Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 152)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-152 labas)

HUMINGI ng tulong si Iza sa dating kasamahan sa trabaho na si Layla. Sinabi niyang gusto rin niyang maging PSP—ang bagong version ng call girl.

Hindi makapaniwala si Iza. “Ate, baka nabibigla ka lang?” nanlalaki ang mga mata nito sa pagkagulat.

“Seryoso ako, Layla...” sumipsip siya ng malamig na kape dahil halos manuyo ang lalamunan niya sa nerbiyos. Alam niyang kapit na siya sa patalim.

“Ate, hindi biro ang sideline ko. May mga lalaking brutal. Nananakit, nangangagat, manyakis... May mabaho ang singaw ng katawan, may bad breath. ‘Yung iba halos gahasain ka dahil hindi pa nakakatikim ng babae, at walang matitikmang babae kung hindi magbabayad dahil sobrang tsaka ng mukha.”

Muli siyang sumipsip ng kape. “Handa ako, Layla. Pansamantala lang naman. Pag nakahanap ako ng matinong trabaho, titigil din agad ako.”

Napailing si Layla. “May mga lalaking maysakit din, Ate. Kung hindi ka maingat, mahahawa ka.”

Bahagya siyang nakadama ng takot. “Makakapili naman ako siguro ng customer. Paano ba ang sistema?”

Napailing na lang si Layla. “Sige, Ate... para sure ay ipakikilala kita sa isang customer ko dati. Medyo may edad na at saka mabait. Para naman hindi ka mapariwara agad.”

Pinisil niya ang kamay ni Layla. “Salamat...”

Huminga muli nang malalim si Layla. “Ang masasabi ko lang, Ate... basta kung kaya mo pang umatras ay gawin mo na. Kasi kapag nakasanayan mo na rin ang ganitong trabaho dahil easy money, baka ma-enjoy mo na rin.”

Bahala na, nasambit na lang ni Iza sa sarili.

At ibinigay sa kanya ni Layla ang mga impormasyon tungkol sa una niyang customer.

Gustong bumaligtad ng kanyang sikmura habang pinag-uusapan pa nila ang iba pang detalye sa kanyang bagong raket.

                                                                  **

NANG makauwi si Iza sa kanyang tinutuluyan ay naghihintay sa kanya ang kanyang landlady. Lampas akinse na kasi ng buwan at hindi pa siya nakakabayad. Mabait naman ang kanyang landlady ngunit mahigpit sa paniningil. Agad niya itong pinapasok sa loob.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at binayaran na agad niya ito bago pa man makapagsalita. Malapad ang ngiti nitong lumabas sa kanyang inuupahan.

Nanlalambot naman siyang napaupo sa plastic na upuan. Nabawasan na naman ang kanyang pera.

Lalo siyang naging pursigido na ituloy na ang kanyang plano.

Muli siyang umalis para bumili ng second hand na cellphone at bagong SIM card.

Wala nang atrasan ito, naisip niya.

                                                                  **

ANG second hand na cellphone at bagong SIM card ang gagamitin niya sa pakikipagtransaksyon sa kanyang magiging mga kliyente. Sabi kasi ni Layla ay dapat siyang magpanggap—magbigay ng pekeng pangalan, pekeng address at may phone number na para sa mga kliyente lang. Huwag daw ilalagay ang contact number ng mga ito sa kanyang personal phone. Chances are, ang mga kliyente naman niya ay tiyak na gagamit din ng ibang pangalan at cellphone number.

Sa Greenhills siya bumili ng lumang cellphone. Tiniyak niyang maayos pa ang battery dahil sabi ni Layla ay may mga kostumer na mahilig tumawag at mag-text. Matuto rin daw siyang manghingi ng load para naman hindi siya lugi—lalo pa’t ang iba’y nakikipag-phone sex muna bago makipagkita.

Ngayon pa lang ay nahahalayan na siya pero wala naman siyang magagawa. Iniisip pa lang niyang nakikipagkangkangan siya sa lalaking hindi niya kilala ay nasusuka na siya. Ipinangako na lang niya sa sarili na once na makaipon o makakita ng ibang trabaho, iiwan din agad niya ang pagiging PSP.

Ini-on niya ang unit matapos mailagay ang bagong SIM card, at itinala roon ang pangalan ng kanyang unang kostumer.

Si Arturo...

                                                          **

NAG-TEXT siya kay Arturo at nagpakilalang kaibigan siya ni Layla. Nag-assume naman siya na by this time ay alam na iyon ni Arturo dahil nang magkausap pa sila ng dating katrabaho ay tinawagan na nito ang lalaki para sabihing may irerekomendang kaibigan na in need. Ang totoo ay gusto niyang manliit noon sa harapan ni Layla. Pinakapal na lang niya ang mukha tutal ay alam na rin naman nito ang kanyang mga pinagdadaanan.

Ang sabi raw ni Arturo, basta mag-text na lang silang dalawa.

Lumipas ang maghapon ay walang reply mula sa lalaki. Gusto niyang manlumo. Natutukso na siyang mag-text kay Layla na baka puwedeng irekomenda pa siya sa iba pero nakaramdam na rin naman siya ng hiya rito. Pinili niyang maghintay kung kailan magre-reply si Arturo. Nakatulog niya ang ganoong paghihintay.

Kinabukasan, nagising siyang wala pa ring reply. Matamlay siyang nag-almusal at muling ni-review ang Sunday broadsheet na pinaghahanapan niya ng trabaho. Pinasadahan niyang muli ang classified ads sa pagbabakasakaling may na-miss pa siya roon na vacancy na puwede siya at di pa niya napupuntahan.

Nagulat pa siya nang biglang mag-ring ang lumang cellphone na binili niya. Hindi pa kasi siya pamilyar sa ringing tone niyon at naka-set pa pala sa mataas na volume.

Text message. Galing kay Arturo. “Sino ‘to?” tanong nito.

Magkahalong tuwa at kaba ang kanyang naramdaman. Mabilis siyang nag-reply na siya ang kaibigan ni Layla.

“Sinong Layla?” sagot nito.

Kumunot ang kanyang noo. Bakit hindi nito kilala si Layla? Saka naman nag-sink in sa kanya na baka iba ang pangalan na ginamit dito ng dati niyang kaopisina, dahil sabi nga ni Layla ay dapat gumamit ng alyas.

Nag-text siya rito na si Layla ‘yung kausap nito kahapon. Sinabi niya ang oras para ma-recall nito.

“I see...” sagot nito. “Ano’ng atin?”

Hindi niya agad malaman ang isasagot.

Ito na rin ang sumagot sa tanong nito nang mag-text muli. “Gusto mong magkita tayo?”

“Oo...” sagot niya.

“Pwede ako sa Linggo. Saan tayo?” tanong nito.

Wala agad siyang maisip na lugar.

Ito na rin ang nag-suggest. Nagsabi ito ng isang lugar sa Quezon City na pamilyar din naman sa kanya. Pumayag siya.

“See you...” paalam nito sa kanya.

“Thank you,” reply niya.

Natapos ang kanilang texting.

Nanlalambot na napasandal siya sa upuan. Para siyang nanghina. Ano kaya ang kahihinatnan ng magiging pagkikita nila sa Linggo?

At ang pinakamahalagang tanong: Magkano kaya siya nito pepresyuhan? Baka laspagin siya tapos ay kung magkano lang ang iabot sa kanya. Sabi pa naman ni Layla ay may mga lalaking matapos kumangkang ay biglang nagiging kuripot.

Tumayo siya at humarap sa salamin. Bata pa siya. Maganda. Sexy.

Sa Linggo, malalaman niya kung magkano ang kanyang market value...

At kung paano siya makikipag-sex sa isang estranghero!

 

SUBAYBAYAN!