Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 155)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-155 labas)

BINIGYAN si Iza ni Arturo ng pera na panggastos daw muna niya. Alam niyang malaking halaga iyon kahit hindi pa niya nabibilang. Nang mailagay niya iyon sa kanyang handbag ay tinanong niya ito kung hindi pa nila itutuloy ang una nilang usapan kaya sila nagkita ngayon. Kung magse-sex pa ba sila.

Ngumiti si Arturo. “Sa ganda mong iyan ay ayoko namang tanggihan ka,” pinisil siya nito sa kamay. “Pero masyado ako na-overwhelm sa mga development kasi gusto ko talaga ang business na iyon tapos eksaktong angkop ka sa puwesto.” Huminga ito nang malalim. “Siguro some other day. Plantsahin muna natin ang iba pang bagay ukol dito  sa spa.”

Lihim siyang natuwa. Pabor din naman sa kanya ang ganito na magkakaroon siya ng disenteng trabaho at hindi kailangang magbenta ng laman.

Isang bagay lang ang tiniyak niya sa sarili.

Sa laki ng utang na loob niya kay Arturo, sakaling mag-sex sila ay ibubuhos niya ang lahat para magkaroon ito ng todong orgasm.

Doon man lang ay makabawi siya sa utang na loob dito...

Inihatid siya ni Arturo sa kanyang tinutuluyan. Niyaya niya itong pumasok muna sa loob, at pinagbigyan naman siya. Ipinagtimpla niya ito ng kape, panay ang tingin nito sa kabuuan ng kanyang inuupahan.

“Masyado palang maliit itong puwesto mo,” komento nito. “Siguro next time ay humanap ka ng ibang place. Parang pag nagkaroon ng sunog dito ay hindi ka na makakalabas.”

“Plano ko nga, sir. Saka iisa ang banyo rito at may mga lalaki. ‘Yung ibang babae sa ibang kuwarto ay nagrereklamo na nabobosohan sila. Wala namang pakialam ‘yung may-ari.”

“Humanap ka na agad.” Binuksan ni Arturo ang dalang clutch bag at muling nagbilang ng pera. Lumakas ang pintig ng puso ni Iza dahil nakisabay siya sa pagbibilang. Alam niyang nasa beinte mil ang binilang nito. Iniabot nito iyon sa kanya.

Hindi agad niya matanggap sa hiya.

“Kunin mo na,” utos nito sa kanya. “Ayoko namang sa pagsisimula ng negosyo ko ay may problema agad ang aking manager.” Ngumiti ito.

Nang hindi pa rin siya kumikilos ay kinuha nito ang kamay niya at iniabot ang pera. Napilitan siyang tanggapin iyon. Gusto sana niyang tumanggi ngunit mahigpit ang ginawa nitong paglalagay niyon sa kanyang kamay.

“Maghanap ka na kaagad. Let me know kapag may nakita ka na. Sa makalawa ay dadaanan kita rito para makapag-umpisa na tayong magplano para sa spa. Huwag kang mag-alala, sa mga unang araw ay aalalayan kita. Pag okey na ang operasyon saka kita bibitawan dahil may iba pa akong mga negosyo.”

“Sige po, sir...”

Tinapos nito ang iniinom na kape at nagpaalam na rin agad. Nagbihis naman siya, at kahit gabi na ay nagpunta sa pinakamalapit na internet shop para maghanap ng malilipatang bahay.

Sa internet shop kung saan siya nag-rent ay halos mga kabataang lalaki ang kostumer. Mahaharot, naglalaro ng online games. Noon, bukod sana sa puwesto nila ni Noel ng Xerox ay isa ang internet shop sa plano niyang gawing negosyo. Pero sa pagtatanung-tanong niya ay hindi na rin umano ganoon kaganda ang kita lalo pa’t puwede na ring mag-online sa mga tablet at smartphone.

Nag-browse siya ng room for rent sa internet malapit sa area ng spa na papasukan niya. Ilan-ilan ang lumabas. Nakita niya ang gusto niya na bukod sa mura ay puro babae lang ang tinatanggap.

Sa Rosas Compound na nga iyon...

At madali naman niyang nakapalagayan ng loob ang may-ari ng bahay na si Dada. Sa ngayon, halos mag-best friend na sila kung magturingan. Pag wala siyang pasok sa spa ay nag-iinuman silang dalawa sa bahay. At halos pamangkin na rin ang turing niya sa anak nito na si Fiona.

Si Fiona na para sa kanya ay kakatwa. Athletic ito at malaking bata, pero parang baby pa rin ang mga mannerism. Marahil ay dahil nag-iisang anak at masyado ngang na-baby ng ina.

Napahinga nang malalim sa mga alalahaning iyon si Iza. Nagpapasalamat na rin siya na nakilala niya si Arturo dahil may trabaho siya ngayon. Okey naman ang ibinigay nitong suweldo sa kanya na mataas sa minimum wage. Kapag maganda rin ang kita sa spa ay may percentage siya.

Tinotoo naman niya ang pangako rito na siya ang magiging pinaka-honest na tauhan nito. Na susuklian niya ang kabaitan nito.

At talagang mabait dahil nakakailang buwan na siya sa pagtatrabaho rito ay hindi pa siya nito niyayayang mag-sex.

Ang problema, siya ang nakakaramdam ng pagkatigang. Palibhasa’y mainit ang mga naging karanasan niya sa sex, minsan ay dinadalaw siya ng biological needs. At nagiging problema niya iyon.

Alam niyang anumang oras na magsabi sa kanya si Arturo ay papayag siya. Ngunit tila nga walang plano ito. Para bang natuwa na lang ito na maganda ang turnout ng negosyo nito.

Nalaman din niyang sa ganitong negosyo ay malakas ang tukso—lalo na kapag katatapos lang niya ng menstruation kung saan sinasabing mataas ang libido ng babae.

Marami silang kostumer—babae at lalaki. Mas marami ang lalaki kung tutuusin. Ang ilan sa mga ito ay may hitsura. Palihim niyang minamasdan. Iniisip niya kung gaano kalaki ang kargada.

Hanggang minsan ay dumating ang malaking tukso sa kanya.

Nagsasara na siya ng spa dahil medyo matumal noon at masungit ang panahon kaya pinauwi na niya ang mga therapist at baka abutin pa ng baha. Ayaw kasi ni Arturo na may natutulog doon dahil baka raw pag nasimulan na ay maging palagian. Baka magkatampuhan pag hindi lahat ay napagbigyan. O, baka raw dalawin doon ng boyfriend at papasukin sa loob at doon din mag-stay. ‘Yun lang naman ang mga ayaw nito.

Magpapatay na sana siya ng ilaw nang biglang bumukas ang pinto.

May dumating na kostumer.

Bago sa kanyang paningin ang lalaking sa tingin niya ay mid-20’s. Nagpunas pa ito ng bahagi ng katawan na nabasa ng ulan. “Lakas ng ulan sa labas!” anito.

Ayaw ni Arturo na tatanggi sila sa kostumer kaya hindi na niya ito pinalabas. At dahil wala na ring therapist at paminsan-minsan naman ay nagma-massage din siya pag sobra sa dami ng kliyente, nagpasya siyang siya na lang ang gagawa rito.

“May record ka na rito, sir?” tanong niya.

“Wala pa,” ngumiti ang lalaking mas gumuwapo nang lumapit sa kanya sa reception area. “Actually nag-park ako sa ibaba at magpapalipas sana ng ulan, eh, nakita kong may spa pala rito sa itaas kaya naisip kong magpa-massage na lang muna.”

“I see,” ngumiti siya rito. “Pangalan, sir? Gagawan ko kayo ng record.”

“Joever. Joever Carillo...”

Si Joever ang isang kostumer nila na hindi makakalimutan ni Iza...

 

SUBAYBAYAN!