Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 104)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(ika-104 na labas)

IBINALITA ni Amadeo sa ina na sasali ito sa isang songwriting contest. Itinalaga naman ng donya si Iza na umalalay sa anak habang gumagawa ito ng komposisyon.

“Maaasahan po ninyo ang tulong ko, Senyor,” aniya kay Amadeo nang buong pagkamaginoo nitong sinabi na baka mabigatan siya sa mga ipag-uutos nito.

Ngumiti sa kanya nang buong tamis si Amadeo. “Narinig mo, Mama?” bumaling ito sa senyora, “aagapayan daw ako ni Iza. Kapag nanalo ako, gagantimpalaan natin ang kanyang kabutihan.”

“Oo naman, hijo,” ngumiti rin ang senyora at muling hinaplos sa pisngi ang binata. “At malaki ang paniniwala ko na mananalo ka.”

Muling hinagkan ni Amadeo ang noo ng ina. “Gracias, Mama. Lalabas na ako.” Tumingin ito sa dalaga. “Salamat sa suporta, Iza.”

Yumukod lang siya bilang pagtanggap sa sinabi nito.

Nang wala na ito ay napabuntunghininga ang senyora. “Hay, naku... may kababaliwan na naman ang aking bunso. Bahala ka na sa kanya, Iza. Bihira siyang sumaya, ibigay mo ang lahat sa kanya para magwagi siya.”

“Opo, Senyora...”

“Magpaalam ka sa iyong mga magulang na matatagalan ka bago muling makapagpahinga. Pero bibigyan kita ng ekstrang pera para may maiabot ka na agad sa kanila kung hindi ka man makauwi sa mga susunod na araw.”

“Naku, salamat po!”

Kinabukasan din ay umuwi siya sa kanila para magpaalam sa kanyang mga magulang na wala muna siyang day off dahil sa hiling ng senyora. Binigyan siya ng matandang amo ng tatlong libong piso, ibinigay na niya iyon sa ama’t ina. Pero ang sabi niya ay advance na suweldo iyon. Hindi niya sinabing ekstrang kita. Sa lugar nila noong panahong iyon ay marami ng pagkain na maihahatid ang halagang iyon sa kanilang hapag-kainan.

Nagbalik din agad siya sa mansion.

Bago muling umalis ang senyora ay kinausap nito ang lahat nang kasambahay. Sinabi nito na hindi muna si Iza kakatulungin sa ibang gawain dahil nakatoka siya kay Amadeo para hindi magambala ang senyor sa gagawin nito. Namigay rin ito ng sabong panligo at cologne sa kanila. Bilang mga babae, nakakatuwa para sa kanila ang gesture na iyon ng senyora.

Unang araw ng personal na pagsisilbi niya kay Amadeo. Hinatiran niya ito ng almusal. Habang kumakain ito ay inaayos naman niya ang kama nito.

“Tulungan mo ako mamaya, Iza,” anito kapagkuwan. “Aayusin natin ang girlfriend ko.”

Natigilan siya. May kasintahan na pala ang senyor. Pero bakit aayusin? “Opo,” maagap na lang niyang sagot.

May malaking office table si Amadeo sa loob ng silid na yari sa narra. Napakagandang muwebles. Sa ibabaw niyon ay may papel na hindi niya nauunawaan, pero dahil may mga musical notes siyang nakikita, inisip niyang iyon marahil ang ginagamit sa pagko-compose ng kanta.

Maingat siya sa pagkilos. Ayaw niyang lumikha ng anumang ingay. Nagsigarilyo ang senyor matapos kumain. Ayaw sana niya ng usok ng sigarilyo pero wala siyang magagawa. Sabagay ay may exhaust fan naman ang silid kaya mabilis ding nawawala ang amoy ng sigarilyo.

Nang makatapos manigarilyo ay niyaya siya ni Amadeo sa itaas ng bahay. Kasunod siya nito nang umakyat sa malaking hagdan na yari rin sa kahoy. Sa kanilang mga kasambahay, sina Olga lang at Ate Teray ang nakaakyat pa lang sa itaas paminsan-minsan para maglinis.

Halos puro silid ang nakita niya. Ang pinakadulo ang pinuntahan nila.

“Ito ang aking bodega, Iza. At naririto ang aking girlfriend,” tumawa si Amadeo.

Muli siyang nagtaka. At kinilabutan! Bakit naroon ang girlfriend nito? Hindi naman siya makapagtanong dahil baka magalit ito.

Binuksan nito ang pinto at ang ilaw. Lumantad sa paningin ni Iza ang iba’t ibang musical instruments. Nagpalinga-linga si Amadeo pagkatapos ay kinuha ang sa pakiwari niya ay isang saxophone.

“Ito ang girlfriend ko, Iza,” itinaas nito ang saxophone habang nagniningning ang mga mata. “Siya ang makakatuwang ko para makilala ako sa mundo ng musika.”

Bilang pagsuporta sa pangarap nito ay nagkatinig siya. “Napakaganda po niyan, Senyor. Tiyak na mamahalin ‘yan.”

“Sa London ‘yan binili ni Mama. Regalo niya noong mag-21 years old ako.”

Lumabas na sila ng silid nang makuha nito ang saxophone. Nagbalik sila sa kuwarto nito. May ibinigay ito sa kanya na bulak at solotion na panlinis.

“Hinay-hinay lang ang pahid, Iza,” utos nito sa kanya. “Hindi naman ‘yan masyadong marumi. Halos alikabok lang.”

Maagap siya lagi sa pagsagot ng “opo” sa bawat sabihin nito. Nakamasid ito sa kanya, sa harapan niya, habang naglilinis. Paminsan-minsan ay napapasulyap siya sa harapan nito. Malamig sa silid pero pinagpapawisan siya dahil sa nakaumbok sa harapan nito.

Pinunasan niya ng tuyong malinis na telang puti na malambot ang saxophone matapos niyang linisin. Makalipas ang ilang sandali ay kinuha iyon ni Amadeo, pinagana sa mga buton ang mga daliri at kapagkuwa’y hinipan. Pumailanlang ang malamyos na musika.

Napagdaop ni Iza ang mga palad. Nangislap ang kanyang mga mata. Kung hindi man niya nauunawaan ang mga nakita niyang iginuhit ni Amadeo, napakahusay pala nito sa musika! Hindi niya alam kung ano ang tinutugtog nito pero masarap na masarap sa kanyang tainga. Tumatagos sa kanyang puso.

Huminto sa pagtugtog si Amadeo.

Hindi napigilan ni Iza ang sarili. Napapalakpak siya. “Ang husay n’yo palang tumugtog, Senyor!” naibulalas niya.

Nagliwanag ang mukha ni Amadeo. Lumapit sa kanya.

Hindi akalain ni Iza ang sumunod nitong ginawa.

Hinagkan siya sa labi!

Nagulat si Iza sa sitwasyon. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakadikit ang labi ni Amadeo sa kanya. Bago pa siya nakahuma ay tinanggal na nito ang labi sa kanya.

“Salamat sa narinig ko sa iyo, Iza. Lalo akong na-inspire na lumukha ng musika,” ibinalik nito sa case ang saxophone. “Bago ako magsimula sa aking piyesa, igawa mo muna ako ng sandwich at kape.”

Hinamig niya ang sarili. “O-opo, Senyor...” At nanginginig ang mga tuhod na lumabas siya ng silid.

Habang naghahanda siya ng sandwich ay nanginginig din ang kanyang mga kamay. Napapikit siya. Huminga nang malalim. Kalma, Iza... bulong niya sa sarili. Hindi dapat magkamali sa ginagawa. Baka magalit ang senyor.

Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa. Pero alam niya, mamayang gabi ay iisipin niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya.

Wala ang senyor nang dalhin niya sa silid nito ang meryenda. Maya-maya ay lumabas ito sa banyo. Naligo pala.

At nakaramdam na naman ng panghihina si Iza. Hubu’t hubad na naman si Amadeo at kitang-kita niya ang malaki at matabang dyunyor nito!

Napatalikod siya rito.

 

SUBAYBAYAN!