Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 111)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

Book XII

(Ika-111 labas)

NANG gabing iyon, sa kanyang quarter ay hindi makatulog si Iza. Nakatitig lang siya sa kisame. Bukas ang kanyang ilaw. Naglalaro sa diwa niya ang nangyari kanina.

Parang kuwento sa Tagalog romance pocketbook ang nangyayari sa kanila ni Amadeo. May guwapo, mayamang asendero bilang bidang lalaki. May maganda, mahirap na katulong na naninilbihan sa mansyon ng lalaki. Silang dalawa iyon ni Amadeo.

Ngunit kadalasan, ang kuwento sa Tagalog romance pocketbooks ay sinasabing nagkakagustuhan ang mayamang asendero at ang mahirap, magandang katulong. Sa kaso nila, mukhang hindi ganoon ang sitwasyon.

Siya bilang babae, ramdam niya ang atraksyon kay Amadeo bagaman at hindi niya masabi kung iniibig niya ito. Mas nakalutang sa kanya ang paghanga rito sa pisikal na aspeto—dahil kahit sino namang babae ay mababaliw sa taglay nitong kakisigan.

Ngunit masasabi ba niyang may atraksyon din sa kanya ang amo? Mukhang wala. Iyon ang pakiramdam niya. Ginagamit lang siya nito na sangkap sa musika nito. Ginagamit ang kanyang katawan para sa kung anumang magpupuno sa pagiging artist nito.

Napaiyak si Iza. Ang senaryo kung saan bumulwak ang masaganang katas nito sa kanyang bibig ay paulit-ulit din sa kanyang diwa. Alam niyang sukdulan iyon ng kanyang pagpapakababa, ngunit sa hindi naman niya maipaliwanag na dahilan ay may isang bahagi sa kalooban niya na alam niyang masayang-masaya dahil ginawa niya iyon sa senyor.

At alam niyang kung hihilingin nitong muli iyon, patuloy siyang magbibigay para rito.

Gusto niyang mainis sa sarili. Bakit siya naging alipin ni Amadeo? Hindi ganito ang pangarap niya bilang babae. Ang gusto niya’y liligawan siya ng isang lalaki, susuyuin sa loob ng mahabang panahon, paiibigin, pakakasalan, bubuo ng mga pangarap, magkakasupling. Sa lalaking mamahalin at makakasama lang niya habang buhay niya isusuko ang katawan, ang puri.

Pero hindi nga iyon nangyari. Walang pagmamahalan sa pagitan nila ni Amadeo kahit pa sabihing attracted siya rito. Ni hindi rin ito nanligaw sa kanya, sa halip ay nakiusap na mag-sex sila.

Bumalik na naman sa isip niya ang pagsambulat ng katas nito sa bibig niya. Gusto niyang sabunutan ang sarili kung bakit hindi maalis-alis iyon sa isip niya.

Nakaramdam tuloy siya ng init ng katawan.

Hindi niya ugaling maligo sa gabi ngunit dahil sa init na naramdaman niya sa katawan ay nagpasya siyang mag-shower muna. Baka pag nakaligo siya ay dalawin na rin siya ng antok.

Mabilis lang ang ginawa niyang paliligo. Hot shower muna pagkatapos ay cold. Nagsabon lang siya ng katawan at nilinis ang kanyang kaselanan at nagtuyo na uli ng katawan. Relax na siya nang magbalik sa kanyang quarter. Binuksan niya ang kanyang de-bateryang maliit na transistor radio at nakinig ng music para makatulong na hilahin siya ng antok. Nagsuot na lang siya ng isang duster at hindi na nagsuot ng panloob. Ewan kung may epekto sa kanya ang sinabi ni Amadeo na ang pagiging hubad ay nagpapalaya ng ating espiritu.

Kahihiga pa lang niya matapos patuyuin ang buhok nang magulantang siya.

Tumunog ang kanyang buzzer.

Tinatawag siya ni Amadeo.

Hindi ordinaryo sa kanila na mga katulong sa mansion ang i-buzz ni Amadeo kahit anong oras sa gabi. Halos lahat nang mga kasamahan niya ay na-buzz na nito at kung anu-ano lang naman daw ang iniuutos. Ikuha ng yelo. Patayin ang ipis. Igawa ng kape. Pakipasok naman sa kuwarto ng ganito, ganyan.

Ito ang unang pagkakataon na tinawag siya nito sa kuwarto nito sa ganoong oras.

Nagmamadali siyang lumabas ng kanyang quarter at sumugod sa kuwarto ni Amadeo.

Pagbukas niya ng pinto ng kuwarto at mailapat iyon ay nakikinig sa Walkman si Amadeo. Nakaupo ito sa kama, nakaterno ng stripes na pantulog. Sa wakas, naisip ni Iza, nakita rin niya ang amo sa loob ng kuwarto nang hindi nakahubad.

“Ano po iyon, Senyor?” kaswal niyang tanong dito.

Itinuro nito ang gilid ng kama nang magkatinginan sila. Natitilihang naupo siya. Saka niya na-realize na wala nga pala siyang panloob. Pero huli na para bumalik pa siya sa kanyang quarter.

Tinanggal ni Amadeo ang headphone sa mga tainga nito.

“Kumpleto na ang aking komposisyon, Iza. Ang bilis kong nakabuo. Gayunpaman ay may mangilan-ngilang bahagi pa akong dapat ayusin para mas pulido. Heto, pakinggan mo...” Inilagay nito sa kanyang tainga ang headphone.

Napakaganda ng tunog ng Walkman, at iyon ang unang pagkakataon na nakarinig siya ng musika mula sa mamahaling music player. Buung-buo ang tunog. Naririnig niya ang pamilyar na tunog ng saxophone ni Amadeo mula sa cassette tape kung saan ito nag-record. Wala pang MP3 player noong panahong iyon.

Ewan ni Iza ngunit sa pagkakarinig niya sa musika ni Amadeo at naalala niya ang nangyari sa kanila kanina ay naramdaman niyang nag-wet na naman ang kanyang kaselanan. Lalo na sa bahaging pinasambulatan siya nito sa bibig sa bahaging naroon din ang rurok ng melodya ng komposisyon. Napapikit siya. Ninamnam ang musika.

Saka niya naramdamang hinawakan siya ni Amadeo sa hita.

Napapitlag siya. Napatingin siya rito.

May kislap ang mga mata ni Amadeo nang magtama ang kanilang mga mata. Tinanggal nito ang headphone sa kanyang tainga.

“Natutuwa ako na nagugustuhan mo ang komposisyon, Iza. Nahahalata ko sa iyong kilos,” anito.

“Magandang-maganda, Senyor. Tinatangay ako sa ibang mundo,” matapat niyang sagot.

Kinuha nito ang Walkman. Nag-rewind.

“Pakinggan mo mula umpisa,” anito at ibinalik sa kanyang tainga ang headphone saka pinindot ang play.

Pumailanlang muli sa kanyang pandinig ang musika ni Amadeo. Tumayo naman ito mula sa kama. Nagsalin ng champagne sa kopita. Tinungga iyon at kapagkuwa’y lumuhod sa harap niya.

Kinabahan si Iza.

Nakatingala ito sa kanya. Unti-unti ay inililis nito ang duster niya. Gumapang ang mga kamay nito at hinawakan ang kanyang tagiliran ng puwet. Napangiti nang malamang wala na siyang panty.

Tinaasan pa nito ang lilis ng kanyang duster. Pinaghiwalay ang kanyang mga hita at isinampay iyon sa mga balikat nito.

Hindi makatutol si Iza sa ginagawa ni Amadeo. Wala naman siyang naririnig kundi ang erotikong komposisyon nito na tinatangay na naman siya kung saang dako. Napaliyad pa siya nang maramdamang sabay na naglaro ang mga kamay nito sa magkabila niyang dibdib. Masuyong kinanti-kanti ng mga daliri ang kanyang mga utong na agad nanigas dahil sa sensasyon. Piniga-piga rin nito ang kalamnan ng kanyang suso, pagkuwa’y humagod ang mga palad sa kanyang likod pababa sa magkabilang pisngi ng puwet niya.

Napasinghap pa si Iza nang maramdamang bahagyang kinanti ng isang daliri nito ang hiwa ng kanyang kaselanan na ngayon ay basambasa nang muli.

 

SUBAYBAYAN!