Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 126)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-125 na labas)

TULUYAN nang nawalan ng komunikasyon sa mga dating kasamahan si Iza sa mansion nang mag-concentrate siya sa pag-aaral. Naging magnobyo sila ni Virgilio, at ang gusto nito ay magpakasal sila agad once na maka-graduate sila.

Nang makatapos ng pag-aaral ay natanggap sa isang travel agency sa kabayanan si Iza. After six months naman ay nagpasya siyang lumuwas ng Maynila dahil mukhang wala siyang nakikitang asenso sa napasukang kumpanya.

Nagkataon namang natanggap sa trabaho sa Maynila si Virgilio dahil naipasok ng isang tiyahin doon sa bangko. Nauna itong lumuwas sa kanya. Nang makakuha siya ng clearance sa pinasukang kumpanya ay lumuwas na rin siya.

Gaya ng plano niya, noon ay nabilhan na niya ng lupa at mag-asawang kalabaw ang kanyang ama, kaya alam niyang anuman ang mangyari sa kanya sa Maynila ay may magiging kabuhayan na ang mga ito. Madali na rin sa kanya ang bumalik sa Zamboanga kung hindi magiging maganda ang resulta ng kanyang pagluwas.

Sinundo siya ni Virgilio sa airport. Bago siya lumuwas ay naihanap na siya nito ng maliit na kuwarto na mura lang ang upa at puro mga babae ang boarders. Gagabayan muna siya nito kapag wala itong pasok sa opisina hanggang sa makabisa niya ang pasikut-sikot sa Maynila.

Sinimulan agad niyang maghanap ng trabaho. Naging issue sa kanya ang kolehiyong pinagtapusan kaya nahirapan siyang humanap ng mapapasukan. Later on ay nag-decide siyang maging saleslady sa isang malaking department store—isang trabahong na-enjoy naman niya bagaman at nakakangawit ang maghapong pagtayo. Tuloy rin naman siya sa pagpapasa ng resume sa iba’t ibang kumpanya.

Madalas silang mag-date ni Virgilio. Nanonood ng sine. Hindi maiwasang naghahalikan sila paminsan-minsan gaya ng ibang nagde-date. Nang una siyang halikan nito, ang nasa isip niya ay si Amadeo.

Nanibago siya sa sarili. Mahal niya si Virgilio ngunit hindi niya maramdaman dito ang excitement na naramdaman niya sa dating amo. Ni hindi siya nagwe-wet kapag naghahalikan sila.

Na-regular sa trabaho si Virgilio at lumaki pa ang suweldo. Marami itong pangarap para sa kanilang dalawa.

Minsang kumain sa labas ay inilatag nito sa kanya ang plano.

“Kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa, Iza. Ayoko rin naman na laging nakatira lang sa tiyahin ko. Kumuha ako ng housing loan, maliit lang na sukat ng bahay at lupa,” pagbabahagi nito sa kanya. Ipinakita sa kanya ang mga papeles.

“Maganda ‘yan. At least bata ka pa may investment na.”

Tinitigan siya nito. “Hindi para sa akin lang ito, Iza. Para sa ating dalawa.”

Napangiti siya.

Hinawakan nito ang mga kamay niya. “Sumulat ka sa inyo. Sabihin mong magpapakasal na tayo rito sa Maynila. Saka na lang tayo uuwi kapag nakapagbakasyon tayo.”

Wala siyang pagsidlan ng saya nang mga sandaling iyon. Pinisil din niya ang mga kamay nito. “Sige. Pero huwag mo akong patitigilin sa trabaho, ha? Alam mo naman, naghahanap talaga ako ng trabahong bagay sa tinapos ko. Gusto kong maging career woman. Pero kung mapo-promote din ako sa department store at magiging supervisor, okey na rin. Sabi kasi sa HR may potential daw akong maging bisor dahil tapos naman ako ng college.”

Ang tamis ng ngiti ni Virgilio. “Walang problema. Ang gusto ko naman ay tuwang talaga tayo sa lahat para magaan lang ang pagpapamilya. May anak na dalawa, magkaroon ng sasakyan kahit owner type jeep lang.”

Iyon ang isang gusto niya kay Virgilio. Laging nakatingin sa future. Alam niyang magiging masaya ang pamilyang bubuuin nila.

Iyon ang inasam niya. Ang inakala niya.

Ngunit hindi nangyari.

Dahil sa isang kahapong hindi nawawala...

Isang kahapong ipinatikim sa at iniwan sa kanya ni Amadeo.  

                                                          **

DAHIL pareho na silang nasa edad ni Virgilio ay nakapagpakasal sila sa huwes matapos siyang payagan ng ama’t ina. Matapos ang kanilang kasal at makakain sila sa isang fast food kasama ang ilang kaibigan ay umuwi na sila sa bahay na nabili ni Virgilio. Hindi pa iyon gaanong kumpleto maliban sa mga basic na gamit gaya ng kalan, kaldero, mga plato at ilang appliances gaya ng TV, VCD (ito pa ang uso noon) radyo at electric fan.

Bago sila umuwi sa bahay na for the first time ay kanilang “bibinyagan” ayon kay Virgilio ay bumili ito ng ilang canned beer at sitsirya. Mag-beer daw sila para mas masaya ang kanilang honeymoon. Kinurot niya ito sa tagiliran. “Pilyo ka, ha?”

Sa loob sila ng silid nag-inuman.

Halos nakalimutan na niya ang pag-inom ng alak, pero iyon pa rin ang epekto niyon nang makadalawang bote na siya. Uminit ang kanyang katawan.

May natatago naman pala talagang kapilyuhan si Virgilio. Maya-maya ay naglabas ito ng VCD na bold daw ang laman.

“Pampagana,” anito at hinalikan siya bago isinalang ang VCD sa player.

Bumulaga sa screen ang nagse-sex na babae’t lalaki. Pareho silang natigilan. Agad tumalab sa kanila ang pinapanood.

Alam ni Iza kung bakit inihanda iyon ni Virgilio. Hindi pa sila nag-sex kahit minsan. Gusto ni Virgilio ay birhen siya nitong makuha kapag naikasal sila. Ipagmamalaki raw nito iyon sa sarili mismo—na ang babaing pinakasalan ay inangkin sa unang pagkakataon na may basbas na ng matrimonyo.

Ngayon naman na-realize ni Iza ang kahalagahan nang sinabi noon ni Amadeo na ang puri ay dapat sa lalaking pinakasalan ihandog. Ngayong natuklasan niyang may pagkakonserbatibo pala ang kanyang mister, lihim siyang nagpasalamat sa dating amo na hindi nito sinamantala ang kanyang kahinaan.

Mainit ang mga eksena sa pinapanood nila. Saglit pa ay pinatay na iyon ni Virgilio. Nagkatitigan sila.

Mahigpit silang nagyakap at naghalikan.

Nagmamadali sa paghuhubad si Virgilio. Briefs lang ang iniwan nito. Binistahan niya ang umbok nito, mukhang malaki rin. Halatang tigas dahil sa panonood nila ng bold na pelikula.

Hinubaran siya nito. Walang itinira.

“Ang sexy mo pala kapag walang damit,” anito at hinaplos ang kanyang suso. Nilaro ang kanyang mga nipples.

Ewan, pero ang nakikita niyang kaharap ay si Amadeo.

Habang hinahagod nito ang buo niyang katawan ay binuksan pa niya ang isang beer. Inubos niya iyon. Si Virgilio naman ay dinidilaan ang kanyang mga nipples. Napasabunot ang isang kamay niya sa buhok nito.

Inihiga siya nito sa kama. Sinimulan siya nitong halikan mula labi hanggang dibdib. Sa pagkagulat niya, bigla nitong ibinuka ang kanyang mga hita at walang sabi-sabing isinaksak sa kanyang kaselanan ang kargadang ni hindi pa niya nakikita ang hitsura.

Hinawakan siya nito nang mahigpit sa magkabilang balikat at kumayug nang kumayog.

Naramdaman niya ang ulo ng matigas na kargada nito sa bukana ng kanyang hiwa. Sa tindi nang ginagawa nitong pagkayog ay unti-unting pumasok iyon sa loob.

Napangiwi siya sa sakit na naramdaman. Pakiramdam niya’y may napunit sa kanya.

Tila gutom naman si Virgilio na sige sa pagsasaksak ng kargada sa kanya. Masakit na masakit ang pakiramdam niya sa paglalabas-masok ng pagkalalaki nito sa kanyang kaselanan.

Saglit pa, nagkikisay ito nang labasan. Hinugot ang kargada sa kanya kapagkuwan nang masaid na ang katas at tila posteng natumba sa kanyang tabi.

At nakatulog...

 

SUBAYBAYAN!