Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 132)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-132 labas)

NAGING matiyaga sa panunuyo kay Iza si Noel kaya naman dumating siya sa puntong sa kabila ng agam-agam niyang muling pumasok sa isang relasyon ay tinanggap niya ang pag-ibig nito.

Masayang-masaya noon si Noel. Ginagap ang mga kamay niya. “Pangako, Iza... wala akong ibang gagawin kundi ang maging maligaya ka.”

Hindi agad nito hiniling na maangkin siya. Isang linggo matapos niya itong sagutin, pagdating ng weekend ay niyaya siya nitong mag-Tagaytay.

Pumayag siya.

Sakay sila ng bus patungong Tagaytay City. Para silang mga teenager na laging magkayakap sa upuan. First time din niyang makararating sa nasabing place, nagkataon pang sobrang init ng panahon noon dahil summer at kasagsagan ng El Niño—kaya excited siyang makaramdam naman ng natural na lamig.

Kumuha sila ng room sa isang otel, at kung saan-saan sila namasyal. Isa iyon sa pinakamasayang sandali sa buhay ni Iza.

Gabi na nang bumalik sila sa kanilang kinuhang room. Dahil gusto naman niyang pasayahin ito, nag-suggest siya rito habang kumakain sila sa lobby ng hotel.

“Gusto mong mag-beer?” alok niya rito.

“Uhm,” napasandal ito sa upuan. “Hindi ako talaga umiinom, pero sige. Pampababa ng busog.”

Uminom sila. Ang plano niya talaga ay makaramdam siya ng pagkalasing dahil mas mainit nga siya kapag may alcohol sa katawan.

Tinatablan na siya nang sabihin niya kay Noel na magbayad na. Ang guwapo na nito lalo sa paningin niya.

Dahil sa tama ng beer ay mas attracted siya ngayon kay Noel. Natutuwa rin siya na hindi ito masyadong manyakis na gaya ng ibang lalaki. Humahalik lang ito sa lips niya pag nanonood sila ng sine pero hanggang doon lang. Hindi siya hinihipuan sa pagitan ng hita. Hindi rin nilalamutak ang kanyang mga suso. Nakayakap lang lagi sa kanya na para bang talagang mahal na mahal siya.

Dumating nga siya sa puntong naitanong niya sa sarili kung bakit ngayon lang ito dumating sa buhay niya. Sana una niya itong nakilala kaysa kay Virgilio. Kay Noel, balewala rito ang nakaraan niya. Ang dati niyang mister, kahit alam nitong ito ang naka-devirginize sa kanya ay ginawa pang isyu ang nakaraan nila ni Amadeo. Bakit hindi pa nakuntento na ito ang unang nakapagpasok ng kargada sa kanyang hiyas?

Napailing si iza.

Sabagay, may bahagi rin naman siya sa nangyari. Kung hindi niya nasambit ang pangalan ng senyor ay wala sanang natuklasan si Virgilio. Siguro nga’y hindi lang sila meant for each other.

Nang makabayad si Noel ng kanilang mga nakain at nainom ay niyaya na siya nito sa kuwarto. Nasa loob na sila nang may i-suggest ito.

“Doon na lang ako sa maliit na kama,” itinuro nito ang tila folding bed. “Ikaw na rito sa malaki para ma-relax ka. Sanay naman ako sa maliit na higaan.”

Niyakap niya ako. Binulungan. “Bakit... ayaw mo ba akong katabi?”

Ngumiti ito. “Puwede na ba tayong magtabi?”

Hinigpitan niya ang yakap dito. Ang malulusog niyang dibdib ay idinikit niya sa dibdib nito. “Oo naman. Pero kung ayaw mo akong katabi, okey lang,” kunwa’y pagtatampo niya.

Humigpit ang yakap nito sa kanya. “Gustung-gusto siyempre. Matagal na nga akong nagtitiis. Nahihiya lang akong mag-request.” Tumawa ito.

Naglapat ang kanilang mga labi.

“Maliligo pa ba tayo?” tanong nito sa kanya.

“Kahit hindi na,” sagot niya. “Hindi naman tayo masyadong pinawisan.”

Mainit na mainit na ang pakiramdam ni Iza. Tumatalab na sa kanya ang nainom na beer. Lalaking-lalaki rin ang amoy ni Noel. Bukod pa sa matagal na rin siyang walang sex sa katawan.

Hinubaran siya nito. Inuna ang kanyang pang-itaas, kasunod ang kanyang bra. Minasdan nito ang kanyang dibdib nang tuluyang mahubad, kapagkuwa’y masuyong hinalikan ang mga iyon. Nilaru-laro ng dila ang kanyang mga utong.

Napapikit siya. May hatid na ligaya sa kanya ang ginagawa ni Noel. Mukhang mas marunong ito kaysa kay Virgilio. Smooth ang kilos nito, hindi nagmamadali.

Ibinaba nito ang zipper ng kanyang pantalon at kasunod na inalis ang kanyang panty.

“Mahilig akong kumain, Iza...” bulong nito sa kanya. “Okey lang ba?”

Tumango siya at napapikit nang lumuhod ito sa harapan niya at maramdaman ang mainit na hininga nito malapit sa kanyang hiyas.

 

SUBAYBAYAN!