Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 13)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika13 labas)

HULING gabi ni Rosela bago ito umuwi ng Bicol nang muli silang magniig. Gaya ng dati ay bagong paligo ito. Mainit ang kanilang halikan, ang puluputan ng dila. Naramdaman ni Jason na hinawakan siya ni Rosela sa ulo. Bahagya siyang itinutulak pababa.

Sumunod siya. Hinalikan niya ang tiyan nito, ang pusod. Ang kanyang mga kamay ay nakadakot sa magkabilang puwitan nito. Paminsan-minsan, inihahagod niya iyon sa mga dibdib nito. Napapahalinghing si Rosela. Nagiging maingay.

Naramdaman niyang itinutulak siya nitong muli pababa. Sumunod siya. Saglit pa ay nasa bubungan na siya ng langit. Magubat ang kabukiran ni Rosela. Bahagya nitong pinaghiwalay ang mga hita.

Naramdaman ni Jason kung ano ang gusto nitong mangyari.

Nababasa niya sa mga bold komiks ang ganito. Ang hinahalikan ang kaangkinan ng babae. Totoo pala. Naririnig din niya sa kuwentuhang pilyo ng mga salbaheng kalalakihan sa kanilang lugar. Lasang balut daw. Pero gustung-gusto raw naman ng mga babae na ginagawa sa kanila ang ganoon.

Bahagya siyang natigilan.

Kaya ba niya?

Naramdaman niyang inilalapit ni Rosela ang mukha niya sa kaangkinan nito. Nalanghap niya ang amoy niyon. Mabango naman. Parang hinog na langka. Atas ng pagiging lalaki, hinalikan niya ang labi ni Rosela sa ibaba.

Napasinghap si Rosela nang maramdaman ang mainit niyang bibig sa kaangkinan nito. Mas lumawak ang paghihiwalay nito ng mga hita. Siya naman ay tila naging agresibo sa naging reaksyon nito. Naramdaman na lang niyang ang bibig niya’t dila ay abalang-abala na sa kaselanan nito.

Parang nagdedeliryo sa kaligayahan si Rosela. Nang ang pinakatampok na nito ang halikan niya’y nasabunot nito ang buhok niya. Masakit, pero mas nanaig sa kanya ang kagustuhang mapasaya ito.

Saglit pa, umagos ang dalisay na tubig sa bukal. Naramdaman niya iyon pero hindi niya itinigil ang ginagawa. Sige siya sa paghalik sa kaangkinan nito. Kumawala rin ito sa pagsabunot sa kanya at humawak sa isang bahagi ng kubo. Para itong nanghihinang napaupo sa sahig kapagkuwan. Panay ang ungol.

Bumaba siya at nagmumog sa may lababo. Naghilamos. Natuwa siya sa natuklasan sa sarili. Kaya pala niya iyon. Kaya pala niya!

Ayon pa sa isang salbaheng lalaking kapitbahay nila, basta raw kayang paligayahin ng isang lalaki ang babae gamit ang bibig, sukatan na iyon ng husay sa kama. At sa edad niyang iyon, na nagawa na niya, nakaramdam si Jason ng pagmamalaki sa sarili.

Naramdaman niyang bumaba si Rosela. Mula sa thermos na inihanda nito para sa magiging byahe ay nagsalin ng timpladong kape sa dalawang tasa. Naupo ito sa mesa. Naupo siya sa tapat nito. Iniusod nito sa kanya ang isang tasa.

“Hindi na siguro ako babalik dito, Jason,” anito pagkahigop ng kape. “Wala na rin naman akong babalikan.”

“Sina Inay,” sagot niya. “Pwede mo naman kaming dalawin.”

“Hindi ko na rin kasi alam ang magiging buhay namin ng anak ko sa Bicol.” Pinisil siya nito sa kamay. “Huwag kang gagaya sa Kuya Bochok mo. Pag nag-asawa ka na, mamahalin mo nang todo.”

Tumango siya kahit napaka-remote pa sa isip niya ng salitang pag-aasawa.

“At salamat sa lahat nang tulong mo. Napasaya mo ako,” ngumiti ito at muli siyang pinisil sa kamay.

Sa hindi malamang dahilan, pareho silang natawa nang malakas.

Sabay nilang inubos ang kanilang mga kape at umakyat muli sila sa itaas. Doon, sa huling pagkakataon ay muli silang nagnakaw ng mga sandali.

Si Rosela naman ang timon ngayon. Pinapaliguan siya nito ng halik sa buong katawan. Ang ininom niyang kape ay tila energy drink na muling nagpasigla sa kanya at sa kanyang dyunyor. Nang malaking-malaki na iyon ay agad pinaglaruan ni Rosela—gamit ang bibig nito.

Ilang pagkakataon na nitong ginawa iyon sa kanya kaya nasasanay na rin siya. Nagulat na lang siya nang umikot ito, ang mga paa ay patungo sa mukha niya. Saglit pa, nakabukaka na ito sa tapat ng mukha niya habang abalang-abala ang bibig sa kanyang dyunyor.

Nabasa na rin niya sa bold na komiks ang ganito. Pinagbigyan niya ang nais ni Rosela. Ipinusisyon niya ang bibig at saglit pa, hinahalikan na rin niya ang kaangkinan nito.

Naramdaman niyang naging agresibo ang pagkilos ng katawan ni Rosela mula nang sanggiin ng kanyang dila ang flores de mayo nito. Pinaikot niya ang dila sa magkabilang gilid ng hiwa, sa pinakatampok. Minsan-minsan ay umaalis sa pagkain sa kanya si Rosela, sumisinghap-singhap na para bang kumukuha ng hangin. Pagkatapos ay muling isusubo ang kanyang dyunyor na parang gigil na gigil.

Maya-maya’y bumitaw ito sa ginagawa. Bumulong sa kanya. “Malapit na ako,” anito na wari’y nagdedeliryo. “Sabayan mo ako, ha?”

Bumalik ito sa ginagawa habang panay ang giling ng balakang. Mabilis. Iba-ibang indayog ang ginagawa. Halos idiin ang kaangkinan sa kanyang dila. Hinawakan niya ito sa beywang. Sa nararamdaman niyang kilos nito ay alam niyang anumang oras ay sasambulat na ito.

“Ayan na…” narinig niyang ungol nito. “Ayan na…”

Pinatigas at pinahaba niya lalo ang kanyang dila. Basambasa ang kaangkinan ni Rosela at pakiramdam niya’y lalong lumawak ang opening niyon. Saglit pa, nagpipitlag ito at napayakap sa kanyang binti. Kumiwal-kiwal na parang sawa. Naramdaman niyang muli sa kanyang mukha ang nectar nito.

Nang matapos ang ecstasy ay halos mawalan ito ng ulirat. Ang buong bigat ay nakadagan sa kanya. Matagal itong walang kilos. Maya-maya’y umiba ito ng posisyon. Tumabi sa kanya.

“Ang daya mo,” anito sa mahinang tinig. “Hindi mo ako sinabayan!”

“Malayo pa ako, eh,” sagot niya.

Hinaplos nito ang mukha niya. “Ibang klase ka. Marami kang pahihirapang babae.” Pinisil nito ang ilong niya na tila nanggigigil.

Nagkatitigan sila.

Kumilos ang isang kamay nito. Hinawakan ang kanyang dyunyor. Pinisil-pisil. “Galit pa rin,” ngumiti ito. “Baka abutan tayo ng umaga nakatayo pa rin ‘yan!” Napahagikhik ito.

May kinalaman siguro ang kinain niya kanina. Nag-ihaw kasi sila ng karne. At ang meryenda niya ay hinog na saging na saba. Sabi ng isang tiyuhin niya, mainam daw na “pampatayo” ang saging na saba lalo na kung hindi iluluto. Anim na piraso ang nakain niya kanina kaya siguro sobrang palaban din siya ngayon.

“I-dog style mo ako,” bulong sa kanya ni Rosela. Tumayo ito. Humawak sa isang silya patuwad sa kanya.

Kakaiba ang pagkakapuwesto ni Rosela. Kitang-kita niya ang puwitan nito at bahagi ng flores de mayo. Ang pagkakalingon nito sa kanya ay tila dumalagang manok na naghahamon sa isang makisig na tandang.

Bumangon siya at pumuwesto sa likod nito. Hinawakan nito ang kanyang dyunyor at iginiya ang pinakaulo sa bukana ng kuweba nito. Basambasa pa si Rosela kaya malumanay na naglagos iyon sa kaloob-looban.

Napaigtad si Rosela. Siya naman ay nagulat sa kakaibang pakiramdam. Iba pala ang feel sa dyunyor kapag ganoon ang posisyon. Parang mas masikip at mas malayo ang naaabot. Dinahan-dahan niya ang paglalabas-masok sa kabuuan ni Rosela.

At mukhang mas madaling narating ni Rosela ang rurok ng kaligayahan sa ganoong posisyon. Saglit pa’y lumingon ito sa kanya at nagbigay ng babala. “Ayan na… ayan na!”

Binilisan niya ang ginagawa. Iba rin ang sensasyon na nararamdaman niya. Pakiramdam niya’y mas masikip, mas may thrill. Isa pang sigaw ni Rosela at pinakawalan  din niya ang kwitis na kanina pa gustong kumawala. Naidiin niya nang todo ang sarili kay Rosela nang sabay na nilang pasabugin ang pinakatahimik na putok sa sandaigdigan.

Sabay rin silang napahiga sa sahig. Nakadapa ito sa sahig, nakadapa naman siya sa ibabaw nito.

Matagal sila sa ganoong puwesto. Maya-maya, itinanong niya rito ang isang tanong na noon pa niya kinatatakutang marinig ang sagot.

“Baka mabuntis kita, Ate Ela…”

Ang lakas ng naging tawa ni Rosela.

 

SUBAYBAYAN!