Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 14)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-14 na labas)

NATAWA si Rosela nang itanong ni Jason na baka mabuntis niya ang babae. Hinaplos siya nito sa mukha.

“Huwag kang mag-alala, safe ako,” anito.

Hindi niya naunawaan ang ibig nitong sabihin pero nagbigay iyon ng gaan sa kanyang dibdib. Noon ay kulang pa siya sa pag-unawa sa reproduction system ng tao. Ang nasa isip niya, basta nagtalik ang isang babae at isang lalaki ay may mabubuong bata.

“Hindi kita bibigyan ng problema,” sabi pa sa kanya ni Rosela. “Saka kung mabuntis mo man ako, walang makaaalam noon kundi ako lang. Pero huwag kang mag-alala, hindi mo ako mabubuntis.”

Matapos ang usapan nilang iyon ay dalawang beses pa silang nagtalik ni Rosela. Pairamdam niya’y na-dehydrate na siya. At sa dami ng mga ipinagawa sa kanya ni Rosela, pakiwari niya, kung may master’s course sa sex, noong gabi ring iyon ay nabuo niya ang kanyang thesis.

Nakatulog pa rin naman sila. Pero nang magliliwanag na ay ginising siya nito. Umuwi na raw siya.

“Darating na ‘yung traysikel na maghahatid sa akin sa terminal,” nagsimula na itong ihanda ang mga nakabalot ng gamit. “Sige na, umuwi ka na.”

“Tutulungan kitang magbuhat,” mungkahi niya.

Tumingin ito sa kanya. “Sige na. ayokong makita ka habang papaalis ako. Lalo lang akong malulungkot.”

“Mag-iingat ka,” aniya.

Nagpakawala ito ng isang malungkot na ngiti. “Ikaw rin, Jason. Lagi kang mag-iingat.” Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa labi. Niyakap siya pagkuwa’y iginiya siya palabas ng pintuan. “Huwag kang lilingon paglabas mo, ha?” bilin nito sa kanya. “Diretso lang ang lakad. Pakisabi na lang kina Ninang na umalis na ako.”

Sinunod niya ang sinabi nito. Samantala, nahiwagaan naman siya sa halik nito at yakap. Sa unang pagkakataon, wala iyong malisya. Walang pagnanasa. Halik at yakap na punumpuno ng pagpapahalaga.

Iniisip din niya noon, libog lang kaya talaga ang nakita sa kanya ni Rosela o minahal din siya nito?

Bandang alas diyes ng umaga ay pinuntahan nila ng inang niya ang kubo nina Rosela. Wala na ito roon. Maging ang mga gamit. Ang tanging naiwan ay ang kalendaryong nakadikit sa dingding.

Nilibot nila ng kanyang ina maging ang buong bakuran. Medyo malawak iyon. Tinanong niya ito. “Ano ang gagawin ninyo sa lupang ito, Inay?”

“Wala muna. Pero ang mga kapatid mo’y mga naipundar na kaya baka ito ang mamanahin mo balang araw. Kaya pag nagkapera ka na, magpatayo ka rito ng malaking bahay.”

“Gigibain na po ba ang kubo?” tanong uli niya.

“Hindi. Masama raw na ginigiba ang bahay kahit kubo kung hindi naman papalitan. Hayaan na lang natin na ganyan hanggang sa masira.”

At ngayon, sa mga oras na ito ay nakatayo si Jason malapit sa kubo. Ang kubong naging saksi sa kanilang mga kasalanan ni Rosela. Kahit paano may naramdaman din siyang guilt. Totoo nga ang kasabihang when you’re young, you do crazy things.

May kasalanan siya kay Rosela.

Sa isang banda, may kasalanan din naman ito sa kanya. Maaga siya nitong naimulat sa sex. At dahil doon, nagkaroon siya ng problema sa pakikipagrelasyon. Nahihirapan  siyang tukuyin sa sarili kapag attracted siya sa isang babae kung purong pag-ibig ba iyon o dahil lang sa pagnanasa.

Noong fourth year high school siya ay nagkagusto siya kay Anelle. Niligawan niya ito. Ramdam din naman niyang gusto siya nito kaya minsang mapagsolo sila sa classroom ay nag-kiss siya sa pisngi nito. Nang hindi pumalag ay sa labi na niya hinalikan. Nagulat pa ito nang ipasok niya ang dila sa bibig nito at hanapin din ang dila nito sabay hawak sa noon ay umuumbok pa lang nitong dibdib. Nanginig si Anelle at itinulak siya saka nagtatakbo palabas ng classroom.

Mula noon, hindi na siya nito tiningnan.

Gayundin ang nangyari nang magkagusto naman siya kay Joanna. Nagparamdam siya rito. Naging sila. Niyaya niyang manood ng sine. Sa loob ng sinehan ay kinapa niya ang pagitan ng hita nito. Napasigaw ito at nagtatakbo rin palabas. Buti na lang at ilan lang silang nanonood noon ng sine at sinabi niya sa usher nang sitahin siya nito na nagapangan ito ng ipis kaya naging hysterical.

Marami pa siyang niligawan at naka-mutual understanding pero hindi naging malalim na relasyon dahil nga sa naging attitude niya. Ayaw niya ng holding hands, ng pagpapalitan ng sweet nothings. Baduy sa kanya ang mga natural na ginagawa ng mga magsyota na nagkukuwentuhan nang matagal, dinadalaw sa bahay, nagbibigay ng roses and chocolates. Nasanay siya kay Rosela na basta nagkadikit sila ay tiyak na may yarian.

Napailing si Jason. Ngayon na lang uli niya nabisita ang kubong ito nina Rosela. Wala na ang banyo na yari sa dahon ng niyog pero ang pinakaposte na puno ng madre cacao ay may mga dahon na ngayon. Ang kubo naman ay halatang matagal nang walang naninirahan.

Lumapit siya sa pinto. Naalala niyang siya pa ang naglagay ng alambre para isara ito noon. Makalawang na ang alambre. Utos ng kung anong damdamin, kinalas niya iyon at pumasok siya sa loob pagkabukas ng pinto.

May mga nagtakbuhang daga pagkapasok niya. Iginala niya ang mga mata sa paligid. Tila nag-flashback ang lahat ng maiinit na sandali nila ni Rosela noon.

Umakyat siya sa itaas. Ganoon din ang naging pakiramdam niya. Parang kahapon lamang ay kung anu-anong ginagawa nila ni Rosela sa iba’t ibang bahagi ng kubo.

Naroon pa rin ang kalendaryong nakadikit sa dingding. Lumapit siya at tiningnan iyon. Nasa buwan at taon pa rin ng mga pagniniig nila ni Rosela. Wala sa sariling nahawakan niya ang kalendaryo. Ilang taon na rin iyon, at sa mga petsang nakikita niya ay parang nakalista roon ang mga hapon at gabing nagnanakaw sila ng kaligayahan.

Saglit pa, lumabas na siya sa kubo at naglakad na pabalik sa kanilang bahay.

“Jason?”

Napahinto siya sa paglalakad. Lumingon sa pinanggalingan ng tinig na tumawag sa kanya. Kumunot ang noo niya.

Si Aling Mercie...

Si Aling Mercie ang beautician sa kanilang baryo. Hanggang ngayon ay iyon pa rin ang hanapbuhay nito. Kaedaran ito ni Rosela, o marahil ay mas matanda ng dalawa o tatlong taon. Malaking babae. Para itong si Aubrey Miles.

“Kumusta?” si Aling Mercie pa rin. “Ngayon na lang kita uli nakita rito.” Nasa mukha nito ang tuwa.

“Medyo busy kasi sa trabaho. Saka nag-aaral po ulit ako,” aniya.

Pinisil siya nito sa braso. “Kasipag mo naman. Napakasuwerte ng mapapangasawa mo. Balita ko’y mayaman ka na.”

“Hindi pa naman po. Matagal pa po iyon.”

“Saan ka galing?” usisa nito.

“Sinilip ko po ‘yung lupang nabili nina Itay. Baka maahas na.”

“Ah, ‘yung dating kina Rosela?” Sumilay ang pilyang ngiti sa mga labi ni Aling Mercie.

Ramdam ni Jason na namula ang mga pisngi niya. Nagpaalam na rin naman sa kanya si Aling Mercie dahil may lilinisan daw ito ng kuko. Napailing siya nang wala na ito sa kanyang paningin.

May nakaraan din kasi sila ng manikurista!

Ang akala niya noon ay lihim nila ni Rosela ay hindi pala talagang lihim. May ibang nakaaalam. Isa na roon ang manikurista.

Ilang buwan nang wala sa kanilang baryo si Rosela noon at nakabalik na sa Bicol nang minsan ay pumunta sa kanilang bahay si Aling Mercie. Nagkataon namang wala ang kanyang ina’t ama at mga kapatid dahil namiyesta at siya lang ang naiwan dahil may tinatapos siyang project sa school. Kinabukasan pa ang balik ng kanyang mga kapamilya.

Sinabi niya kay Aling Mercie na wala ang kanyang ina—na suki nito. Sabi nito, siya na lang daw ang lilinisan ng kuko tutal ay wala naman itong customer. Hindi siya dating nagpapalinis ng kuko, pero kung bakit pumayag siya noon.

Sinimulan siya nitong gupitan ng kuko at haplos pa lang nito sa paa niya ay ramdam na agad niya ang malisya. “Ang haba ng paa mo,” puna nito. “Pag mahaba raw iyan mahaba rin ang—” tumawa ito.

Hindi siya nag-react.

Nang ginugupitan na siya nito ng kuko sa paa ay napansin niyang maluwag ang bra nito at nakikita niya ang mga nipples. Malulusog pa ang dibdib nito, at palibhasa’y noon na lang uli siya nakakita ng ganoon ay apektado siya. Napapahinga siya nang malalim. Agad siyang tinigasan. Napatingala sa kanya ang manikurista. Tinitigan siya.

“Bakit?” tanong nito sa kanya.

“W-wala po…” halos nahihirinan niyang sagot.

Ngumiti ito nang mapang-akit. “Bakit nga?” ulit na tanong nito.

Pinasok na ng kapilyuhan ang kanyang ulo. “’Yung boobs n’yo nakikita ko,” sagot niya.

Nakangiti pa rin si Aling Mercie nang sumagot. “Walang mangyayari kung titingnan mo lang ‘yan.” Wari’y naghahamon ang paraan ng pagkakasabi nito.

Walang sabi-sabi, dinukot niya ang suso nito at nilapirot ang nipples.

 

SUBAYBAYAN!