Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 121)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

Book XIII

(Ika-121 labas)

NANG pigain ni Iza ang balls ni Amadeo ay napahalinghing ito sa sarap. Natuwa naman siya sa nalaman na naliligayahan ito sa kanyang mga daliri kaya patuloy niyang nilaro ang kambal na bola. Panay-panay ang buntunghininga ng kanyang among lalaki.

Maya-maya ay may kakaibang tunog na narinig si Iza. Parang may kinikiskis na kung ano. Nilingon niya ang amo, nakita niyang nagma-masturbate ito sa likod niya gamit ang kanang kamay. Ang kaliwang kamay nito ay patuloy sa paglamutak sa kanyang mga suso.

Nalibugan si Iza sa nakitang pagpapaligaya ni Amadeo sarili. Tinangka niyang humarap dito para tulungan ito sa ginagawa ngunit pinigilan siya nito.

“Diyan ka lang, Iza. Mas gusto kong nakikita ko ang puwet mo habang nagma-masturbate ako,” anito.

Ikinapit ni Iza ang mga kamay sa lababo para huwag siyang mahirapan. Bahagya rin siyang bumukaka para lalong makita nito ang kanyang puwet.

Noon pa niya alam na may “something” sa kanyang puwet. Marami ang nagsasabing mapanukso iyon dahil sa kakaibang tambok. Para raw siyang Pinay na Jennifer Lopez dahil sa ganda ng hubog niyon. May mga nagbibiro pa sa kanya na mas maganda siya kapag nakatalikod kaysa pag nakaharap dahil nga sa kanyang behind.

Hindi na rin iilang beses na nahipuan siya sa puwet. Minsang sakay siya sa bus at tayuan ang mga pasahero ay may isang lalaking sakay na naramdaman niyang sadyang ikinikiskis ang patotoy sa kanyang behind. Nasampal niya ang pangahas.

At ngayon, maging si Amadeo pala ay titilam-tilam sa kanyang asset. Hindi na siya nagtaka.

Naramdaman niyang bumibilis ang pagma-masturbate ni Amadeo. Saglit pa, piniga nito ng kamay ang kanyang suso sabay ang halinghing ng kaligayahan. “Iza... Iza...”

Napamulagat naman siya nang maramdamang tumalsik sa likod niya ang malagkit na katas ng amo. Mainit-init iyon. Gusto na naman niyang maeskandalo pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang mga balikat. Sa wari niya ay minamasdan nito ang pinakawalang katas sa kanyang likod.

Napakislot pa siya nang maramdamang umagos ang tumilamsik na katas pababa. Una iyong naglandas sa pinakahiwa ng kanyang puwet, at kapagkuwa’y naramdaman niyang umabot na rin sa kanyang hiwa ng kaselanan. Dahil nakabukaka siya, umagos din ang mainit na katas sa kanyang kuntil.

Napapikit si Iza. May hatid na kakaibang sensasyon ang pag-agos na iyon ng katas ni Amadeo sa kanyang kaselanan. Alam niyang nagpakawala rin siya ng masaganang nektar.

Iniwan siya saglit ni Amadeo at nang magbalik ay may dalang rolyo ng malapad na tissue. Pinahid nito ang nalabing katas sa kanyang likuran. Kumuha naman siya ng piraso ng tissue at pinunasan ang nanlalagkit niyang kaselanan.

Nagbalik sa mesang kainan si Amadeo. Kumuha ng tubig at uminom. Pumasok naman siya sa banyo at nilinis ang sarili. Sinabon niya nang todo ang kaselanan at pinilit niyang umihi para huwag makapasok sa loob ang katas ng senyor. Mahirap na, baka may masiglang semilya ito at isang kampeon na magawang makapasok sa kanyang bahay-bata at mahinog. Kung magkakataon, baka mabuntis siya kahit technically ay isa pa rin siyang donselya.

Itinuloy na niya sa paliligo ang paglilinis sa sarili, hindi na nga lang siya nagbasa ng buhok. Ginamit na lang niya ang tuwalyang naroroon para tuyuin ang sarili.

Kahit nahimasmasan na siya nang konti matapos maligo ay alam ni Iza na may tama pa rin siya ng alak. Kinausap pa nga niya ang sarili sa salamin, sinabihan niyang jackpot sa guwapong amo ang kanyang repleksyon. Nagbihis na rin siya ng suot kanina. Baka ihahatid na siya ng senyor—bagaman at may bahagi niyang nagsasabi na sana ay medyo magtagal pa siya sa bahay na iyon.

Sana...

Ngayong sinabi ng senyor na tutulak na ito patungong Amerika, hindi na niya alam kung magkikita pa silang muli. At ayaw niyang may masayang na sandali sa huli nilang pagsasamang iyon.

Nakapantalon at T-shirt na uli siya nang lumabas ng banyo. Wala na sa mesa ang senyor.

Sumilip siya sa kuwarto. Nakita niyang nakahiga na ito roon. Hubu’t hubad ito. Tinawag siya nito. “Pasok ka, Iza.”

Pumasok siya sa loob. Amoy-lalaki ang silid. Bahagyang amoy-alak din. Ang bote ng matapang na alak ay nasa ibabaw ng mesita sa tabi ng kama nito. Iginala niya ang paningin. May mga poster ng musical instrument na nakasabit sa dingding, pero maliban doon ay wala nang iba pang dekorasyon.

Iniangat ni Amadeo ang mga kamay na parang yayakap sa kanya. “Halika, maupo ka.”

Naupo siya sa tabi nito. Yumakap ito sa kanya. Napahiga siya sa dibdib nito nang bahagya siyang hilahin. Hinaplos nito ang buhok niya.

“Mag-aaral kang mabuti, Iza,” anito. “Huwag mong sasayangin ang pagkakataon.”

“Opo, Senyor...”

Habang nakasandal siya sa dibdib nito ay kinuha nito ang bote ng alak at tumungga. Nakailang lagok ito.

Ewan kung ano ang pumasok sa utak niya at kinuha niya ang alak sa kamay nito. Tumungga rin siya. Nakailang lagok din siya bago isinauli rito ang bote.

Napahiga siyang muli sa dibdib nito. Nilaru-laro niya ng mga daliri ang isang utong nito. Ang isa pa. Nakita niyang nangurong ang mga utong nito, halatang nakiliti.

Kumilos siya at mas inilapit ang bibig sa utong nito. Dinilaan niya. Napaliyad si Amadeo, napahinga nang malalim.

Umayos siya ng puwesto at sinipsip ang mga utong nito. Kumilos din ang isa niyang kamay. Hinagilap ang dyuntor nito na ngayon ay malambot pa dahil kabubuga lang kanina. Nagtaas-baba ang kanyang kamay sa kargada nito habang patuloy siya sa pagdila at pagsipsip sa utong nito. Naramdaman niya sa kanyang mga palad ang pagtigas ng kargada nito.

Bumangon si Amadeo at isa-isang inalis ang kanyang mga kasuotan. Saglit pa, hubad na hubad na naman siya.

Mariin silang naghalikan. Nagyakapan at nagpingkian ang mga dila.

Mainit na mainit ang pakiramdam ni Iza lalo na nang paliguan siyang muli ni Amadeo ng halik sa halos buong katawan.

“Gusto kong angkinin mo ako, Senyor...” bulong niya rito. “Gusto kong ikaw ang maging unang lalaki sa buhay ko...”

Niyakap siya nito nang mahigpit. Magkadikit ang kanilang mga dibdib.

“Huwag, Iza. Sabi ko nga, ialay mo ang iyong pagkabirhen sa lalaking pakakasalan mo. Para wala kang pagsisihan balang araw.”

“Pero gusto kitang maramdaman sa kaloob-looban ko, Senyor. Pakiramdam ko’y hindi magiging ganap ang aking pagkababae kung hindi mo ako aangkinin.”

Ngumiti nang makahulugan si Amadeo. “May ibang paraan naman, Iza. Bahala na...”

At muli siya nitong nilingkis.

 

SUBAYBAYAN!