Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 106)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-106 na labas)
NAPAIYAK si Iza nang hindi na niya matiis ang nararamdamang tensyon sa nakikitang kahubaran ni Amadeo. Nang tanungin siya nito kung bakit siya umiiyak ay naging matapat siya sa pagsasabing naiilang siya sa nakikita sa amo.
Malungkot na hinawakan siya ni Amadeo sa magkabilang balikat. Hinawakan siya nito sa baba at itinunghay. Halos magkalapit na magkalapit ang kanilang mga mukha.
“Pasensya ka na, Iza. Bahagi ng aking sining ang pagiging hubad...”
Lalo siyang napayuko. Nailang siya sa sobrang lapit ng mukha ni Amadeo sa kanya. At baka bigla na naman siya nitong halikan.
Bumitaw ito sa paghawak sa kanyang balikat. Tumalikod bago nagsalita. “Dispensa, Iza. Hayaan mo, kung nakakabigat sa iyo ang personal na pagsisilbi sa akin ay sasabihan ko na lang si Olga na siya na ang—”
Napamulagat siya sa narinig dito. Baka makasira siya sa konsentrasyon nito. Magagalit ang senyora. “H-hindi po, Senyor!” halos ay pasigaw niyang putol sa sasabihin nito. “Inatasan ako ng senyora para asikasuhin kayo. Huwag kayong mag-alala, hindi na po ako magugulat. Gusto ko pong manalo kayo sa patimpalak. Napakahusay po ninyong tumugtog...”
Lumingon sa kanya si Amadeo. May kislap ng saya ang malamlam nitong mga mata.
Muli siya nitong hinawakan sa balikat. “Salamat, Iza. Salamat din at nagugustuhan mo ang aking musika. Uulitin ko ang pangako ko sa ‘yo na kapag nagwagi ako ay may espesyal kang gantimpala.”
“Kahit po wala, Senyor, basta magwagi kayo. At naniniwala ako na mananalo kayo dahil napakahusay ninyo.”
Lalong nagningning ang mga mata ni Amadeo.
Napapitlag naman si Iza.
Naramdaman kasi niyang dumaiti sa kanyang braso ang dyunyor ni Amadeo! Unti-unti iyong nabubuhay. Mainit-init ang dampi niyon sa kanyang braso. Pakiramdam ni Iza ay nanayo ang kanyang mga balahibo lalo pa’t nang sulyapan niya iyon ay pulang-pula, nakalabas ang mga ugat at tila malaki pa sa kanyang braso.
Napansin iyon ni Amadeo. Bahagya itong lumayo sa kanya. “Dispensa muli, Iza. Kapag nagkakaroon ako ng mataas na tawag ng sining ay nagkakaroon ako ng erection. Tinatayuan ako. Masanay ka na sa akin.”
“O-opo, Senyor...”
Hinawakan siya nito sa baba. “At tandaan mo, Iza, ang pagiging hubad ay isang sining. Higit mong maihahayag ang iyong sining kung wala kang suot sa katawan. Alam mo bang kung hindi lang ako mapagkakamalang siraulo ay may mga pagkakataon na gusto kong nag-iisa lang ako sa rancho kasama ng mga kabayo at naglalakad sa ganitong ayos? Ngunit baka may makakita. Alam mo naman ang mga tao, hindi nauunawaan ang pakikipag-ugnayan ng isang artist sa mundo. Kaya dito na lang sa kuwarto ko iyon ginagawa para pribado at walang nakakakita maliban sa ilan sa inyo.”
Naalala niya ang sabi ni Ate Olga na nakikita rin nitong walang saplot ang senyor. Huminga siya nang malalim. “Nauunawaan ko po, Senyor...”
“Salamat, Iza...”
At bago nakahuma si Iza ay muli siyang hinagkan ni Amadeo sa labi. Marahan, nakadampi lang. Walang pagnanasa. Mas tamang sabihing pasasalamat.
Pagkahalik sa kanya ay nagbalik ito sa working table at muling itinuloy ang pagbuo sa komposisyon.
Naiwan siyang nakahawak ang mga daliri sa labi.
Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Iza. Nakatingin siya sa kisame ng silid na kanyang tinutulugan. Waring nakikita niya roon ang hubad na katawan ni Amadeo. Ang malaking armas nito na napadikit sa kanyang braso. Ang paghalik nito sa kanyang labi.
Naalala niyang minsan ay napagkuwentuhan ng mga kasamahan niya kung bakla ang senyor. Wala kasi itong nobya. Walang kaibigan na dumadalaw roon. Wala itong mundo kundi ang sariling silid at ang paminsan-minsang pamamasyal sa asyenda, sa rancho.
Ngunit wala rin namang makapagkumpirma sa mga ito kung bakla nga si Amadeo. At maliban sa nakikita ni Olga na nakahubu’t hubad ito kung matulog, wala pa itong pinagmasahe maliban sa kanya. Hindi niya ikukuwento iyon sa mga ito dahil baka mag-isip nang may malisya. Hindi rin niya ikukuwento na nakikita niyang wala itong saplot—nang gising.
Gumitaw sa isip niya ang kargada nito. Noon ay nakakita na siya ng ari ng lalaki sa isang bastos na magasin na binabasa ng mga pinsan niyang lalaki. Bagaman at may bahagi ng pagiging babae niya na naantig sa larawang iyon, iba pala kapag nakakita ng aktuwal na kaselanan ng lalaki—at matigas na matigas—sa unang pagkakataon. Para bang humiwalay sa katawan niya ang kanyang kaluluwa.
Nag-init ang magkabilang pisngi ni Iza. Hinagilap niya ang aklat ni Harold Robbins at binuksan sa pahinang labis na nagpapainit ng kanyang pakiramdam. Habang binabasa niya iyon ay inalala rin niya ang dyunyor ni Amadeo at hinaplos ang kanyang flower hanggang sa magpakawala siya ng daing ng kaligayahan. Nabitawan niya sa sahig ang aklat nang marating niya ang sukdulan. Habol ang hininga, kinuha niya ang ekstrang unan at inipit iyon sa kanyang mga hita. Inisip niyang iyon ang dyunyor ni Amadeo.
Kinabukasan ay masigla si Amadeo nang dalhan niya ng almusal. May nakasuot na earphone sa magkabilang tainga nito at nakikinig marahil ng musika sa music player na nasa beywang nito. Walkman pa noon ang uso at hindi pa iPod o ibang MP3 player. Aalug-alog ang ulo nito na marahil ay sumasabay sa pinakikinggang musika. Nagpapakawala paminsan-minsan ng hindi maunawaang himig.
Magana rin ito sa pagkain. Nagpakawala ng mahabang “hmmm” habang inaaamoy ang aroma ng umuusok na brewed coffee. Sarap na sarap din ito sa inihain niyang sinangag, tinapa at itlog na maalat na may kamatis.
Pagkakain nito ay nilinis niya ang mga pinagkainan. Pumasok naman ito sa banyo para maligo. Heto na naman, naisip niya. Tiyak na hubu’t hubad na naman ito mamaya. Huminga siya nang malalim. Inihanda na niya ang sarili at nangakong paninindigan na ang pagiging matatag sa harap ng kahubaran ni Amadeo.
Ngunit kakaiba sa mga nakaraang araw ay naka-boxer shorts ito ngayon nang lumabas ng banyo bagaman at wala pa ring pang-itaas. Namasdan niya ngayong mabuti ang katawan nito. Napakaganda ng dibdib na malapad na, kitang-kita pa ang mga masel. May mga pakete rin ito sa tiyan na para bang isang atletang lalahok sa Olympics. Kaya naman ang mga kasamahan niya ay ayaw talagang maniwalang bakla ito.
Nagdiretso ito sa working table at nagsimulang magsulat. Nakahinga siya nang maluwag. Naisip niya, marahil ay naawa sa kanya kaya hindi na nito ibinabandera ang dyunyor.
Kung bakit naman parang nasasabik siyang makita ngayon iyon...
SUBAYBAYAN!