Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 112)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-112 labas)
NAPAIGIK nang kaunti si Iza nang sanggiin ni Amadeo ng isang daliri nito ang kanyang kaselanan. Iyon pa lang ang ginagawa ng amo ay basambasa na siya. Ang init ng palad nito na humahaplos sa kanyang puwitan ay nagpapaliyad naman lalo sa kanyang balakang, sapat para lalo nitong mabistahan ang kanyang flower na minsan na nitong kinain.
Naghahalo ang sensasyon at emosyon sa kanya dahil habang nilalaro ni Amadeo ang kanyang kaselanan at nagbibigay iyon ng libong boltahe sa kanyang katawan, naglalakbay naman ang diwa niya sa dako pa roon dahil sa erotikong mensahe ng musikang pinakikinggan niya sa Walkman.
Kung noong nilalaro ni Amadeo ang saxophone ay siya ang nagpapaligaya rito, ngayon naman habang pinakikinggan niya ang recorded version ay ang kanyang kaselanan ang inaareglo nito.
“Senyor!” naisigaw niya.
Naramdaman kasi niyang humagod ang malapad at mahabang dila nito sa isang pisngi ng kanyang flower. Masuyong hagod, at dahil malapad ay kain na kain ang bahaging iyon ng kanyang pagkababae.
“Senyor!” muli ay sigaw niya. Sa kabilang pisngi naman ng langit nito pinagana ang dila.
Kapagkuwa’y iniayos nitong mabuti ang magkahiwalay niyang hita sa magkabilang balikat nito. Mas ibinuka.
Mula sa pinakaibaba ng kanyang kaselanan ay inihagod nito ang dila pataas. Parang may konting gigil ito ngayon. Kahit inihahagod nang paitaas ay pinakikiwal-kiwal pa nito na tila hinahanap kung nasaan ang kanyang kiliti.
Hindi na siya napasigaw pero puno ng kaligayahan ang kanyang mahinang tinig. “Senyor... Oooohhh, Senyor...” Naghanap ng makakapitan ang kanyang kamay at nahagilap niya ang isang malaking unan. Iyon ang nilamukos niya para lang may iba siyang mapagtuunan ng sensasyon dahil pakiramdam niya’y aatakihin siya sa puso sa sobrang sarap na nararamdaman.
Naghahalo ang laway ni Amadeo at katas niya sa kanyang may kandungan. Alam din niyang basambasa na ang mukha ng amo ng kanyang nektar. Ngunit balewala ito sa kanyang amo. May pagkakataon pang bahagya nitong hinaplos ang butas ng kanyang puwet, bagaman at saglit lang. Nakaramdam siya ng kaunting takot, buti na lang at hindi nito itinuloy ang inakala niyang posible nitong gawin.
Tumataas ang mga nota na napapakinggan niya sa cassette tape player. Marahil ay anticipated iyon ni Amadeo, at ngayon ay ang kanyang kuntil naman ang pinanggigilan. Nasabunutan niya ito habang patuloy ang kanyang pagsambit sa pangalan nito. Sa tindi ng sarap na kanyang nararamdaman ay naitukod niya ang mga paa sa dibdib nito. Hawak siya nito sa beywang kaya gustuhin man niyang kumawala na sana dahil hindi na niya kaya ang sarap na nadarama ay hindi niya magawa.
Dumating ang musika sa bahagi kung saan sa sobrang taas ng nota habang tumutugtog si Amadeo ng saxophone ay nagpasambulat ito ng masaganang katas sa kanyang bibig. Sa pagkakataong ito, naramdaman ni Iza ang pagragasa ng kung ano sa kalooban ng kanyang pagkababae, at naisigaw niyang muli ang pangalan ng amo nang tuluyan na iyong lumabas sa kanyang flower.
Maraming-marami iyon. Hindi matapus-tapos ang kanyang mga daing.
Akala niya’y aalisin na ni Amadeo ang dila nito sa kanyang kuntil ngunit tila lalo lang itong nanggigil nang labasan na siya. Mas pinaglaro ang dila sa kanyang kuntil, at ipinasok pa sa butas ng kanyang kaselanan.
Pakiramdam ni Iza ay maiihi na siya sa ginagawa ng amo. Bumigay na ang kanyang katawan at nawalan ng lakas.
Naramdaman naman niyang sinakop ng buong bibig nito ang kanyang kaselanan at wari’y hinigup-higop. Napabiling si Iza. Napaliyad. Isang sundot pa ng dila ni Amadeo sa loob ng kanyang flower at naramdaman niyang may pumulandit pa mula sa kanya, hindi na nga lang ganoon karami.
At nawalan na siya ng lakas nang tuluyan...
Hinaplos ni Amadeo ang flat na flat niyang tiyan. Nilaro saglit ang magkabila niyang dede at mga utong. Kapagkuwa’y tumayo ito at nagtuloy sa banyo.
Tinanggal niya ang headphone sa tainga. Gusto niyang dumapa sa kama ngunit nag-alanganin siyang malagyan ng kanyang katas ang kubrekama. Basambasa ang kanyang pagitan ng hita.
Maya-maya ay lumabas sa banyo si Amadeo na may dalang tuwalya. Iniabot iyon sa kanya.
Naunawaan niya ang gusto nitong mangyari na maglinis siya ng katawan. Nanghihina siyang bumangon at nagtuloy sa banyo. Naupo muna siya sa magarbong inidoro at sumagap ng hangin. Nang sa palagay niya ay hindi na siya nanginginig ay hinugasan niya ang kaselanan. Tinuyo niya iyon.
Nang malinis na siya ay lumabas siya ng banyo. Sinalubong siya ng mabangong aroma ng tsaa.
“Green tea,” ani Amadeo. “Mainam ito sa katawan. Halika, mag-tsaa tayo.”
Naupo siya sa tapat nito. Mula sa magarbong teapot ay sinalinan siya nito ng tsaa sa magarbo ring tea cup. Bihirang mag-tsaa si Amadeo, mas nagkakape ito.
“Inumin mo na,” utos nito sa kanya.
Dinampot niya ang tea cup at humigop. Kailangan niya iyon. Sa tindi ng sensasyong inabot niya ay kailangan ng kanyang katawan na mainitan para bumalik sa normal ang kanyang mga ugat at daloy ng dugo. Nakaramdam siya ng ginhawa nang gumuhit sa kanyang lalamunan ang init ng tsaa, at kapagkuwa’y sa kanyang sikmura.
“Anong kurso ang plano mong kunin, Iza?” kapagkuwa’y tanong ni Amadeo. “At saan ka mag-aaral?”
Bigla siyang sumigla sa tanong nito. “Kahit ano pong four-year course, Senyor. At sa kabayanan na lang po ako mag-aaral.”
Nakatingin lang ito sa kanya. Waring pinag-aaralan siya. Tumangu-tango ito. “Kumpleto ka na naman yata sa mga requirements,” kapagkuwa’y usisa nito.
“Opo. Kung hindi nga lang po kami kapos, nag-aaral sana ako ngayon.”
Malakas sa tsaa si Amadeo. Nakailang tasa ito. Siya naman ay nakadalawa lang. Maya-maya’y nagtanong ito. “Pagod ka na ba? O inaantok?”
“Hindi naman po,” pagsisinungaling niya bagaman at ang totoo ay gustung-gusto na niyang ibagsak ang katawan sa kama sa tindi nang nangyari kanina. “Kung may ipagagawa pa kayo ay kaya ko pa po.”
“Imasahe mo akong muli,” anito at muling nagsalin ng tsaa sa tasa. “Kailangan kong marelaks. Alam mo bang ang isang artist kahit hindi umaalis sa kanyang working table ay para ring isang construction worker ang inaabot na parusa ng katawan? Hindi rin madali ang maging musikero o pintor, Iza. Para ka ring naghukay ng malalim na lupa, naglagari ng malalaking tabla, nagputol ng matitigas na bakal. Ang kaibahan lang, hindi nakabilad sa araw.”
Tumangu-tango lang siya.
Matapos tunggain ang tasa ng tsaa ay tumayo si Amadeo at may kinuhang malaking bote ng lotion. Iniabot sa kanya.
“Buong katawan, Iza...” anito matapos iabot ang bote ng lotion.
Napalunok si Iza. May mangyari na naman kaya kapag minasahe niya ang senyor?
SUBAYBAYAN!