Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 12)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
Book II
(Ika-12 labas)
AT dahil sumagi sa isip ni Jason ang Semana Santa, naalala tuloy niya ang mga nakaraaang kuwaresma sa buhay niya. Masaya ang Holy Week sa kanilang lugar dahil may palabas na senakulo. Marami ring nagtitika, kaya pag may nagsasakripisyo ay nakikipalo siya sa likod ng mga ito. Umaapaw rin ang kakanin, at napakahilig pa naman niya sa mga ganitong pagkain lalo na sa putong maliliit. Kahit nga sa kanilang opisina ngayon, basta may nagdala ng puto at hindi maubos ng mga katrabaho niya, mauunti-unti niya ang mga iyon.
Pero ang pinakamemorable niyang kuwaresma ay noong second year high school siya. Sa kanilang magkakaibigan noon ay siya na lang ang hindi pa circumsized. Sabi kasi ng nanay niya ay pag-graduate na lang niya ng high school, sasamahan daw siya nito sa klinika sa kabayanan. Sabi naman ng kanyang ama, bakit kailangang hintayin pa kung kailan kasinlaki na raw ng kamoteng kahoy ang kanyang dyunyor? May hinala siyang takot lang ang kanyang ina. At sa narinig niyang opinion ng ama, naglakas siya ng loob na magpatuling mag-isa kay Ka Satur na albularyo sa kanilang nayon. Dinalhan niya ito ng isang kahang sigarilyo bilang kabayaran sa ritwal.
Hindi alam ng kanyang ina na nagpatuli na siya. Ilang hapon itong laging nagtataka kung bakit paika-ika siyang maglakad. Patago rin siya kung maglanggas. Pero minsang inutusan siya nito para magbuhat ng isang sakong bigas, hindi pa masyadong magaling noon ang sugat sa dyunyor niya ay napilitan siyang magtapat dito. Natawa na lang ang kanyang ina. Ang kanyang ama naman ay halatang naging proud sa kanyang ginawa.
Ngayon ay Semana Santa na naman. Tutal ay bakasyon din lang, inisip niyang umuwi muna sa Angono at magnilay-nilay. Para kahit paano ay mabawasan man lang ang kanyang mga kasalanan.
Naputol ang kanyang pagbabalik-tanaw nang makitang nasa tapat na uli sila ng Rosas Compound.
“Pwede bang maiwan ka rito sa Holy Week?” sabi sa kanya ni Dada nang makapasok sila sa loob. “Uuwi kasi kami sa probinsya, mahirap pag walang magbabantay rito. Baka manakawan tayo.”
Naalala niya ang kanyang mga computers. Bigla siyang kinabahan. “Pwede,” sagot niya. “Dadalaw na ako bukas kina Inay para di na ako umuwi sa Holy Week. Ako na lang ang magbabantay rito.”
Kinabukasan din ay lumarga na siya.
Napaaga tuloy ang uwi niya sa Angono para magpaalam sa mga parents niya na di na siya makakarating sa Holy Week.
Noong mga bata pa sila ay hindi puwede ang ganoon sa kanyang ama. Kailangan ay kumpleto sila kapag Mahal na Araw. Pero mula nang magkaroon silang magkakapatid ng trabaho ay binigyang-laya na sila ng matandang lalaki kung ano ang desisyon kapag may mga okasyon. Though pag Pasko, Bagong Taon, birthday o anniversary ng kanilang parents ay lagi naman silang present.
Dinalhan niya ng brazo de Mercedes ang kanyang ina dahil paborito nito iyon. Ang kanyang ama naman na hanggang ngayon ay pilyo pa ang isip ay dinalhan niya ng pinakabagong isyu ng FHM. Ibinalot niya iyon nang maayos para di mapuna ng kanyang ina.
Masarap pa rin sa kanilang lugar. Malamig ang hangin. Bagaman at marami nang bahay ay maberde pa rin ang kapaligiran. Naglakad-lakad siya saglit. Bihira na niyang gawin iyon. Sinilip niya ang kubo nina Rosela. Naroon pa rin iyon. Maging ang banyong yari sa dahon ng niyog. Ang wala na lang ay si Rosela.
Pag-aari na nila ngayon ang dating lupa nina Rosela. Sa kanila nito ipinagbili iyon mula nang magbalik ito sa Bicol. Graduating siya sa high school nang maghiwalay sina Rosela at Bochok.
Dumating kasi ang time na hindi na talaga umuwi kay Rosela si Bochok at sumama na sa matronang mayaman na naging kalantari nito. Ang sabi raw kay Rosela ay maghiwalay na lang sila, ipagbili ang lupa at gamitin nito ang pera sa pagsisimulang muli. Umiiyak pa nga noon si Rosela nang magsabi sa kanyang ina na bayaran na lang ang lupa nito at uuwi na ito sa Bicol kasama ang anak.
Nagkataon naman na may pera ang mga parents niya noon kaya nagpagawa ng kasulatan sa barangay para sa bilihan. Hindi sila nag-uusap ni Rosela dahil lagi itong umiiyak noon. Pinasasamahan ito ng kanyang ina sa kanya pag gabi bago ito umuwi ng Bicol. Hindi gaya ng mga gabing lagi silang nagniniig, mula nang di na umuwi si Bochok ay tila nawala ang init ni Rosela. Madalas itong malungkot, nakatanaw sa malayo. At kahit paano’y nakadama siya ng awa rito. ‘Yun nga lang, wala rin naman siyang magawa para tulungan ito.
Minsan ay kinausap siya nito. Maging mabait daw siya sa magiging misis niya. Huwag daw lolokohin. Naiisip lang niya noon, napaka-weird lang na pinapayuhan siya nitong maging tapat sa asawa samantalang ito mismo ay hindi rin naman naging tapat sa kabiyak.
Nang sumapit ang araw na paalis na si Rosela at ang anak nito, gabi bago iyon ay doon uli siya natulog. Malalim na ang kanyang tulog nang maalimpungatan siya. Naramdaman niyang hinahawakan nito ang kanyang dyunyor.
“Hindi kita makakalimutan,” anito sa kanya. “Sana huwag mo rin akong kalimutan.”
Hinalikan siya nito sa labi. Niyakap niya ito. Matagal-tagal na rin ang huling pagkakataon na sila’y nagtalik at nasabik siya rito. Oo naman, sagot ng isip niya sa sinabi nito. Hindi niya makakalimutan ang unang babaing nagbukas sa kanya ng pinto ng paraiso.
Mainit ang kanilang naging halikan. Ang higpit din ng mga yakap sa kanya ni Rosela. Para bang mami-miss siya talaga nito. Mabangung-mabango ito at bagong paligo. Ang halimuyak nito ay sapat para magpainit ng kanyang dugo.
Gumapang ang kanyang mga labi patungo sa mga dibdib nito. Bihasa na siya kung paano lalaruin ng kanyang dila ang mga tampok nito. Nakatayo sila noon. Naramdaman niyang hinawakan siya ni Rosela sa ulo. Bahagya siyang itinutulak pababa.
Sumunod siya. Hinalikan niya ang tiyan nito, ang pusod. Ang kanyang mga kamay ay nakadakot sa magkabilang puwitan nito. Paminsan-minsan, inihahagod niya iyon sa mga dibdib nito. Napapahalinghing si Rosela. Nagiging maingay.
Naramdaman niyang itinutulak siya nitong muli pababa...
SUBAYBAYAN!