Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 115)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-115 labas)

NILAGYAN ni Amadeo ng lotion ang mga suso ni Iza, at iniutos nito sa kanya na imasahe niya ito gamit ang kanyang dibdib.

Mainit na rin ang pakiramdam ni Iza. At gusto na niyang sumambulat ang amo. Nakakailang orgasm na siya pero hindi pa ito nilalabasan, at gusto naman niyang makita na naligayahan din ito.

Bahagya siyang bumaba sa pagkakadapa kay Amadeo. Hinawakan niya ang naghuhumindig nitong pagkalalaki. Matigas na matigas iyon. Inilagay niya sa pagitan ng kanyang dibdib, saka siya dumapa na iniipit iyon.

Dahil madulas sanhi ng lotion ay ramdam niya sa pagitan ng dibdib ang katigasan ng sandata ni Amadeo. Sa sobrang laki naman niyon, kapag bumababa siya ay halos umabot sa bibig niya ang pinakaulo. Nakadakot naman sa kanyang puwet si Amadeo, nilalamutak habang minamasahe niya gamit ang kanyang mga suso ang kargada nito.

Matagal ang ginawa niyang pagmasahe sa sandata nito sa kanyang dibdib ngunit hindi pa rin ito nilabasan samantalang siya’y lumagkit na naman ang pagitan ng hita. Hindi niya malaman kung bakit ang tagal-tagal nitong mag-orgasm. Dumating na tuloy siya sa punto na gusto na niyang i-blowjob ito para lang makarating na sa rurok.

“Sandali, Iza...” kapagkuwa’y utos nito sa kanya. Tumigil siya sa ginagawa. Halos natuyo na ang lotion sa dibdib niya. Mamasa-masa ang butas ng kargada ni Amadeo pero sa wari niya ay hindi pa iyon ang sukdulan nito. Magang-maga ang hitsura ng kargada nito na sa sobrang tigas ay tila puputok ang mga ugat.

Palibhasa’y malaking lalaki ay saglit lang siyang iniangat nito nang buhatin siya sa beywang. Inilipat siya sa kama. Tumayo naman ito, iniayos ang higa niya. Ibinuka ang kanyang mga hita pagkatapos ay pumuwesto sa pagitan niyon.

Nakaramdam siya ng excitement. Naisip niyang marahil ay nagbago na ang isip nito at tuluyan na siyang aangkinin. At gusto naman niya iyon. Gustung-gusto. Sa dami na ng nagawa nila ni Amadeo sa kama, hindi niya itinatangging pangarap niyang ibaon nito sa kanyang kaselanan ang alaga nito at doon magpakawala ng katas.

Ipinatong ni Amadeo ang kargada nito sa kanyang hiyas. Hindi naman nakatumbok ang ulo sa butas, basta nakapatong lang. Kumilos ang mga kamay nito at hinagip ang bote ng lotion. Naisip ni Iza na lalagyan nito ng pampadulas ang kargada para madaling makapaglagos sa kanyang kaloob-looban.

Ngunit hindi ganoon ang ginawa ni Amadeo. Nilaro nito ang sarili habang ang isang kamay ay pumipiga-piga sa kanyang dibdib at mga utong. Nakatingin ito sa kanya habang pinaliligaya ang sarili.

Kumilos ang kanyang mga kamay at nilaro ang bola nito. Napasinghap ito sa kanyang ginawa. Hinanap niya ang kambal na golf balls nito at piniga-piga iyon. Muli itong napasinghap.

“Iza...” sambit nito. “Ang sarap...”

Tumulong siya sa ginagawa nitong pagma-masturbate. Pinisil-pisil niya ang pinakaulo ng kargada nito na ngayon ay mapulang-mapula na. Maging ang pinakapuno ng nota nito ay sinakal-sakal niya.

Maya-maya’y inalis nito ang kamay niya at binilisan ang pagma-masturbate. Napapaliyad na ito, at saglit pa, halos sumigaw ito. “Iza, ayan na!”

Muntik na rin siyang mapasigaw nang sa pagkakatitig niya sa kargada nito ay bigla iyong bumulwak. Sumilampot mula sa butas niyon ang makapal, maputing katas. Bumagsak iyon sa kanyang flat na flat na tiyan. Kumayug-kayog pa si Amadeo habang todong pinipiga ang lumalabas na katas sa kargada nito.

Gaya ng senaryo nang putukan siya sa bibig nito, ngayon ay naeeskandalo na naman si Iza sa nangyaring pagpapasambulat ng amo. Nakakalat sa kanyang tiyan ang masaganang katas nito. Napakarami, halos pabilog. Parang binasag na itlog na walang dilaw.

“Huwag kang kikilos,” anito sa kanya. Bumangon ito at nagtungo sa banyo. Nang bumalik ay may dalang tissue paper at alcohol. Ito mismo ang nagpunas sa masaganang katas nito sa kanyang tiyan. Kapagkuwa’y pinahiran din ng alchol.

Inilapit nito ang mukha sa kanya. Marahan siyang hinalikan sa bibig saka bumulong. “Magpahinga ka na. Mag-uumaga na.”

Bumangon siya at nagbihis. Nang lumabas siya ng kuwarto nito ay nakatalikod ito sa kanya, nakaupo sa isang silya at tumutugtog ng saxophone.

                                                        **

ILANG araw na nawala ang senyor dahil lumuwas daw ng Maynila para ilahok ang komposisyon. Dalawang buwan naman bago malaman ang resulta ng kumpetisyon. Pansamantala ay naging normal ang buhay niya. Nakakauwi siya sa kanila kapag weekend.

Bago umalis si Amadeo ay inabutan siya nito ng limang libong piso na noong panahong iyon ay napakalaki pa. Anito ay asikasuhin na niya ang kanyang mga dapat asikasuhin sa pag-aaral gaya ng transcript of records at kung anu-ano pa. Nagpaalam siya kay Ate Olga na hindi muna makakapasok.

Nag-inquire siya sa kolehiyong plano niyang pasukan. Napuno ng kaligayahan ang kanyang dibdib habang minamalas ang kabuuan ng kolehiyo nang makalabas ng registrar’s office. Sa wakas, naisip niya, malapit na ang katuparan ng kanyang mga pangarap.

Hindi niya alam kung magkano ang halagang ibibigay sa kanya ng senyor pero sana ay tuparin nito ang sinabi na hanggang sa makatapos siya ng kolehiyo ay susuportahan siya nito. Gusto niyang kapag nag-aral siya ay dire-diretso at hindi na siya maaabala pa. Nahiling niyang sana’y hindi ito makalimot sa pangako. Mahirap din namang magbakasakali sa sinabi nito. Hindi niya alam ang totoong takbo ng utak ng amo, paano kung ‘ika nga ay pinasakay lang siya nito para mapaglaruan sa kama?

Hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala ang maiinit na sandali nila ni Amadeo. Sigurado siyang magkaasawa man siya pagdating ng panahon, hindi niya ito makakalimutan.

“Ang ganda naman ng ngiti ng ale.”

Napalingon siya sa pinagmulan ng tinig.

“Mukhang mag-e-enrol ka,” muli, ang tinig. “Ako nga, ngayon din lang mag-i-inquire. Ngayon lang nagkapera sina Itay.”

Nasa harap niya si Virgilio. Kaklase at crush niya ito noong high school. Nanligaw ito sa kanya, halos naging sila pero nanaig sa kanya ang pangako sa mga magulang na magtatapos ng high school na walang boyfriend. Isa kasi iyon sa mga kasunduan nila para payagan siya ng mga ito na makatuntong sa kolehiyo kung sakali.

“Nagtatanung-tanong pa lang,” aniyang namumula. Matagal na rin niyang hindi nakikita si Virgilio, at ang tingin niya sa dating kaklase ay lalong naging cute. Kahawig ito ng artistang si Xian Lim.

“Buti pa ay doon muna tayo sa canteen kung tapos ka nang mag-inquire. Mag-softdrinks muna tayo,” yaya nito sa kanya.

“Sige...”

Medyo kinilig pa siya nang masuyo siyang alalayan ni Virgilio sa may siko nang maglakad sila patungong canteen. Iyon ang isang sobrang hinangaan niya rito, masyadong maginoo.

 

SUBAYBAYAN!