Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 11)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-11 labas)
PINUPOG ni Jason ng halik sa batok si Rosela. Lalong humaba ang mga daing ng kaligayahan na nagmumula rito. Nagsimula na ring kumilos ang kanyang dalawang kamay. Sinapo niya ang malulusog nitong dibdib at nilaro sa kanyang mga daliri ang mga tampok niyon. Napapaliyad si Rosela. Nagiging malikot ang katawan. Mula naman sa batok ay bumaba ang mga halik niya rito. Nakarating sa likod, sa balakang, sa kurbada ng katawan nito habang patuloy siya sa paghaplos sa dibdib nito.
Biglang humarap sa kanya si Rosela. Tinitigan siya. Nasa mga mata nito ang hindi maitatangging kaligayahan. Niyakap siya nito sa may leeg at muli silang naghalikan. Sanay na ang kanyang mga kamay sa katawan nito, wala siyang tigil ng kahahaplos dito.
Pinigilan nito ang kamay niya sa paghaplos sa katawan nito. Hudyat iyon na ito naman ang titimon sa kanilang paglalakbay.
Hinalikan din siya nito sa leeg. Nakadama siya ng kakaibang kiliti. Napaungol siya. Gumapang ang mainit nitong dila pababa sa kanyang dibdib. Nang makarating ito sa may nipples niya ay tila nanggigil at bahagyang kinagat iyon. Kaya naman niya ang sakit kaya hinayaan na lang niya. Nagpalipat-lipat ito ng panggigigil sa kanyang dalawang nipples.
Napasinghap siya nang bigla nitong dilaan ang tiyan niya. Unti-unti rin nitong ibinaba ang shorts niya. Nang tumambad dito ang kanyang kakambal ay marahang hinaplos iyon na parang isang kyut na kyut na tuta. Lumuhod ito na nakatingin sa kanya. Saglit pa, naramdaman na naman niya ang mainit nitong bibig sa ulunan ng kanyang dyunyor. Napaliyad siya.
Habang tila naglalaro ito ng silindro ay tuluyan nitong inalis ang shorts niya. Malaya nitong nailalabas-masok ang kanyang alaga sa bibig nito. Hindi niya alam kung paano nito nagagawa iyon pero nararamdaman niya ang kabuuan ng kanyang pagkalalaki hanggang sa makalampas pa ng lalamunan nito. At dahil doon, pakiramdam niya sa kanyang alaga ay higit pang lumaki kaysa dati nitong sukat, tila naging dambuhala.
Napahawak siya nang mahigpit sa ulo nito nang maramdaman niyang tila may bubulwak na sa kanya. Inalis naman nito sa pagkakasubo ang kanyang alaga at sa halip ay ang kamay nito ang inilaro roon hanggang sa ang nagngangalit na langis ay dumaloy sa tunnel.
Napaigtad siya nang hawakan din ni Rosela ang kanyang bola. Sige pa rin ito sa paghimas doon hanggang sa pakiwari niya ay mauubusan na siya ng lakas. Napaupo siya sa sahig na kawayan. Kinuha naman nito ang tuwalyang ginamit sa paliligo at pinunasan ang kanyang alaga. Napasandal siya sa dingding ng kubo. Kinapa ang kanyang T-shirt at isinuot. Sumunod niyang kinuha ang kanyang shorts at isinuot din. Inihagis naman ni Rosela ang tuwalya sa isang sulok, dinampot ang duster at nagbihis na rin ito. Kapagkuwa’y bumaba ito.
Nanatili sa kanyang puwesto si Jason. Maya-maya’y nalanghap niya ang mabangong halimuyak ng kapeng barako. Nagluto pala ng kape si Rosela. Sumunod niyang naamoy ang sagitsit ng mantika at amoy ng pritong saging. Tumingin siya sa suot na relo. Alas nuwebe na pala ng gabi. Isa sa mga kaugalian sa kanilang lugar noon ang pagkakape o pagmemeryenda ilang oras matapos ang hapunan.
Bumalik ito sa may puwesto niya pagkaraan ng ilang sandal. “Meryenda tayo maya-maya,” anito.
Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya rito. Kumilos ang isang kamay nito at hinaplos ang kanyang alaga. Kahit katatapos lang niya ay muling nagalit iyon.
“Bata ka pa talaga, ang init mo…” bulong nito sa kanya.
Muli nitong inalis ang shorts niya. Lalong pinagalit ang kanyang kakambal. Inihiga siya sa sahig. Tumayo ito at bumukaka sa tapat ng kanyang dyunyor. Inililis nito ang duster at naupo. Hinanap ng isang kamay ang galit na galit niyang kakambal. Nang matagpuan iyon ay itinapat ang ulo sa pinakabukana ng hiyas nito. Bahagyang ikiniskis.
Basambasa na ang kaangkinan ni Rosela, at napaigtad si Jason nang maramdamang unti-unting naglalagos doon ang kanyang dyunyor!
**
NAGBABALIK sa alaala ni Jason ang unang gabing nagtalik sila ni Rosela. Nasa rurok siya ng pagbabalik-tanaw nang may kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto!
Napabalikwas siya at napatigil sa pagbabalik-tanaw.
Bumangon siya ay binuksan ang pinto. Si Dada, halatang nahimasmasan na.
“Kailangan ko ang tulong mo,” anito. “Darating na si Fiona at kailangang maialis ko si Leo rito. Baka madatnan niya.”
“Ano’ng gagawin natin?” tanong niya.
“Pwedeng samahan mo muna ako. Ihahatid ko siya sa kanila. Mag-taxi na lang tayo.”
Tumango siya. “No problem. Sige, susunod na ako.”
Nagpunas siya ng mukha at sumunod kay Dada sa guest room. Tulog pa rin si Leo.
“Kukuha na ako ng taxi,” paalam niya kay Dada. “Ako na rin ang magbubuhat sa kanya mamaya.” Nagmamadali na siyang bumaba ng hagdan. Hindi naman nagtagal ay may dumating na taxi. Pinara niya iyon.
“Baka sumuka ‘yan?” sabi sa kanya ng driver nang sabihin niya rito kung sino ang magiging pasahero.
“Hindi,” paniniyak niya rito. “Isang bote lang naman ang nainom. Matanda na, tulog na.”
Pumayag ang driver. Bumalik siya sa itaas at binuhat si Leo. Kasunod niya si Dada na ini-lock ang pintuan at gate.
Sa unahan siya naupo. Inaalalayan ni Dada si Leo sa likuran ng taxi para hindi masubasob. Sinabi nito kung saan nila ihahatid.
Saglit pa, nasa tapat na sila ng bahay ni Leo. Siya ang nagbayad ng taxi kahit nagpipilit si Dada. No problem, sabi niya. Nag-doorbell si Dada. Lumabas ang isang di kagandahang katulong. Kunwa’y na-shock pa ito sa ayos ni Leo bago sila pinagbuksan. Siya muli ang nagbuhat dito nang ipasok sa loob ng bahay. Magaan lang si Leo palibhasa’y payat.
Maganda ang bahay ni Leo maging ang pinakasalas. Halatang may pera. Magaganda rin ang mga kasangkapan. Sabi ng tsimay ay sa sofa na lang daw nila ito ihiga. Dahan-dahan niyang inilagay roon ang tulog pa ring matanda.
Naalala niya ang sabi ni Dada na hindi na ito tinatayuan. Mukha nga. Maging ang katawan nito ay hindi na rin pala makatayo sa kaunting beer pa lang.
Nang matiyak nilang ayos na ito ay iniwan na nila. Nagtaksi sila muli pabalik. Magkatabi na sila sa likuran ng taxi.
“Sasandali ka pa lang sa bahay ko ang dami ko ng atraso sa iyo,” anito na sincere ang hiya sa pagsasalita. “Sana huwag mong isipin na masyado kitang nasasamantala.”
Ngumiti siya. “Huwag kang mag-alala, prangka akong tao. Sasabihin ko pag di ko kaya ang isang bagay.”
“Salamat,” pinisil siya nito sa kamay.
Minsan pa, may nakita siyang similarity kina Rosela at Dada.
**
MADALAS siyang pisilin ni Rosela sa kamay. Iyon ang gesture nito kapag nagpapasalamat sa kanya. May mga bagay naman kasi sa mga interaksyon nila na hindi puro kangkangan lang.
Kagaya noong isang panahon ng Semana Santa na naroon ang mga magulang ni Bochok na mister nito. Nagkaroon ng pabasa. Dahil bawal ang karne, sinamahan niya itong mamili ng isdang tambakol sa kabayanan. Lulutuin daw nito, gagawing eskabetse.
Mahusay magluto si Rosela. Masarap magluto ang kanyang ina pero ‘ika nga ay may something kapag si Rosela ang nagluluto. Parang may magic ang mga kamay. Pag isda ang niluluto nito, walang malalasahan ni katiting na lansa.
Katu-katulong din siya nito sa pagkukudkod ng niyog para sa suman. Siya pa ang nanguha ng dahon ng saging na pambalot. At tuwing may matatapos siyang task, pinipisil siya nito sa kamay bilang pasasalamat.
Mabait din ang mister nitong si Bochok sa kanya bagaman at bihira niya itong makita. Malaking lalaki si Bochok, maskulado at matangkad. Para itong si Ping Medina na mataas. Sa kanilang lugar ay kalat na kalat ang pagiging babaero umano nito. Sa Maynila raw ay may sumusustento rito na mayamang biyuda, naririnig niyang pinaghuhuntahan kung minsan. Buti nga raw at inuuwian pa si Rosela.
Sabagay, naalala niyang minsan ay naihinga na rin sa kanya ni Rosela na wala na halos panahon dito si Bochok. Gayunpaman, sa nakikita niya noon sa mag-asawa ay mukhang di naman nahahalata na may pinagdaraanan ang pagsasama ng dalawa.
At mahusay ngang magdala si Rosela. Bukod sa walang mahahalata rito kung may problema man ang dalawa ni Bochok, hindi rin nakakahalata ang lalaki na paminsan-minsan ay may nangyayari sa misis nito at sa kanya.
Naalala pa ni Jason matapos maganap ang unang pagniniig nila ni Rosela sa banyo, minsang umuwi si Bochok ay nakasalubong niya ito. Iiwas sana siya pero tinawag siya nito. Hindi siya makatingin dito nang lumapit siya. Sinabi lang naman nito na marami itong dalang komiks, sabihin daw sa nanay niya.
“Bakit namumutla ka?” tanong nito sa kanya. “May sakit ka ba?”
“O-opo,” pagsisinungaling niya. “S-sira po kasi ang tiyan ko.”
Sinabi niya iyon dahil iyon talaga ang nararamdaman niya. Parang gustong bumaligtad ng kanyang sikmura sa tension. Ganoon pala ang pakiramdam kapag kaharap mo ang mister ng babaing iyong nakakaniig. Punung-puno ka ng guilt.
Minsan ay naulinigan niyang nag-uusap ang kanyang ina at si Rosela. Sa naririnig niya ay nagsusumbong ito na may babae nga si Bochok sa Maynila. May nakita pa nga raw itong sulat.
Tanong naman ng ina niya, nagkukulang ba ang intregang suweldo? Hindi raw naman, ani Rosela. Sinasaktan ba ito, tanong pa ng kanyang ina. Hindi rin, sabi ni Rosela. Pero nagiging malamig na raw sa kama.
Payo naman dito ng kanyang ina, ang mahalaga ay hindi nagkukulang si Bochok sa tungkulin bilang haligi ng tahanan. At dahil mabiro ang kanyang ina, kung naghahanap daw ng init si Rosela ay iligo na lang.
Na-guilty rin siya noon. Kung alam lang ng kanyang inang na sa kanya iniraraos ni Rosela ang init na nararamdaman nito.
END OF BOOK 1
To be continued...