Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 113)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-113 labas)

HINILING ni Amadeo kay Iza na imasahe ito at ng dalaga iniabot sa kanya ang magarang bote ng mamahaling lotion. Aandap-andap ang kanyang kalooban dahil baka kung saan na naman mauwi iyon.

Hindi niya malaman kung bakit parang walang kapaguran sa kama ang senyor samantalang siya, pakiramdam niya ay natutuyot na siya.

At isang bagay ang ipinagtataka niya rito. Bakit hindi siya nito inaangkin nang lubusan? Bakit hindi nito ipinapasok ang dyunyor nito sa kanyang kaselanan gayung naririto ang lahat nang pagkakataon para gawin iyon? Bakit mas gusto nitong dila ang ginagamit sa pag-angkin sa kanya?

Ayaw ba nitong mabuntis siya?

Aminado si Iza na gusto na niyang tuluyan siyang angkinin ni Amadeo. Gusto niyang ito na ang unang lalaking makakuha sa kanyang pagkabirhen, tutal ay ilang beses na rin naman siyang dinala nito sa rurok ng kaligayahan gamit ang dila. ‘Ika nga’y she’s more than willing to take his big bird, ang biyakin na siya nito nang tuluyan at masabing ganap ang kanilang pagse-sex.

Naghubad ng pang-itaas si Amadeo pagkatapos ay ang pang-ibaba. Minsan pa ay tumambad kay Iza ang malaking kargada nito. Ngayon ay hindi na siya natatakot na tingnan iyon, lalo pa’t nagawa na niyong sumambulat sa kanyang bibig.

Malambot pa ang kargada ni Amadeo ngunit kasinlaki na iyon ng talong na paborito nilang iulam sa bahay nila. Naalala niyang kapag talong ang kanilang ulam ay magpiprito ng isda ang kanyang ina, ipapalaman sa talong bago iyon iiihaw. Kasabay niyon kapag kumain na sila ng tanghalian man o hapunan ang sawsawang bagoong na may pinigang kalamansi at gulay na bulanglang na may talbos ng kalabasa na ang ginamit na sabaw ay ang pinaghugasan ng bigas. Napakarami niyang nakakaing kanin pag ganoon ang nakahain sa kanilang mesa.

Dumapa na sa kama si Amadeo.

“Basain mo ako nang todo ng lotion para madulas at masarap. Huwag kang magtitipid, marami namang lotion,” anito.

“Opo...”

Binuhusan niya ang likod nito ng lotion pababa sa may puwitan. Hanggang doon muna ang nilagyan niya bago sinimulang hagurin ang likod nito.

Nagpakawala ng maligayang buntunghininga si Amadeo, halatang na-relieve ang pakiramdam. Siya naman bilang babae ay nagkakaroon ng hindi maipaliwanag na kaligayahan na nahahaplos niya ang kakisigang iyon.

Natapos siya sa may likod at maging sa may balakang. Nagdalawang-isip siya kung maging ang puwet nito ay imamasahe rin niya.

Hindi niya malaman kung tulog o hindi ang amo dahil hindi naman kumikilos. Ngunit dahil ang sabi nito ay buong katawan, pinatuluan din niya ng lotion ang magkabilang pisngi ng puwet nito.

Bahagyang nakabukaka sa pagkakadapa si Amadeo kaya kitang-kita niya ang itlog nito at ang tila hotdog nitong kargada sa pagitan ng hita. Alam niyang bahagyang natuluan iyon ng lotion pero hindi naman nakilos ang lalaki. Marahan at maingat ang ginawa niyang paghaplos sa puwet nito.

Isinunod niya ang magkabilang paa ng amo. Hindi niya maiwasang humanga sa talampakan nito na maputi na, malambot pa. Malayo sa hitsura ng talampakan ng mga kababata niyang lalaki na bukod sa makapal ay bitak-bitak pa ang sakong.

Nang matapos na niya ang likod nito ay ibinalik niya ang takip ng bote ng lotion. Iniisip niya kung lalabas na muna siya ng kuwarto tutal ay mukhang tulog naman ang senyor.

Ngunit kumilos ito.

At tumihaya.

Sa pagtihaya nito, ang unang napansin ni Iza ay nakatayo na ang kargada nito. Tila isa na namang cobra iyon na handang manuklaw. Nagngangalit ang mga ugat.

“Imasahe mo rin ako rito sa dibdib, Iza...” utos nito sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay na binuksan niyang muli ang bote ng lotion. Pinatuluan ang maskulado nitong dibdib at tiyan. Sinimulan iyong imasahe. Nakapikit naman si Amadeo at hindi niya maiwasang mapatingin sa tigas na tigas nitong kargada na pakiramdam ba niya ay palaki nang palaki. Iniwasan niyang masagi iyon nang sa bandang may tiyan na nito siya nagmamasahe.

Gaya kanina ay minasahe rin niya ang dalawang paa nito. Pinaputok ang mga daliri. Pagkatapos niyon ay tumigil na siya sa ginagawa. Halos parang pinaliguan niya ng lotion ang amo.

“Gusto po ninyong punasan ko kayo ng tuwalya?” offer niya rito.

“Hindi ka pa naman tapos, di ba?” sagot nito.

“P-po?” nagtataka niyang sagot. “Nahilot ko na po ang buong katawan ninyo.”

“May hindi pa...”

Naisip niyang hindi nga pala niya namasahe ang ulo nito dahil hindi naman niya alam kung kung gusto din ba nitong lagyan iyon ng lotion. Pumuwesto siya sa may ulo nito at hinagod ng kanyang mga daliri ang noo.

Nagmulat ng mga mata si Amadeo, tumingin sa kanya.

“Hindi iyan ang gusto kong imasahe mo,” anito.

“A-alin po?” tanong niya.

Itinuro nito ang naghuhumindig na kargada.

Bumulong ito sa kanya. “Ayoko namang samantalahin ang iyong kabaitan kaya hindi ko na iyan ipinasubo sa iyo kanina. Pero sana, kamayin mo na lang. Paputukin mo...”

Ginitian siya ng pawis sa noo. Napapikit siya at napahinga nang malalim. Sabagay, naisip niya, mas mainam nang kamay ang gagamitin niya kaysa naman sambulatan na naman siya ng halos kalahating litrong semilya nito.

“Kung labag sa kalooban mo ay kahit huwag na...” pagpapatuloy ni Amadeo.

Naisip ni Iza na may kakaibang abilidad ang amo para mapasunod siya. Later on nang nag-aaral na siya ay nalaman niyang ang tawag sa ganoon ay emotional blackmail. Bibigyan ka ng bigat ng kalooban para mapasunod ka sa kanyang nais gamit ang iyong emosyon. ‘Yun bang pag hindi mo nagawa ang nais niya, parang may naging pagkukulang ka sa kanya. At ang mga tulad naman ni Amadeo ang tinatawag na emotional vampire.

“H-hindi po, Senyor... Ayos lang po,” pagpipilit-kaswal niyang sagot. Binuksan niya ang bote ng lotion at naglagay sa kanyang mga palad. Lumapit siya sa kargada nito, at makalipas ang ilang segundong pagtutumpik-tumpik ay hinagod niya iyon ng kamay na may lotion.

Napaliyad si Amadeo, napaigtad. “Ang init ng palad mo, Iza. Ang sarap!” bulalas nito.

Naramdaman naman ni Iza na mas sumikip sa kanyang palad ang hawak niyang kargada nito. Lalong lumaki ang ulo.  May sensasyon din siyang nararamdaman habang nagtataas-baba ang kanyang kamay sa mahaba, malaking kargada nito. May nagtutulak sa kanyang kalooban bilang babae na hawakan niya ang kanyang dibdib, ang kanyang kaselanan. Na laruin niya ang sarili, paligayahin din habang mina-masturbate niya ang amo.

Ngunit bago niya nagawa iyon ay naramdaman niyang umagos sa pagitan ng kanyang hita ang masaganang katas ng kanyang pagkababae. Nauna pa siyang putukan kaysa kay Amadeo!

 

SUBAYBAYAN!