Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 105)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-105 labas)

MULING nakita ni Iza na hubu’t hubad si Amadeo nang lumabas ito ng banyo at bagong paligo. Napatalikod siya para umiwas sa mapanuksong anyo nito.

Naupo sa mesang kainan nito ang senyor. Ni hindi nagdamit. Naramdaman niya ang tunog ng kutsarita na naghahalo sa ginawa niyang kape. Gayundin ang kutsilyo na naghiwa sa inihanda niyang sandwich.

“Marami naman ito,” anang senyor. “Saluhan mo ako, Iza.”

Natakpan ni Iza ang mukha sa panghihilakbot. Hindi siya makakilos sa pagkakatalikod dito.

Lumingon ito sa kanya. “Saluhan mo ako, Iza,” muling anyaya nito sa kanya.

Ayaw niya, iyon ang nasa isip ni Iza. Ngunit naalala rin niya ang bilin ng mabait na ina ng senyor. Ibigay ang lahat nang nais ng anak nito para makondisyon ang isip at makalikha ng musikang ipagwawagi nito sa kumpetisyon.

Nanaig ang tawag ng hanapbuhay sa kanya. Kahit nanginginig ang mga tuhod ay humakbang siya patungo sa mesa ni Amadeo.

Tumayo ito at ipinagbuhat siya ng silya. Ayaw niyang sumulyap sa kahubaran nito, lalo na sa nakalawit na kakambal nito. Nanginginig pa rin siya nang maupo. Ipinagsalin siya nito ng kape sa isang tasa. Naglagay ng hiwa ng sandwich sa isang platito at ibinigay sa kanya.

“Magmeryenda ka,” anito. “Kanina pa kita pinapagod.”

Kumuha siya ng isang kutsarita at hinalo ang kape. Nang tikman niya iyon ay masyadong matapang para sa kanyang panlasa. Akmang kukuha siya ng asukal, sa panginginig ng kanyang mga kamay ay nabitiwan niya iyon sa sahig.

Hiyang-hiyang dinampot niya sa sahig ang nalaglag na kutsarita. Kung bakit naman napasulyap siya sa kandungan ni Amadeo. Nakahimlay roon ang kakambal nito. Parang jumbo hotdog. At tingin niya, matigas ngayon iyon!

Lalong lumakas ang panginginig niya nang muling magbalik sa upuan. Sa pagkakataong ito ay ipinagtitimpla na siya ni Amadeo ng kape.

“Huwag mo nang gamitin ang nahulog na kutsarita,” anito. “May extra naman dito. Nilagyan ko na ng konting asukal ang iyong kape. Kumain ka na.”

Uminom siya ng kape para mawala ang panginginig. Unti-unti rin ang ginawa niyang pagkain sa sandwich. Napakakakatwa ng nangyayari sa kanya na kasalo sa pagkain ang isang makisig na lalaki na walang kahit anong suot sa katawan.

Mabilis kumain si Amadeo. Parang unmindful ito na naroroon siya. Kahit sobrang init din ng kape ay sandali lang nitong ininom iyon. Kapagkuwa’y tumayo ito.

Palibhasa’y malaking lalaki, halos nasa tapat ng mukha niya ang nakalawit na dyunyor nito. Alam niyang nanlaki na naman ang mga mata niya, at naitakip niya ang kamay sa bibig.

“Ipagpatuloy mo ang iyong pagkain, Iza. May gagawin lang ako,” utos nito sa kanya. Tinungo nito ang working table. May sinusulat na kung ano sa nakita niyang papel sa ibabaw, kapagkuwa’y hihihip sa saxophone. Iyun at iyon ang ginawa nito.

Minadali rin niya ang pagkain sa pangambang baka may bigla itong iutos sa kanya. Nakatalikod siya rito habang patuloy ito sa ginagawa.

Maya-maya ay narinig niyang parang naghikab ito. Nang lingunin niya, nakatayo ito at nag-iinat. Umalis ito sa working table nito at nahiga sa kama. Patihaya. Nakita na naman niya ang dyunyor nito habang nakahiga ito. Agad siyang nagbawi ng tingin.

“Iza...”

Napapitlag siya sa tawag nito.

“Senyor...” mabilis siyang lumapit dito.

“Marunong ka bang magmasahe?” tanong nito.

Hindi siya marunong. Sasagot na sana siya ng hindi nang maalala ang tagubilin ng ina nito. Huminga siya nang malalim. “M-magpapamasahe po ba kayo?”

Ngumiti si Amadeo. “Sana. Ang tagal kong hindi nakakapagpamasahe tapos ay kanina pa ako laging nakayuko. Nangawit ang aking likod at batok.”

Muli siyang nanginig. “S-sige po. Imamasahe ko kayo.”

Dumapa si Amadeo. May inapuhap ang isang kamay nito at iniabot sa kanya. Liniment. Itinuro rin nito ang bahagi ng katawan na kanyang hihilutin.

Iyon ang kanyang unang karanasan sa pagmamasahe ng isang lalaki. Hindi niya inakala na dito na pala mag-uumpisa ang kanyang career bilang masahista, bagaman at marami pa siyang ibang pinagdaanan sa buhay matapos ang tagpong ito.

May nginig pa rin sa kanyang mga kamay nang maglagay siya ng liniment sa mga palad at ihaplos iyon sa likod ni Amadeo. Barakung-barako ang hilatsa ng balat at masel nito. Para itong player ng football. Malalapad ang mga balikat. Maging ang leeg nito ay malaki, halos kasinlaki ng ulo nito. Batay sa nabasa niya, kapag ang leeg ng lalaki ay halos kasukat ng ulo nito, malakas iyon sa mga pisikal na gawain.

Hindi siya marunong magmasahe kaya tinantiya na lang niya ang ginagawa. Hinahagod niya sa iisang motion ang bahagi ng katawan nito na minamasahe niya, kapagkuwa’y babaligtarin niya ang direksyon.

Itinaas nito ang isang kamay na parang pinahihinto siya. Tumigil siya sa ginagawa. Hindi niya akalain ang sunod nitong ginawa. Tumihaya ito.

Muntik na siyang mapasigaw nang makitang tigas na tigas ang dyunyor nito!

Ngunit parang balewala naman iyon kay Amadeo. Itinuro nito ang dibdib. “Pakimasahe na rin nito, Iza. Masasakit din ang mga ugat ko riyan.”

Napapakagat-labi siya sa pagmamasahe rito ngayon lalo pa’t hindi niya maiwasang makita ang tirik na tirik na dyunyor nito. Higit pala iyong malaki kapag ganitong tigas. Nag-aalsahan ang mga ugat. Naeeskandalo siya sa reyalisasyong tumayo iyon dahil lamang sa ginagawa niyang pagmamasahe rito.

Napaiyak siya...

Nagulat si Amadeo sa naging pag-iyak niya. Hinawakan nito ang mga kamay niya. Mas lalo itong namangha sa natuklasan.

“Nanginginig ka, Iza. May dinaramdam ka ba?” alalang tanong nito. Idinikit nito ang kamay sa kanyang leeg, waring inaalam kung mayroon siyang lagnat.

“W-wala po, Senyor...”

“Bakit ka umiiyak?”

“Wala po. Paumanhin po. Itutuloy ko na po ang pagmamasahe sa inyo.” Naisip niyang baka magalit ito kaya pinakalma niya ang sarili.

Tinitigan si Amadeo. Waring sinusuri siya. Nakayuko lang siya habang minamasdan nito.

“Hindi ka nagsasabi sa senyor ng totoo,” anito sa malumanay na tinig. “Sabihin mo kung ano ang nasa iisip mo, Iza. Nasa malayang bansa tayo, lahat ay may karapatang sabihin ang kanyang nararamdaman.”

Naisip niyang sabihin dito ang nasa kalooban. “H-hindi po ako sanay makakita ng hubad na lalaki, Senyor...”

Bahagyang napaangat ang kilay ni Amadeo. Kapagkuwa’y malumanay na ngumiti. “Iyon pala ‘yun, Iza. Akala ko naman ay kung ano na.” dumampot ito ng tissue na nasa dispenser malapit sa kama nito at iniabot sa kanya.

Tinanggap niya iyon at pinahid ang mga luha.

Hinawakan siya nito sa baba at itinunghay. Halos magkalapit na magkalapit ang kanilang mga mukha.

“Pasensya ka na, Iza. Bahagi ng aking sining ang pagiging hubad...”

 

SUBAYBAYAN!