Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 136)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-136 na labas)

HABANG nagbabalik-tanaw si Iza sa kanyang mga nakaraan, aligaga naman si Dada sa pagbalik sa Maynila. Bagaman at alam niyang naroon na si Iza sa Rosas Compound ay hindi rin siya mapakali. Kinakabahan siya para kay Fiona. Ayaw niyang wala siya sa tabi nito ngayon.

Lalo pa at may nararamdaman siya sa anak para kay Jason...

Kilala na niya si Fiona. Palibhasa’y anak niya ito at babae rin siya. Halata niya ang atraksyon nito sa bago nilang boarder. Kumikislap ang mga mata pag napapatingin kay Jason. At lagi itong nagbabanggit ng tungkol sa binata—ang gaganda raw ng computer. Mukhang maganda ang trabaho at malaki ang suweldo.

Ganoon din kasi ang naging pattern niya nang ma-in love siya sa ama nito. Nang una niyang makita ang naging mister ay na-love at first sight agad siya rito. Ang maganda lang, hindi pilyo ang tatay ni Fiona. Masasabing ideal husband—maaga nga lang kinuha ni Lord.

Kahit hindi pa tapos ang Biyernes Santos ay babalik na siya sa Maynila. Mahirap na, hindi rin naman niya masyadong kilala si Jason. At alam niyang pilyo ito dahil noong naglasing-lasingan siya at sinumpong ng init ng katawan ay piniga nito ang mga suso niya. Palatandaan iyon na pagdating sa babae, hindi ito mapagkakatiwalaan.

Nagpaalam siya sa mga kamag-anak at noon din ay nagpasyang bumalik na ng Maynila.

**

MAGANA ang pagkain nina Rhea at Piper, halatang nagutom. Si Jason naman ay magana ring kumakain dahil pakiramdam niya ay natuyot siya. At sa nararamdaman niyang main event mamaya, kailangan niya ng lakas.

At katas...

Kaya inuunti-unti niya ngayon ang malaking bote ng Gatorade para ma-replenish ang mga pawis na nawala sa kanya kanina.

Masarap ang sandwich mula sa Subway. Malasa. At dahil kargado ng mga maaanghang na sangkap, tumataas muli ang kanyang temperatura. Ang epekto ng jalapeno sa kanyang dila ay nagbabalik sa mataas na level ng libido na taglay niya.

Naalala niyang noon ay mahilig din sa sandwich si Sandra. Madalas silang laman ng isang maliit na resto na nag-o-offer ng masasarap na sandwich. Ang kanyang nobya ay puwedeng hindi kumain ng rice maghapon provided na laging may masarap na sandwich.

Kaya nga nang mawala ito sa piling niya, masyado rin siyang nasaktan at hinanap-hanap ito.

Tandang-tanda pa niya ang mga nangyari bago ito nawala.

Sumali siya noon sa isang contest para gumawa ng computer games. Mahusay siya sa mga programs, ngunit mahina naman siya sa illustrations. Dahil magaling ang kamay ni Sandra sa pagguhit, ito ang gumawa ng mga karakter niya, ng geography ng laro, at maging ang mga mechanics sakaling pagalawin na ng programs ang dine-develop niyang laro.

Hanga siya sa bilis nitong magkonsepto. Kung hindi architecture ang kinuha nitong course at halimbawang nag-decide na fine arts ang kunin, marami itong patataubing pintor. Pero sabi naman ni Sandra ay mas madali na ang magdrowing kahit hindi ito nag-fine arts dahil sa kurso raw nito ay mayroon din namang subject na tungkol sa freehand drawing.

Sabi pa nito, kalimitan, ang isang architect pag retire na ay ang paggawa naman ng paintings ang ginagawang hobby. Saka madali na raw namang mag-research sa YouTube ng tungkol sa pagpipinta.

Malaki ang premyo para sa mananalo, at iyon ang target niya. Sa nakita niyang character studies ni Sandra na akmang-akma sa game na kanyang dine-develop, may pakiramdam siyang malaki ang kanyang tsansa na manalo.

Hanggang sa mawala na nga lang at sukat si Sandra...

Katatapos lang noon ng first semester, at bago ito tumulak patungong Cebu ay nag-check in muna silang muli sa motel at nagpalipas ng maiinit na sandali. Sobrang active noon ni Sandra sa kama, ayon dito ay katatapos lang daw nitong mag-mens kaya ganoon. Obviously, nagre-research na rin ito tungkol sa pagiging babae noong mga panahong iyon.

Na-enjoy niya ang mga sandaling iyon—at tandang-tanda pa niya kung paano siya nito pinaligaya...

 

SUBAYBAYAN!