Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 134)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-134 na labas)

MATAPOS hubaran ni Iza ng T-shirt si Noel ay inihiga niya ito sa kama. Hindi nawawala sa mukha nito ang ngiti, in great anticipation sa kanyang gagawin.

Inilawit niya ang mga paa nito sa kama at sinimulan niyang hubuin ang pantalon. Iniwan muna niya ang briefs para surprise. Tumaas siya rito at hinalikan ito sa labi. Halos nalasahan pa niya sa lips nito ang katas na nagmula sa kanya.

Mataas na ang kanyang temperature. May bango kasi si Noel na kakaiba. Lalaking-lalaki. Masarap sa ilong ang singaw ng katawan nito na medyo pinawisan at humalo sa amoy ng mamahalin nitong pabango.

Iyon ang isa niyang napansin kay Noel. Kahit medyo brusko ang yari nito ay may pagka-vain. Mahilig sa mga signature na kasuotan. Ang T-shit nito, pantalon at sapatos ay libu-libo ang halaga. Maging sa iwiniwisik na pabango ay hindi ito nagtitipid.

Kabaligtaran ito ni Virgilio na masyadong practical. Okey lang ang dati niyang mister sa mga ordinaryong kasuotan—lalo na kung naka-sale. Ordinaryong cologne din lang ang gamit nito na lampas lang ng P100 kada bote. Katwiran nito, basta malinis at hindi amoy-pawis ay okey na.

Hinalikan niya sa leeg si Noel. Marahan niyang ibinaba sa may dibdib nito ang isa niyang kamay. Nang marahan niyang sagiin ang utong nito, naninigas na iyon.

Umayos ito sa pagkakahiga at ang mga paang nakalawit sa kama ay itinuwid na. Kumikilos din ang mga kamay nito. Marahang lumalamas sa kanyang mga suso, sa kanyang puwet. Sinasanggi ng isang daliri ang kanyang kuntil.

Napaungol siya. Nakaramdam din siya ng gigil at gustong kagatin ito pero nagpigil siya. Sa halip, bumaba pa siya sa paghalik dito at dinilaan ang naninigas na mga utong.

Napamura ito sa sarap.

“Ibang klase ka, Iza...” anito at hinaltak siya pataas. Muli silang nag-lips to lips. Panay ang piga nito sa kanyang puwet.

Naramdaman ni Iza na kumatas na naman siya.

Kumalas siya sa paghalik dito. Ngayon ay mas agresibo na ang kanyang kilos. Mas inilabas niya ang dila sa paghalik sa dibdib ni Noel. Natuklasan niyang nasa mga utong nito ang kahinaan nito. Tuwing lalaruin niya ang mga iyon ng dila ay napapasigaw ito sa sarap, at gaganti ng piga sa kanyang puwet.

Sa may bandang tiyan na niya ito hinahalikan. Panay ang kiwal ng katawan ni Noel. Sa wari ay malakas ang kiliti nito, at dahil dila ang ginagamit niya sa paghalik ay ang ingay-ingay nito. Mahilig pala ito sa dirty words, at lalo namang nagbibigay iyon ng libog sa kanya bilang babae. Tumataas ang kanyang kumpiyansa na napapaligaya niya ito.

Sa wakas ay sumapit siya sa may pagitan ng hita nito.

Makapal ang buhok sa makalabas ng garter ng briefs ni Noel kaya alam niyang lalo mabuhok ito sa bahagi ng pinakakargada nito. Ibinaba niya ang briefs nito, puno siya ng pagkasabik. Ngayon lang niya makikita ang alaga nito.

Nang matanggal niya ang briefs nito, lumantad ang galit na galit nitong alaga.

Gayunpaman, nagulat si Iza...

Kung Dakota Harrison (termino ng mga bakla sa malaking nota ng lalaki) sina Amadeo at Virgilio, mukhang hindi masyadong nabiyayaan ng kalikasan si Noel.

Tigas na tigas ang alaga nito at malaki naman ang pagkabilog at ang ulo ngunit may kaiklian. Sa tingin niya, ngayong naghuhumindig iyon ay nasa four inches lang. Dokito Frito (termino naman sa maliit na patotoy) ‘ika nga ng mga beki.

Pero naisip niya, okey lang. At least ay matigas na matigas.

Hinawakan niya iyon nang marahan. Napapitlag si Noel. Sunod niyang hinaplos ang itlog nito, napamura na naman ito. Napapaliyad. Inapuhap ng mga kamay ang kanyang boobs.

Nilaro niya ng kanang kamay ang patotoy nito, ang kaliwa ay marahang humahaplos sa itlog. Iniisip niyang baka may ilalaki pa iyon sa ginagawa niyang paglalaro. Ngunit iyon na talaga ang pinakasagad na size.

Kinanti niya ng hintuturo ang pinakabutas ng kargada ni Noel. Mamasa-masa na iyon. Napaliyad ito at napahalinghing sa sarap.

Unti-unti niyang inilapit ang bibig sa pinakaulo ng alaga nito.

“Iza...” bulong nito na puno ng kaligayahan. Naradamdaman marahil ang plano niyang gawin dito.

 

SUBAYBAYAN!