Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 16)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-16 na labas)

BAHAGYANG nabawasan ang kaba ni Jason nang sabihin ng manikurista na hindi na ito mabubuntis. Gayunpaman ay mukhang madaldal si Aling Mercie, paano pag may nakaalam na may nangyari sa kanila? Saka ang alam niya ay salbahe ang asawa nito na si Mang Pelagio.

“Baka po malaman ni Mang Pelagio,” nasabi niya rito.

“Naku, wala nang pakialam sa akin ang sugarol na iyon!” Nasa tinig ni Aling Mercie ang inis. “Puro sugal ang nasa isip niyon. Pati nga mga kalabaw namin naibenta na niya dahil sa sugal. Kaya hanggang ngayon kandakuba ako sa pagtatrabaho dahil sa kanya.”

Hindi siya kumibo.

Hinawakan siya ni Aling Mercie sa braso. “Sana maulit muli ito, Jason. Mula nang ikuwento sa akin ni Rosela kung gaano kahaba ‘yang sa ‘yo naging ilusyon na kita. At totoo nga.”

Nagpakawala siya ng inosenteng tanong. “Hindi po ba mahaba ang kay Mang Pelagio?”

Ang lakas ng hagalpak ni Aling Mercie. Pinisil siya nito sa tainga. “Ang galing-galing mo na sa sex pero isip-totoy ka pa. Basta pag may pagkakataon, ulitin natin, ha?”

Tumango siya.

Ngunit hindi na iyon nasundan. Hindi sila makakuha ng tiyempo. Isa pa ay naging busy na siya sa pag-aasikaso sa mga projects sa school at pagkuha ng entrance exams sa iba’t ibang colleges and universities. At si Aling Mercie naman ay lagi ring may raket.

Naalala ni Jason ang muscle control ni Aling Mercie at bigla siyang tinalaban. Nang makita niya ito kanina ay mukhang pwede pa ito. Kumpleto pa rin ang mga piyesa at mukhang mabango pa rin.

Hmmm, matapos ang ilang taon, kung ngayon may pagkakataon para tikman muli nila ang isa’t isa, why not, naisip niya.

                                                           **

HINDI lang si Jason ang nag-iisip ng kanilang nakaraan ni Aling Mercie. Maging ang manikurista ay laman ng isip ang naging parang one-night-stand nila.

May sarili ng parlor ngayon si Aling Mercie. Naitaguyod niya sa kabila ng hirap ng buhay. Nagkataong ang dating may-ari ng puwesto, si Fidela, ay uuwi na raw sa Nueva Ecija at inialok iyon sa kanya. May natitira pa silang ilang kalabaw, ibinenta niya ang isa para makuha ang puwesto. Kaysa naman maubos lang uli sa sugal ng asawa niya. Marami na siyang suki, at kung magkakapuwesto siya ay hindi na siya magpapagala-gala pa para mag-home service. Tamang-tama rin naman na nakapag-aral siya sa TESDA ng haircutting kaya hindi na rin siya kukuha ng stylist. Nang pumayag ang mister niya, agad niyang kinuha ang puwesto kay Fidela. Doon na siya pinupuntahan ng kanyang mga suki.

Dalawa ang anak nila ni Pelagio, parehong lalaki na maagang nagsipag-asawa. May mga sarili na rin ang mga ito na bahay. Kakalug-kalo sila ng mister sa bahay, at wala naman itong ginawa kundi maghimas ng sasabungin. Ayaw nang magsaka kaya ang mga kalabaw na alaga ay patabain na lang. At pag may derby, siguradong pag natalo ito ay mapapasangla ang dokumento ng isa sa mga alaga.

Kaya gusto niyang may sariling hanapbuhay. Mahirap iasa sa mister niya ang kanilang future.

Samantalang noon, akala niya ay langit ang kahihinatnan ng pagpapakasal niya rito.

Naalala ni Aling Mercie, disisiyete anyos siya nang ipagkasundo ng mga magulang kay Mang Pelagio. Beinte nuwebe anyos naman ang kanyang naging mister nang magpakasal sila.

Guwapo si Mang Pelagio lalo na noong kabataan. Pilyo ang dating. Kung sa panahon ngayon, parang morenong Jake Cuenca. Babaero ito. Sugarol pero hindi umiinom. Medyo basagulero. Nang magpakasal sila ay nangakong magbabago na ito.

Totoo naman. Nagbago nga ito. Nawala ang pagiging babaero at basagulero pero hindi ang sugal. Elementary pa lang daw ito ay sugarol na. Sugapa sa sugal. Kahit barya-baryang kara y krus ay pinapatos. Ilang beses na rin niya itong tinubos sa presinto dahil nasasakote ng mga pulis sa sugalan.

Madalas nilang pagtalunan iyon. Hanggang sa nagsawa na siya. Nakatahi sa balat ng mister niya ang pagiging sugarol at hindi naman siya ang tipo ng babae na nagger talaga. Actually ay passive siya.

In fairness, nasuportahan naman nito ang pag-aaral ng mga anak nila. Noong malalaki na ang mga anak ay nagsimula na rin siyang kumayod. Hindi naman siya pinigilan nito. At ni minsan naman ay hindi ito humingi ng pansugal sa kanya. Kanya lang ang pera niya. Iyon naman ang maipupuri niya rito.

Ang isang epekto ng sugal kay Mang Pelagio ay nawalan ito ng gana sa sex. Kung minsan ay naiisip niyang baka dahil sa edad. Matanda ito sa kanya ng halos 13 taon. Kainitan pa niya noong malapit na siyang magkuwarenta, pero hindi na siya halos nito binubungkal. Kung buklatin man nito ang maumbok niyang binalot, madalang pa sa pangingitlog ng tandang na manok.

Minsan, sa sobrang init na nararamdaman niya, kahit nahihiya siya ay bumili siya sa Muslim ng X-rated na pelikula. Kinagabihan, sa kanilang kuwarto ay isinalang niya iyon at pinanood nilang mag-asawa sa pag-aakalang tatalaban ito sa panonood at bigla nitong utusan siyang ibuka ang mga hita as wide as she can. Pero walang nangyari. Sa gitna ng maiinit na kaganapan sa screen ay nagbabasa pala ito ng programa sa karera. Na labis niyang ikinadismaya.

Nami-miss tuloy niya ang maiinit na sandali nila noong bagong kasal sila. Naalala pa niya noong honeymoon nila ay takot na takot siya. Ang kuwento kasi ng mga pinsan niyang babae na naunang nag-asawa sa kanya ay napupunit daw sa unang gabi ang kanyang flower. Tiyak daw na sa tangkad ni Pelagio, baka isang ruler ang haba ng kargada nito. Gusto niyang himatayin sa takot!

Pero mahusay si Pelagio palibhasa’y marami ng karanasan. Alam nito noon kung paano siya pag-iinitin. Kung paano padudulasin sa pamamagitan ng dila.

Unang gabi nila’y hindi maglagos ang alaga nito sa kanyang hiyas sa sobrang tigas. Ang ginawa nito ay kumuha ng petroleum jelly at ipinahid doon saka muli siyang sinubukang bungkalin. Nagtagumpay naman. Naglagos ang kamagong sa kuweba, at bagaman at naramdaman niyang napunit nga ay hindi naman ganoon kasakit dahil may lubricant.

Ang pangyayaring iyon ay may epekto naman sa kanyang sexual behaviour. Tuwing magtatalik, kahit mabilis naman siyang mag-wet ay mas gusto niyang may petroleum jelly o kaya’y lotion. Hindi siya natatakot na masaktan dahil madulas na madulas. At sa laki ng alaga ni Pelagio, hindi siya nagpapawala sa bahay ng pampadulas.

But those were the days. Ngayon, ang kamagong ni Pelagio ay dinatnan na ng taglagas at tagtuyot. Sari-sari na ang ginagawa niya rito pero wa epek. Hanggang sa matuklasan niya ang tungkol sa muscle control.

Sa kaibigan niyang si Lora niya nalaman ang tungkol doon. Kasamahan niya ito na nag-aral din ng pagma-manicure sa TESDA. Naging close sila sa training. Sobra itong bulgar kung magkuwento. Laging sex ang kanilang topic.

Minsan ay nagkasarilinan sila nitong kumain. Nagtanong ito kung may kabit ang mister niya. Sabi niya’y wala, sigurado siya. At totoo naman iyon.

“Pero huwag kang kasisiguro,” sabi sa kanya ni Lora. “Sabi mo’y guwapo ang mister mo, tiyak na may aakit pa rin sa kanya balang araw. Kaya tuturuan kita kung paano mo matatalian sa leeg ang mister mo nang di mo kailangang maging bungangera.”

“Paano?”

“’Yung bunganga mo sa baba ang gagamitin mo!” at humalakhak ito.

 

SUBAYBAYAN!