Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 156)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(ika-156 na labas)

MAAGA sana silang magsasara ng spa nang araw na iyon dahil masungit ang panahon. Pinauwi na ni Iza ang kanilang mga therapist nang may dumating pang isang kostumer. Si Joever Carillo raw ito. Ginawan niya ito ng record dahil noon lang nila ito naging kostumer. Napadaan lang daw naman ito roon dahil nag-park muna ng sasakyan dahil sobrang lakas ng ulan. At dahil nasa tapat na rin ng spa, habang nagpapalipas ng ulan ay nagpasya na itong magpamasahe.

Si Joever ang isang kostumer nila na hindi makakalimutan ni Iza...

Dito niya natuklasan na talagang may tukso sa spa kapag pinahintulutan ng pagkakataon. Hindi nga ba at sa sosyal na spa ni Dra. Vicki Belo natukso ang asawa ni Kris Aquino na si James Yap sa isang therapist doon?

Noong una, akala ni Iza ay imposibleng mangyari iyon. May mga pagkakataon naman na kapag kulang sila sa therapist ay siya ang nagse-service kahit pa lalaki ang kostumer. Sa kanya ay trabaho lang ang lahat. Kahit pa nakikita niya ang katawan ng lalaki, kahit hunk pa ito ay napipigil niyang maakit. Nang masanay na siyang humihilot ng katawan ng lalaki, parang balewala na lang.

Ngunit iba ang naging sitwasyon kay Joever.

Nakadagdag siguro roon ang pag-shot niya ng pakonti-konti ng mamahaling whiskey ni Arturo na nakalagay sa ref. May malaki kasi itong bote ng whiskey roon. Mas gusto nitong na-shot ng alak pag giniginaw kaysa uminom ng kape dahil sinisikmura raw ito pag napaparami ng inom kape. Samantalang pag naka-shot ito, mas nagkakaroon daw ng panlasa na kumain. At mas gusto nito iyon dahil medyo nawawalan na raw ito ng panlasa lalo na kapag nai-stress. Pero pag naka-shot ng konti, balik sa normal ang kondisyon ng isip at dila.

Nang araw na iyon ay sobrang lamig ng kanilang air-con dahil nga maulan. At dahil kokonti naman o halos walang kostumer ay nakatuwaan niyang mag-shot din ng pakonti-konti.

Napakatapang ng whiskey, parang ‘yung ininom ni Amadeo nang kainin ang kanyang hiyas. Ang plano niyang isang shot ay naging tatlo. Ramdam ni Iza na naging horny siya. Ilang beses siyang kumatas nang maalala ang mga nangyari sa kanila ni Amadeo.

At sa pagkakatingin niya kay Joever, ewan niya kung bakit sinalakay siya ng libog sa sobrang lakas ng dating nito.

Hindi ito katangkaran, mga 5’ 7” siguro. Payat. Maganda ang mukha na parang ang namayapang aktor na si Rico Yan—wala nga lang dimple. Maputi. Medyo kulot ang buhok. Sa paghaharap nilang iyon ay samyo niya ang mamahaling pabango nito—na napakasarap sa ilong.

Ewan niya kung bakit attracted siya sa mga lalaking mamahalin ang pabango. Marahil ay epekto ng naging karanasan niya kay Amadeo. Napakabango kasi ng dati niyang amo dahil imported ang cologne nito na bumabagay sa singaw ng katawan nito.

Pagkaalala kay Amadeo ay naramdaman ni Iza na muli siyang kumatas.

Nakuha niya ang mga impormasyon mula kay Joever na ine-encode niya sa kanilang database sa computer. Sabagay, hindi naman siya sure kung totoo ang mga details na ibinigay nito. Sabi kasi ng isa nilang therapist, usually ang mga lalaki ay hindi nagbibigay ng totoong impormasyon sa mga spa. Sabagay, keber ba niya? Ang mahalaga ay may kostumer at matuwa si Arturo na nahi-hit nila ang kanilang target na kita.

“Puwedeng maligo muna ako?” tanong nito sa kanya. “Ang lagkit na kasi ng pakiramdam ko.”

SOP naman nila na maligo muna ang kostumer para lalong relax ito pag minasahe. Itinuro niya kung nasaan ang shower at binigyan ito ng towel.

Ilang minuto lang na naligo si Joever, mukhang nagsabon lang at nagbanlaw agad. Gayunpaman ay mabango pa rin ito kahit ang samyo na lang ng sabon ang naaamoy niya rito. Marahil ay walang bisyo kaya walang foul odor ang katawan dahil walang nakadepositong toxins.

Itinuro niya rito ang cubicle kung saan niya ito ima-massage. Binigyan din niya ito ng malinis na shorts na gagamitin.

“In five minutes, sir, susunod na ako,” aniya rito. “Dapa na lang po sa kama.”

Iniwan niya muna ito.

Nagsepilyo siya nang mabilis para hindi nito maamoy na tumagay siya. Nag-alcohol din siya ng kamay para tiyaking malinis siya bago ito hawakan. Saglit pa, dumiretso na siya sa cubicle kung saan naroon ito.

Nakadapa na ito sa kama. Nakatakip ang malapad na tuwalya sa likod. Napangiti siya. Mukhang sanay namang magpamasahe.

“Start na tayo, sir...” aniya rito.

“Okey...” sagot nito.

Tinakluban pa niya ito ng isang tuwalya para ma-cover ang buong katawan. Diniinan muna niya ang bahagi ng likod nito, balakang, puwet at mga hita para ihanda ang mga masel nito nito.

“Hard po ba, sir?” tanong niya.

“Sige...”

Muli niyang pinisa-pisa ang likod nito. Kapag hard ang magiging masahe ay kailangang matagal din ang pagpisa-pisa para hindi ito mabugbog lalo na kapag nag-stretching siya ng mga muscles at joints nito. Pinaputok na rin agad niya ang mga daliri nito sa paa.

Kahit madilim nang konti ay naaninag niyang sobrang kinis ng mga paa nito, daig pa ang sa babae. Walang kalyo, mamula-mula ang talampakan na parang sa baby.

Napangiti pa siya nang marinig na naghihilik ito. Ang bilis palang makatulog nito, naisip niya.

Tinanggal niya ang nakatakip na mga tuwalya rito. At nagulat siya sa nakita.

Hindi pala ito nagsuot ng shorts...

Bawal sa kanila na ang kostumer ay hindi nagso-shorts habang minamasahe. Pero naisip niyang wala na namang tao, okey na rin siguro. Napangiti rin siya nang ma-realize na mukhang pilyo ang bagong kostumer. Pero kung ganitong antukin naman pala, no problem.

Pinasadahan niya ng tingin ang likod nito. Maganda ang kamada ng mga masel. Nang tingnan niya ang puwet, matambok iyon. Maganda rin kasi sa lalaki ang may puwet. Kapag wala, ang tingin niya ay dugyot na adik.

Naglagay siya ng oil sa kamay at pinasadahan ang likod nito ng masahe. Tuloy ito sa paghihilik. Umakyat siya sa kama at kumaang sa katawan nito para mas madali ang pagmamasahe.

Saglit pa, ang matatambok na nitong puwet ang pinaiikutan niya ng kamay. Piniga-piga niya iyon. Hindi niya alam kung bakit pero nae-enjoy niya ang paglamutak sa puwet nito na malaman.

Nagulat pa siya nang bahagya itong bumukaka. Napatingin siya sa pagitan ng hita nito.

Napalunok siya nang makita ang balls nito at ang bahagi ng nota na napabuyangyang sa pagkakabukaka nito.

 

SUBAYBAYAN!