Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 107)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-107 labas)

BAHAGYANG napayapa si Iza nang umagang iyon na hindi na nagpapakita ng kahubaran si Amadeo. Naka-boxer shorts na ito at hindi nakabuyangyang ang dyunyor. Hanggang may maramdaman siyang kakaiba sa sarili.

Parang nami-miss naman niya ngayon na makita iyon...

Hinamig niya ang sarili. Nagiging malaswa na yata ang takbo ng kanyang isip. Nagdesisyon din siyang hindi na muna babasahin ang mga pocketbooks na bigay ni Amadeo para makaiwas siya sa tukso at tawag ng laman.

Makalipas ang ilang sandali ng pagsusulat ay tumayo si Amadeo at lumapit sa kanya.

“Magpahinga ka na lang, Iza,” anito sa kanya. “Tatawagin na lang kita mamaya pag may kailangan ako sa ‘yo. Nasa momentum ako ng pagko-compose at ayoko naman na naghihintay ka sa akin.”

“Opo, Senyor,” maagap niyang sagot. “I-bell na lang po ninyo ako.”

Tumingin sa relo si Amadeo. “Alas kuwatro ng hapon, Iza. Para hindi ka naghihintay sa bell. Pakisabi sa kanila na hindi muna ako manananghalian. At walang kakatok...”

“Ipaaalam ko po sa kanila.” Yumukod siya rito bilang pamamaalam. “Alas kuwatro, Senyor.”

Lumabas siya ng silid. Naghahanda na noon ng iluluto sa tanghalian ang ilang kasambahay kaya nakitulong siya sa mga ito. Sinabi niyang huwag munang dadalhan ng pagkain si Amadeo.

Kapag ganoong hindi magla-lunch si Amadeo ay maaga silang nanananghalian dahil nanonood ng noontime show ang mga ito. Siya naman ay nagtuloy sa kanyang quarter at naidlip. Sinabihan niya si Fe na gisingin siya alas dos ng hapon.

Palibhasa’y may nararamdaman siyang pagod sa kawalan ng day off kahit pa sabihing wala naman siyang ginagawa masyado sa mansion ay mabilis siyang nakatulog. Eksaktong alas dos y media ay ginising siya ni Fe. Naligo siya para sumigla ang sarili.

Nakaligo na siya nang may ma-realize. Wala na pala siyang bra at panty na malinis. Hindi niya naiaagaw ng oras ang paglalaba dahil preoccupied siya masyado sa paglilingkod kay Amadeo.

Nagdalawang-isip siya kung isusuot ang nagamit na niyang underwear. Malinis siya sa katawan, at ni minsan ay hindi pa siya nag-ulit ng pagsusuot ng bra at panty. Napatingin siya sa kanyang uniporme na bagong laba. Makapal naman iyon, hindi mahahalata. Si Ate Olga nga kung minsan na wala ring panloob dahil mainit daw ang kanilang uniporme bukod pa sa makapal.

Kahit ayaw sana niya ay napilitan siyang huwag munang magsuot ng panloob. Mamayang gabi ay nanakaw siya ng oras para makapaglaba.

Eksaktong alas kuwatro ay tumunog ang buzzer sa kanyang quarter. Nagmamadali siyang nagtungo sa kuwarto ni Amadeo.

Mukhang pagud na pagod ito nang mapagbuksan niya. Nakaupo sa mesang kainan nito.

“Ayoko muna ng heavy, Iza...” anito sa mahinang tinig. “Kape at cookies na lang muna.”

Nagmamadali siyang bumalik sa kusina at ipinaghanda ito ng mga hiniling.

Malalim pa rin ang iniisip nito habang marahang hinahalo ang tasa ng kape. Mabagal maging ang pagkagat nito ng cookies. Nakaisang piraso lang yata ito. Bahagya rin lang nabawasan ang tinimpla niyang kape.

“Sana’y manalo ako, Iza...” parang wala sa loob ay nasambit nito.

“Malakas po ang kutob ko na mananalo kayo,” maagap niyang sagot na ang nasa isip ay ang utos ng senyora na bibigyan ng moral support ang anak nito. “Mahusay naman po kayong tumugtog.”

Nagpakawala ng walang buhay na ngiti si Amadeo. “Magkaiba kasi ‘yung mahusay tumugtog at paglikha ng musika, Iza. Maraming mahusay tumugtog na musikero pero hindi makasulat ng awitin.”

Wala siyang maisagot dahil hindi na niya masyadong matalos ang malalim nitong pananaw sa musika kaya nasabi na lang niya, “Ipagdarasal ko pong manalo kayo dahil alam ko pong mahal ninyo ang musika.”

“Salamat, Iza. Dalawa na kayo ni Mama na fans ko. Sana dumami pa.”

Hindi na siya tumugon. Inayos muna niya ang kama nito.

Nagsalita itong muli. “Halos patapos na ako sa komposisyon. Nagtataka ako kung bakit ang bilis kong makagawa ngayon. Dati-rati ay ang bagal bago ako makaisip ng melody.”

“Kasi nga po ay mahusay kayo, Senyor...” maagap niyang sagot.

Nagpagawa ito ng orange juice sa kanya. Strange para sa kanya ang ugaling iyon ng mag-anak. Pagkatapos magkape ay umiinom ng orange juice. Ganoon yata ang mga mayayaman, kakaiba ang tiyan. Minsang sinubukan niyang uminom ng juice matapos magkape, sinikmura siya.

Iisang tunggaan ni Amadeo ang ibinigay niya ritong orange juice. Nag-inat-inat ito pagkatapos. Inayos naman niya ang pinagkainan nito at dinala sa kusina. Pagbalik niya, nakadapa ito sa kama.

“Puwede mo ba akong masahehin, Iza?” tanong nito.

Na-tense siya pero hindi nagpahalata. “Opo, Senyor.” Maliksi siyang lumapit dito at kahit nanginginig ang mga kamay ay sinimulan niyang hagurin ang likod nito.

“Hindi mo masyadong maabot ang batok ko, Iza. Mabuti pa ay maupo ka sa likod ko,” anito kapagkuwan.

Natigilan siya. Wala siyang panty, baka maramdaman nito. Gayunpaman, alipin siyang hindi puwedeng tumanggi. Umigpaw siya sa kama at naupo sa may balakang nito.

Napapikit siya nang magsimulang hagurin ang batok nito. Ramdam ng kanyang kaselanan ang balat nito kahit pa sabihing may bahagi naman ng uniporme niya na nakatabing doon. Iyon din ang unang pagkakataon na ang kanyang langit ay dumikit sa balat ng isang lalaki.

Ramdam ni Iza na parang nirarambol ang kanyang dibdib. Uminit din ang kanyang mukha sa sitwasyon. Sa kanilang puwesto ay amoy na amoy niya ang masculine na samyo ng katawan ni Amadeo, ang nakaaakit nitong pabango. Naramdaman niyang may mainit na katas na tumakas mula sa kanyang kaselanan.

Maya-maya ay itinaas ni Amadeo ang kamay na parang pinahihinto siya. Tumigil siya.

“Sandali. Excuse muna,” anito sa kanya.

Umalis siya sa pagkakaupo rito at bumaba sa kama. Naupo ito sa gilid ng kama. Huminga nang malalim. Pagkuwa’y umubu-ubo.

Habol nito ang hininga matapos umubo. “Ito ang problema ko kapag matagal akong nakayuko, napapagod ang lungs ko at nahihirapan akong huminga.” Tumingin ito sa kanya. “Puwede mo rin bang i-massage ang dibdib ko?”

“O-opo, Senyor...”

Nahiga ito sa kama. Pumikit at huminga nang malalim. Napatingin naman siya sa nakabukol sa may pundiyo nito. Ewan, pero ang tingin niya ay tumigas ang dyunyor nito. Tayung-tayo na tila nakaturo sa kisame sa ilalim ng boxer shorts nito.

“Upo ka na lang uli sa akin, Iza...” utos nito. “Hindi magpantay ang hagod mo sa dibdib ko.”

Hindi niya malaman kung susunod o hindi. Baka malaman nito na wala siyang panty!

Hinawakan siya nito sa kamay. “Sige na, Iza... Nahihirapan akong huminga.”

Nanginginig ang katawan na umigpaw siya sa kama. Pilit niyang kinipit ng magkabilang hita ang uniporme para may sangga ang kaselanan niya sa pagdaiti sa balat nito.

 

SUBAYBAYAN!