Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 150)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-150 labas)

NAGLINIS ng kanyang hiyas si Iza sa banyo para lalong masiyahan sa pagkain sa kanya si Noel. Paglabas niya ay may kausap sa cellphone ang lalaki (line pa lang noon ang cellphone at libre pa ang text). Sinensyasan siya nito na maupo muna sa kama.

Ibang dialect ang ginagamit ni Noel at ng kausap nito sa phone kaya hindi niya maunawaan ang pinag-uusapan. Naririnig niyang lalaki rin ang kausap nito. Matagal ang naging pag-uusap, halos inabot ng sampung minuto.

Nang isara nito ang cellphone ay tumingin sa kanya. “Nainip ka?” tanong nito.

“Hindi naman. Sino ‘yung kausap mo?” usisa niya.

“Kasosyo ko sa negosyo.”

Hindi na siya nagtanong pa. Pinanindigan niyang hindi talaga makikialam sa mga personal nitong transaksyon.

“May problema nga, eh...” dugtong nito.

“Gano’n ba? Gusto mong bumalik na tayo sa Maynila?” mungkahi niya.

Lumiwanag ang mukha ni Noel. “Okey lang sa ‘yo? Hindi ka bitin sa ating bakasyon?”

Tumawa siya. “Sa ibang bagay ako nabitin, pero pwede naman nating gawin ‘yun pagbalik sa Maynila.”

Tumawa rin si Noel at hinalikan siya. “Ang suwerte ko naman sa ‘yo. Ang bait mo pala talaga.”

Noon din ay bumalik na sila sa Maynila.

                                                             **

NANG magdesisyon si Noel na magsama na sila ay kumuha ito ng isang apartment na tama lang para sa kanilang dalawa. Maganda iyon, maliit. Malayo sa mga kapitbahay. Tahimik. Mahilig kasi itong manood ng TV at makinig ng music pag nasa bahay. Dahil buy and sell umano ang negosyo nito, madalas din itong wala. Twice a week ay sumisipot ito sa kanilang love nest.

Pareho nilang desisyon na huwag munang mag-anak. Siya, dahil kinakabahan na baka mag-alburoto si Virgilio pag nalamang may kinakasama na siya at kasuhan nito ng pangangaliwa. Kay Noel naman, gusto raw nitong magkaanak sila pag puwede na silang magpakasal. Mag-file daw siya ng annulment case para mapawalang bisa ang kasal nila ni Virgilio, ito ang bahalang gumastos.

Dahil sa mga nakikita niyang kaseryosohan sa kanya ni Noel ay na-realize niyang gusto nitong ibigay ang lahat sa kanya para lang sumaya siya. May mga pagkakataong naluluha siya sa kabaitan nito, kaya minsan ay naiisip niyang sana’y ito na lang ang unang dumating sa buhay niya at hindi si Virgilio.

Pero ganoon talaga. Minsan ay may mga magagandang bagay na dumarating kung kailan may mga pangit nang nangyari sa buhay ng isang tao. Ang konsolasyon na lang niya, hindi tumitingin si Noel sa nakaraan. Ang mahalaga rito ay masaya silang dalawa sa kasalukuyan.

Ibinigay na rin nito sa kanya ang puwesto ng Xerox copy service kung saan una silang nagkita. Nagpagawa ito ng kasulatan na parang binili niya rito ang puwesto, pero wala naman siyang binitawang pera. Para raw may mapaglibangan siya, at ang kikitain ay isuporta niya sa mga magulang at sa anak nila ni Virgilio na nasa Zamboanga.

Nagpabukas din ito ng savings account na nasa pangalan lang niya pero ito ang naghuhulog. Para raw sa kanilang future.

Bukod naman sa pangangasiwa sa kanyang Xerox copy service ay nag-aral din siyang magmasahe pag araw ng Linggo. Isa sa plano niya balang araw pag nakaipon na sila ni Noel ay magtayo ng spa dahil nang mga panahong iyon ay unti-unti nang nahihilig ang mga Pinoy sa pagpapamasahe. Gusto rin naman niyang makatulong dito sa pagnenegosyo.

At ang mga natutunan niya sa pagma-massage ay kay Noel niya unang ginamit. Tuwang-tuwa ito nang una niyang hilutin ang katawan.

“Ang sarap!” bulalas nito habang nakadapa. “Ang lambot ng kamay mo. Tanggal lahat ang stress ko sa katawan.”

Nakatuwaan niyang laruin ang balls nito habang nakadapa.

Tumawa ito. “Kasama ba ‘yan sa training n’yo?”

Napahagalpak siya ng tawa. “Hindi, ha! Gusto lang kitang tuluyang marelaks.”

Mula sa balls nito ay gumapang ang kanyang mga kamay sa kargada nito na matigas na matigas agad. Hinila-hila niya iyon pababa na para siyang naggagatas ng utong ng inahing baka. Napaungol ito.

Itinuloy niya ang ginagawa hanggang labasan ito. Later on na niya nalaman na “lingam” pala ang tawag sa paraan na iyon ng pagmamasahe na may kasamang pagre-release ng lalaki ng katas.

Kaya tuwing Linggo at nasa mood silang mag-sex, kasama sa mga ritwal para mapaligaya niya si Noel ay ang pagli-lingam rito—na labis nitong nagustuhan.

Sa pakiwari ni Iza, pagkatapos ng palpak na marriage nila ni Virgilio ay totoong may ikalawang glorya—at natagpuan niya iyon kay Noel.

Hanggang sa maganap ang hindi niya inaasahan.

Na nagsiwalat sa kanya ng isang mapait at masakit na katotohanan...

Araw ng Biyernes iyon na umuwi sa kanilang love nest si Noel. Masayang-masaya ito dahil nakapag-close daw ng malaking deal. Nagyaya ito na lumabas sila at mag-inuman.

Sa hindi niya malamang dahilan ay kung bakit tila may kaba sa dibdib niya na hindi mawala. Parang ayaw niyang umalis noong araw na iyon.

“Kung iinom din lang tayo, eh, di dito na lang. Bibili ako ng masarap na pulutan sa labasan. Para pag nalasing tayo, honeymoon na lang uli,” mungkahi niya rito.

“Hmmm...” saglit na nag-isip si Noel. Kapagkuwa’y, “Hindi. Mas maganda sa labas. Lagi na lang tayo rito, eh. Para maiba naman. Konting inom sa paborito nating ihaw-ihaw tapos ay mag-check in tayo.”

Wala na siyang nagawa. “Ikaw talaga, napakagastos. Sige na nga...” At nagsimula na siyang gumayak.

Saglit pa at sakay na sila sa pickup ni Noel. Bagong bili nito iyon. Segunda mano pero ilang taon pa lang. Pinalitan na nito ang dating owner-type jeep na gamit nito noong bago silang nagkakilala at nagsama.

Habang binabagtas nila ang isang daan patungo sa main highway ay biglang may lumampas sa kanilang dalawang motorsiklo. Nagulat pa si Iza nang bigla siyang akbayan ni Noel at ibinaba ang ulo.

“Dapa!” sigaw nito sa kanya sabay preno.

Napasigaw si Iza nang biglang umalingawngaw ang mga putok. Ang huli niyang namalayan ay niyakap siya ni Noel nang mahigpit na mahigpit. Nagsalimbayan pa ang mga putok na tila bumingi sa kanya bago siya nawalan ng malay dahil sa sobrang takot!

Sa ospital na siya nagkamalay. Nang magmulat siya ng mga mata ay may mga nakabantay sa kanyang policewoman.

“Si Noel?” tanong niya sa mga ito.

Kinabahan siya sa malungkot na expression sa mukha ng mga ito.

 

END OF BOOK XV

(To be continued...)