Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 129)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-129 na labas)

NAKALIMOT si Iza sa sarili at habang kinakain ng Virgilio ang kanyang hiyas, nang marating niya ang sukdulan ay ang pangalan ng senyor ang kanyang naibulalas.

Napahinto si Virgilio sa ginagawa at pinagsasampal siya. Iniwan din siya nito matapos niyang sabihing buntis siya at baka siya duguin sa pananakit nito.

Napaiyak si Iza sa sobrang paghihinagpis. Sinisi niya ang sarili na hindi pa rin siya nakakalimot sa isang nawalang kahapon. Kung bakit naman kasi si Amadeo ang sumiksik sa isip niya nang marating niya ang rurok. Marahil ay epekto ng nainom niyang red wine.

Naisip niya, kasalanan din ni Virgilio. Wala itong alam sa kama. Kung sapul ay mahusay itong magpaligaya, hindi siya masasabik nang todo. Hindi niya hahanap-hanapin ang mga ginawa sa kanya ng senyor.

Dalawang araw nawala si Virgilio. Hindi rin naman siya pumasok sa trabaho sa loob ng dalawang araw. Gabi na ito dumating nang magbalik sa kanilang bahay. Lasing.

Pagkakita nito sa kanya ay halos sakalin siya.

“Niloko mo ako!” sumbat nito sa kanya. “Hindi ako ang unang lalaki sa buhay mo!”

Napayuko siya. “Virgilio, alam mong ikaw ang nakakuha ng virginity ko...”

“Oo!” asik nito. “Pero may ibang lalaking bumaboy sa iyo. Ang amo mo!”

Alam ni Virgilio na “senyor” ang tawag niya sa dating amo. Naikuwento niya rito iyon noong nag-aaral pa siya. Alam din nito na ang pamilya ng senyor ang nagpaaral sa kanya.

Sinabunutan siya nito. “Ang katawan mo ba ang kapalit ng scholarship mo, ha? Ha?” gigil na gigil ito sa galit.

“N-nasasaktan ako, Virgilio...”

Sinampal siya nito. Ubod ng lakas. Halos mawalan siya ng ulirat.

Muli siya nitong sinabunutan. “Kaya pala ang galing-galing mong mag-blowjob!” inilapit nito ang mukha sa kanya. “Iyan ang mga ipinagawa niya sa ‘yo!”

“Virgilio... tama na...” umiiyak na siya. “Hindi ba mas importanteng ikaw ang naka-virgin sa akin?”

Sarkastikong ngumiti si Virgilio. “At habang inaangkin kita, ibang lalaki pala ang iniisip mo!” singhal nito sa kanya.

Napaiyak siya. “Patawarin mo ako...”

Iniwan siya nito at pumasok sa kuwarto. Naiwan siya sa salas na umiiyak.

Mula noon, hindi na naging normal ang buhay nilang mag-asawa.

Dumating dili ito sa kanilang bahay. Kung umuwi man ay lasing. Ni hindi siya kinakausap. Pag nakahiga siya sa kama, sa sofa sa salas ito natutulog. Kaya para wala itong masabi ay siya na lang ang natutulog sa sofa.

Nag-resign na rin siya sa trabaho dahil unti-unti nang lumalaki ang kanyang tiyan. Nang sabihin niya kay Virgilio minsan na kailangan niyang magpa-check up ay nagulat siya sa sagot nito.

“Magpa-chec kup kang mag-isa. Hindi ko naman yata anak ang batang ‘yan.”

Nalaglag ang mga luha niya. “Virgilio, alam mong sa iyo ito...”

“Malay ko?” singhal nito sa kanya. “Tatahi-tahik ka iyon pala nasa loob ang kulo mo!”

Napaiyak na lang siya. Mabuti na lang at may sarili siyang pera. Mag-isa siyang nagpapa-check up kapag kinakailangan. Ni hindi ito nagkaroon ng interes na tanungin siya tungkol sa kanyang kalagayan.

Higit sa lahat, nawalan na rin ito ng respeto sa kanya.

Minsan ay umuwi itong lasing. Tulog siya sa may sofa. Nagulat na lang siya nang gisingin nito. Hubu’t hubad ito.

“Tutal ay nakikitira ka naman dito, kailangan kong bumawi.” Ibinuka nito ang bibig niya at ipinasok ang matigas na kargada. Inulus siya nang inulos hanggang sa labasan ito sa bibig niya. Nasuka siya sa walang patumangga nitong pag-ulos.

Nang makaraos ay sinabunutan pa siya nito. “Ganyan ba ang ginagawa sa iyo ng senyor?” nanlalait na tanong nito sa kanya.

Napaiyak na lang siya sa awa sa sarili.

Hindi iilang beses na ginawa sa kanya ni Virgilio ang ganoon. Pakiwari niya, ang naging turing nito sa kanya ay prostitute. Hinahayaan na lang niya. Umaasa siyang baka naman kapag nakapanganak siya at kamukha nito ang magiging beybi nila ay magbago rin ito.

Isang gabi ay umuwi muling lasing na lasing si Virgilio. Nang makita siya nitong natutulog sa sofa ay ginising siya. Hinubaran siya nito. Inalis ang kanyang panty. Hindi na siya nagba-bra noon dahil medyo lumaki na ang kanyang dibdib sanhi ng pagbubuntis. Pinahawak siya nito sa sandalan ng sofa at pinatuwad.

Ginawa naman niya para wala na lang gulo.

Ngunit nagulat siya nang maramdaman ang plano nito. Sa kanyang puwet nito gustong ipasok ang kargada nito.

Umiwas siya. “H-huwag diyan. Ayoko...”

Hinawakan siya nito sa beywang. Gustong ipilit ang plano.

Muli niya itong pinigilan. “Huwag...”

“Pagbigyan mo ako!” asik nito. “Titiyakin ko lang kung hindi ka tinurbo ng senyor!”

Ewan kung nasobrahan na siya ng pang-iinsulto nito at pambabastos. Tumayo siya at hinarap ito.

“Ano’ng sabi mo?” gigil niyang tanong dito.

Ngumisi si Virgilio. “Sabi ko, titingnan ko kung hindi ka pa natuturbo ng senyor. Baka nga hindi ka niya kinangkang diyan sa butas mo pero nirositas naman pala niya ang isa mo pang butas!”

Nagpanting ang kanyang mga tainga. Nakuyom niya ang kamao, at walang sabi-sabing inupakan niya ito ng suntok sa ilong. Ibinuhos niya sa suntok na iyon ang lahat nang galit niya rito.

Napasigaw si Virgilio. Sumasargo ang dugo sa ilong. “Hayop ka!” tungayaw nito sa kanya.

“Ikaw ang hayop!” ganting sagot niya.

Grabe ang naging pagdugo ng ilong ni Virgilio. Nahintakutan ito. Nagtatakbong palabas at muli ay narinig niyang humarurot ang motorsiklo nito.

Nagbihis siya at noon din ay nag-empake siya at umalis sa kanilang bahay.

Tumuloy muna siya sa isang kaibigan at naghanap ng mauupahan. Alam niyang sapat ang kanyang pera hanggang sa siya’y makapanganak. Hindi niya akalaing sa ganitong estado pa ng buhay niya siya magkakaroon ng problema.

Sa pamamagitan din ng isang kakilala nila ay natunton siya ni Virgilio. Maga pa rin ang ilong nito. Nakikipaghiwalay na ito. May dalang kasulatan na hindi siya maghahabol sa naipundar nitong bahay at lupa. Hindi niya alam kung puwede nga ba iyon sa batas o hindi, pero dahil wala naman siyang planong maghabol dahil ito naman ang nagpundar niyon ay agad siyang pumirma.

“Hindi ko masusuportahan ang anak mo,” anito nang mapirmahan niya ang dokumento.

“Okey lang...” matabang niyang sagot.

Sarkastikong ngumiti ito. “Talagang hindi ka naghahabol. Palibhasa ay hindi ko anak ang batang ‘yan.”

Hindi siya kumibo. Wala siyang naging sagot.

Wari’y lalong nagpaapoy naman iyon sa kinikimkim nitong galit.

“Sino ba’ng ipinagmamalaki mo, ang senyor? Ha? Bakit, sino ba ang mas malaki sa amin ang kargada? Ha?”

Tinitigan niya ito at kaswal na sumagot. “’Yung kanya. Malaking-malaki ‘yung kanya. At kung itatanong mo rin kung sino sa inyong dalawa ang mas magaling sa kama, siya. Wala kang binabatbat. O, ano... masaya ka na?”

Napamaang si Virgilio.

 

SUBAYBAYAN!