Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 167)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-167 labas)

MADALAS naman iyong gawin ni Arturo, ang magkasabay silang magkape at pinagsasaluhan ang dala rin nitong vegetarian pizza. Isa iyon sa mga katangian ng kanyang amo—galante pagdating sa pagkain.

Walang alam si Iza tungkol sa buhay ni Arturo. Ang alam lang niya ay nasa abroad ang asawa nito, na sa pagkakatanda niya ay hiwalay na rin dito. Ang mga anak naman ay may kanya-kanya na ring buhay. Trading ang talagang negosyo nito, at nabanggit din sa kanya na may palaisdaan at babuyan sa Bulacan.

At mula nga nang maging tauhan siya nito sa spa, hindi na rin ito nag-ungkat kung magse-sex pa ba sila. Marahil ay nakalimutan na. Sabagay, naisip niya, sa hitsura nito na guwapo pa rin kahit may edad na at may pera, imposibleng wala itong batambatang syota. ‘Yung iba nga na pangit na at walang pera ay nagkakaroon ng kabit, ito pa ba naman ang hindi?

Isang bagay lang ang tinitiyak niya, dahil sa sobrang bait nito sa kanya, anytime na hilingin nito na mag-sex sila, hindi na siya mag-iinarte. Tutal, iyon naman ang unang dahilan kung bakit sila nagkakilala.

                                                                 **

NAPANSIN ni Arturo na mukhang nagutom si Iza. Nakatatlong slice ito ng pizza samantalang dati-rati ay hindi ito makadalawa. Busy ito sa pagkain kaya nagkaroon siya ng time na pagmasdan ito.

Malakas ang dating ni Iza para sa kanya. Matangkad, mahahaba ang legs, masaya ang mukha. Morena version ni Phoemela Barranda. Mahilig siya sa mga babaing long-legged. Noong teenager siya, lahat nang niligawan niya ay ‘yung mahahaba ang legs.

Muli niyang minasdan si Iza. Napadako ang tingin niya sa malulusog nitong dibdib. Bahagya siyang napalunok.

Kung noong araw siguro ang sitwasyong ito, baka right there and then ay kangkangin niya ito. Pero hindi na siya ang dating Arturo na matulis.

Nagbago na siya.

O mas tamang sabihin na binago siya ng panahon...

Marami rin siyang sexcapades noong kabataan niya. Pero alaala na lang ang mga iyon ngayon.

Napapikit siya. Kung maibabalik lang niya ang kamay ng orasan, marahil ay maitatama niya ang lahat. ‘Yun nga lang, ayon nga sa kasabihan, laging nasa huli ang pagsisisi.

Hindi rin marahil nasira ang marriage nilang mag-asawa—dahil sa tukso. Sa kahinaan niya. Sabihin nang dahil sa kanyang pagiging manyakis.

Tandang-tanda pa niya ang mga naganap...

At nagbalik-tanaw sa nakaraan si Arturo.

                                                             **

TWO years na silang kasal ng kanyang misis na si Maxene nang una niyang makita sa personal ang nag-iisang kapatid nitong dalaga na si Milet. Nasa London kasi ang kanyang hipag, isang nurse sa UK at bagong umpisa pa lang sa kontrata kaya hindi na nakauwi nang magpakasal sila ng kanyang napangasawa.

Hataw nga pala ang ganda ng katawan nito, ang agad ay pumasok sa isip niya nang madatnan niya ang magkapatid sa sala ng bahay nila at masayang naghuhuntahan. Kagagaling lang niya sa opisina, namamasukan pa siya noon, at kahit inaasahan na niya
darating nga ang hipag nang araw na iyon, hindi naman niya inasahan na ganito pala ito kaseksi. Para itong artista.

Palibhasa kasi ay dalaga at nasa abroad, kaya sunod ang luho sa katawan.
Maganda at seksi rin naman ang kanyang misis at mahahaba ang legs, siyempre. At kaya nga napakasalan niya nang hindi oras ay dahil nanghinayang siya rito kung sa iba pa mapupunta. Noong makilala niya ito, alam niyang dito na siya magseseryoso.

Bigay-todo rin ang kanyang naging misis sa kama kaya ang dami nilang maiinit na sandali kahit noong magsyota pa lang sila. Iyon din ang dahilan kaya nga siguro hindi na rin siya nagkainteres sa ibang babae, dahil nakuntento na siya sa kanyang misis. Katwiran niya noon ay bakit maghahanap pa siya ng kakangkangin ay nandito na, puwede na niyang  panggigilan araw-gabi at ano mang oras.

At ang kanyang misis naman ay mapagbigay. Basta gusto niyang sumibak, buka lang ito nang buka.

Pero siyempre, makalipas ang dalawang taon at nagkaroon na sila ng isang anak, nag-iba na ang
katawan ng kanyang misis. Ang dating tayung-tayo na suso, medyo lumaglag na. Ang dating pink na nipples, medyo malapad na at nangingitim pa. Ang dating malantik at makinis na balakang, medyo napalitan na ng mga bilbil at kamot.

Nalosyang ang kanyang misis pero hindi pa rin naman
nababago ang galing sa kama, nasa-satisfy pa rin
siya sa kanilang pagse-sex, hindi na nga lang ganoon kagigil na gaya ng dati. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin naman siya naghahanap ng ligaya sa kandungan ng
iba.

Maliban ngayon...
Ibang init ng katawan ang naramdaman niya nang iabot ng kanyang hipag ang kamay nito para bumati sa kanya sabay ngiti, labas ang pantay-pantay na mapuputing ngipin sa manipis nitong labi.

"Hi, Kuya... nagkita rin tayo sa wakas!" sabi nito.

"Oo nga, buti naman nakadalaw ka rin sa amin," sagot niya.

Ang lambot ng palad nito, makinis ang balat at napansin niyang medyo balbon sa braso. Sa sandaling pagkakalapit nilang iyon ay naamoy niya ang halimuyak ng pabango nito na nakaka-seduce! Babaing-babae ang amoy ng kanyang hipag. Naka-light blue blouse ito noon, manipis ang tela kaya medyo nakabakat pa ang bra nito na aninag niyang kulay black.

Nang tumalikod ito at yumuko para abutin sa sofa ang nakapatong na paper bag, nasiguro rin niya sa suot nitong slacks na naka-thongs ito!

Napamura siya noon sa sarili. Namamanyak siya sa kanyang hipag kahit kaharap pa ang kanyang misis!

Inabot nito sa kanya ang paper bag. "Kuya, pagpasensyahan mo na, hindi ko alam kung
magugustuhan mo, saka di ko alam ang size mo," anito.
Nagpa-thank you siya nang nakangiti, diretso ang mga mata sabay nagpa-excuse na papasok muna siya sa kuwarto at magbibihis.

"Bilisan mo, Dad, at nang makakain na tayo nang
sabay-sabay, ha?" pahabol sa kanya ng misis niya.

Saka naman niya na-realize na hindi pa pala niya naki-kiss ang asawa niya kaya bumalik pa siya sa salas at medyo guilty pang nag-kiss at yumakap dito.

Gusto niyang batukan ang sarili. Nakakita lang siya ng seksi, nakalimutan na agad niya ang asawa niya. Narinig pa niya habang siya papasok sa kuwarto nilang mag-asawa ang sinabi nito sa kapatid na, "Uy, punta ka na rin sa kuwarto mo at magpalit ka na ng damit, ha?"

 

SUBAYBAYAN!