeo. Napayuko siya sabay nang naramdaman niyang pagkabasa muli ng kanyang pagkababae. Kabadung-kabado siya.

Gayunpaman, nae-excite din siya na lagi na siya sa tabi nito anumang oras.

Kiming tumugon siya. “Hindi po, Senyor. Basta iniutos ng senyora, gagampanan ko po nang buong husay.”

 

SUBAYBAYAN!