Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 125)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-125 na labas)
SA madilim na silid ay patuloy ang pagse-sex ni Iza at Amadeo. Sige ito sa pagdila sa kanyang kaselanan habang nilalaro naman niya ng kamay ang alaga nito. Hindi ito nag-request na kainin niya iyon, mukhang nag-e-enjoy naman sa ginagawa niyang pagma-masturbate dito.
Napasinghap si Iza nang maramdamang malapit na siyang makarating sa langit. Iginiling niya ang mga balakang kahit medyo mahirap ang kanyang puwesto dahil nakatagilid siya, kaliwang kamay pa ang ginagamit niya sa pagpapaligaya rito. Pumasok ang dila nito sa kanyang kaselanan. Mainit, kumikiwal-kiwal.
“Senyor...” naidaing niya.
Dumako ang dila nito sa kanyang kuntil. Tuluyan na siyang kumatas.
“Senyor!” napaigtad siya. Naibuka niya ang mga hita at ikinulong doon ang mukha ng amo. Sige lang naman ito sa paglalaro sa ngayon ay basambasa niyang kaselanan, hindi alintana ang ginawa niyang pag-ipit ng mga hita sa mukha.
Sunud-sunod ang ragasa ng kaligayahan sa kanya. Binilisan din niya ang pagbayo ng kamay sa alaga ni Amadeo. Maya-maya ay kumayug-kayog din ito. Saglit pa, sa dilim ng paligid ay nakita niyang tumalsik ang maputing katas ng kaligayahan mula sa sandata nito. Piniga niya iyon at sinaid ang laman.
Kapwa sila wasted nang maghiwalay. Bumangon siya at tumabi rito. Niyakap siya nito nang mahigpit. Sa ganoong ayos na sila tuluyang nakatulog.
Nakabihis na si Amadeo nang magising si Iza. Sinabihan siya nito na maligo at mag-aalmusal muna sila bago siya ihatid nito sa kanila.
Mabilis lang ang ginawa niyang pagligo. Hindi na siya nagbasa ng buhok. Wala silang imikan habang nag-aalmusal ng kape at malalaking cookies. Isang cookie lang ang nakain niya na dahil sa sobrang laki ay busog kaagad siya. Napakalinamnam, noon lang siya nakatikim niyon. Nakadalawang cookies naman si Amadeo.
Nang matapos silang kumain ay inilagay ni Amadeo sa isang supot ang mga cookies at ibinigay sa kanya. “Ipasalubong mo sa iyong pamilya. Sayang kung maiiwan dito. Baka next week pa ako makabalik dito pag ila-lock ko na ito bago ako bumiyahe.”
Tinanggap niya iyon at nagpasalamat. Ewan niya ngunit may naramdaman siyang lungkot sa sinabi nito. Talagang tuloy na ang pag-alis ng kanyang amo.
Lumabas na sila ng bahay na iyon matapos nitong tiyaking sarado lahat at walang appliance na nakasaksak sa kuryente at bukas na ilaw.
Wala silang kibuan habang nasa sasakyan. Kalung-kalong niya ang supot ng cookies. Malapit na sila sa highway nang magsalita si Amadeo.
“Aasahan kong makakatapos ka ng pag-aaral, Iza. Magiging masaya ako kapag naging professional ka.”
Ngumiti siya. “Titiyakin ko po, Senyor. Hindi mauuwi sa wala ang mga naitulong ninyo sa akin.”
Pinisil siya nito sa kamay. “Magkikita pa rin naman tayo. Matatagalan nga lang.”
Tumango-tango siya.
Binuksan nito ang compartment sa may dashboard. May kinuha roong sobre at iniabot sa kanya.
“Hindi ko alam kung paano ako makababayad ng utang na loob sa iyo, Iza. Ang utang na loob ang pinakamahirap bayaran. Pabaon ko ito sa ‘yo kung sakaling kulang pa ang naiabot ko para sa pag-aaral mo.”
Napatingin siya sa sobre. “Nakakahiya na po, Senyor. Sobra-sobra na ang naibigay ninyo sa akin. Doon pa lang ay tiyak na matatapos ko ang aking pag-aaral.”
Ipinilit sa kanya ni Amadeo ang sobre. “Para sa iba mo pang pangangailangan. Magastos ang maging babae, nakikita ko kay Mama.” Tumawa ito.
Inabot niya ang sobre. “Maraming salamat, Senyor. Hayaan ninyo, balang araw ay makapaglilingkod akong muli sa ‘yo.”
Tumangu-tango ito. Ngumiti. “Salamat, Iza.”
Nakarating sila sa may highway. Sinabi niya ritong hanggang doon na lang siya tutal ay may sasakyan nang dumaraan patungo sa kanilang lugar. Pinisil siya ni Amadeo sa pisngi, at hinalikan sa noon.
Gustong mapaiyak ni Iza pero pinigil niya. Sa halip, itinaas niya ang kamay at nag-shake hands sila. “Hanggang sa muli, Senyor...” pinisil niya ang kamay nito.
Pinisil din siya nito. “Hanggang sa muli, Iza...”
Bumaba na siya ng sasakyan. Saglit pa, tinatanaw na lang niya iyon habang papalayo.
Papalayo nang papalayo.
Hanggang sa hindi na niya matanaw...
Napabuntunghininga si Iza. Paalam sa isang karanasang napakaraming iminulat sa kanya.
Nang sakay na siya ng bus ay pasimple niyang binuksan ang sobre. Nagulat siya sa laman niyon. Tseke. Nasa pangalan niya. Nagkakahalaga ng fifty thousand pesos. May note din mula kay Amadeo:
Iza,
Magbukas ka ng sariling bank account. Gamitin mo itong pondo. Unti-unti, ilipat mo doon ang perang nasa pangalan ko para sariling pangalan mo na ang account. Thanks for everything and see you again... maybe in 10 years.
Walang lagda ang note na iyon. Napaluha siya sa tuwa. Aminado siyang kung anumang emosyon ang naipondo niya para kay Amadeo ay napawi ng malaking halagang nakuha niya rito.
**
GINAWA niya ang payo ni Amadeo na magbukas ng sariling bank account. Unti-unti rin ay inilipat na niya roon ang perang nasa account nito.
Walang problema sa kanyang pag-aaral. Bakit pa nga ba ay lahat nang kailangan—aklat, projects at kung anu-ano pa—ay kaya naman niyang magkaroon agad dahil may pera siya. Hindi rin naman nagtataka ang mga parents niya dahil kinausap nga ang mga ito noon ng senyora na gagawin siyang “scholar” para makapagtrabaho sa opisina ng mga ito balang araw.
Masugid sa panunuyo sa kanya si Virgilio. Magkaiba sila ng department pero lagi silang magkasama sa university pag pareho silang vacant. Ang mga dating kaklase nila noong high school ay hindi naniniwalang wala silang relasyon.
Fourth year college na sila at nasa last semester na nang sagutin niya si Virgilio bilang aniya’y graduation gift niya rito. Maraming nanliligaw sa kanya, pero ‘yung crush niya noon sa binata ay hindi naman nagmaliw, bukod pa sa katotohanang dito naman siya talaga nakadarama ng kilig.
Masayang-masaya si Virgilio nang sagutin niya. Nangako ito na magiging mabuting boyfriend at asawa kapag naging sila na. Sinabi pa nito na pagka-graduate nila, sana ay magpakasal na sila dahil gusto na raw magkaapo ng nanay at tatay nito.
Hindi niya noon masabi kung gusto na nga ba niyang mag-asawa o hindi pa. Naiisip niya kasing pagka-graduate niya ay magtatrabaho muna kahit saan, at ibibili ng lupang sasakahin ang ama mula sa perang galing kay Amadeo na medyo malaki-laki pa rin. Kung magtatanong ang ama kung saan galing ang pera, sasabihin niyang sa loan sa opisina para hindi ito magtaka. Sa ganoong paraan, kahit magpakasal sila ni Virgilio ay may naibigay na rin siyang kabuhayan sa mga magulang.
Kaya naman apat na taon matapos ang mga naganap sa kanila ni Amadeo ay labis-labis ang pasasalamat niya rito sa laki ng perang naibigay sa kanya.
Kumusta na kaya ito?
Hindi niya alam. Hindi na rin naman siya napagawi sa mansion.
SUBAYBAYAN!