Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 175)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-175 labas)

NANG makaalis ang kanyang hipag ay mas lalong naging mainit sa sex si Arturo. Dahil doon ay nabuntis niyang muli ang kanyang misis. Nang malapit na itong manganak at hindi na niya puwedeng sipingan ay nakalandian niya ang bagong kaopisina at batambatang si Noemi. Pakiramdam niya ay may pagkaadbenturera ang dalaga. Sa pagkukuwentuhan nilang minsan ay naging green ang paksa, at tinalaban siya.

Napagkasunduan nilang uminom ng beer minsan kapag may pagkakataon. Right there and then, alam ni Arturo na matitikman niya si Noemi.

Nanganak ang kanyang misis, this time ay babae naman. Pakiramdam ni Arturo ay kumpleto na ang kanyang buhay. Lalaki ang kanyang panganay, kaya kahit mag-family planning na silang mag-asawa ay puwede na. Meron na silang prinsipe at prinsesa. Okey naman sa kanyang misis na magkontrol na nga sila para makapagsimula na ito sa pagnenegosyo.

Nasa kuwarto silang mag-asawa noon at kauuwi lang nila sa kanilang bahay ng kanilang second baby. Napag-uusapan na nila kung paano paplanuhin ang pamilya.

“Okey naman sa akin ang magpa-ligate,” suhestyon ng misis niya. “Para siguradong hindi na ako mabubuntis. Ayoko namang mag-pills dahil baka tumaba ako. Isa raw iyon sa mga side effects, e, tabain pa naman ang lahi namin.”

“Sure ka?” tanong niya rito. “Ayaw mong mag-condom na lang ako?”

Humagikhik ang kanyang misis. “Ayoko nga, ‘no? Gusto ko feel na feel ko ‘yang sa ‘yo. Pag nag-condom ka para naman akong kumakain ng kending may balat no’n!”

Nagkatawanan sila. Isa rin iyon sa nagpapasaya sa pagsasama nilang mag-asawa. Wala silang ilangan pagdating sa usapin ng sex.

Naka-paternity leave siya ng ilang araw. Pagpasok niya ay kanya-kanyang bati sa kanya ang mga kaopisina.

Lunchtime nang lapitan siya ni Noemi para batiin. Hindi pa rin natutuloy ang plano nilang beer session dahil naging busy siya sa panganganak ng kanyang asawa.

“Congrats, ha?” tinapik siya nito sa balikat.

“Salamat,” nakangiti niyang sagot dito.

Kung anu-ano ang napaghuntahan nila habang kumakain. Ikinuwento niya rito ang mga naging adjustment ng misis niya mula nang magpakasal sila, lalo na nang magbuntis. At ngayong dalawa na ang kanilang anak, kailangan na lalo silang magtuwang na mag-asawa sa pagkayod dahil malaki na ang kanilang pamilya.

Iba ang naging komento ni Noemi. “So, matagal kang magiging tigang niyan?” Muli ay nanunukso ang pagkakangiti nito, halos magsarado ang mga matang singkit.

Pinamulahan siya ng mukha. Gayunpaman ay nakabawi siya ng composure. “May mga paraan naman...”

“Like what?” usisa nito.

Huminga siya nang malalim. Naisip ni Arturo, kung ganito ang gustong kuwentuhan ni Noemi ay sasakyan niya. Wala namang mawawala sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. “Well, since it’s a biological need, alam mo na...”

“Paano nga?”

Tumawa siya. “Alam mo na ‘yun...”

“Hindi ko alam.”

She’s just playing naive, naisip ni Arturo. Siguro lang ay nag-e-enjoy talaga ito sa mga green na usapan. Pagbibigyan na lang niya ito. “Nagma-masturbate ako, if that’s what you want to hear.”

Inobserbahan niya ito. Napansin niyang napalunok ito. Nagdahan-dahan sa pagkain. Maya-maya ay sumulyap sa kanya. “May pinapantasya ka ba pag nagma-masturbate ka? May ini-imagine ka?”

Tumango si Arturo.

Hindi inaalis ni Noemi ang tingin sa kanya. “Sino?”

“Ikaw...” walang gatol niyang sagot.

“Shit...” pabulong na sambit ni Noemi.

Hindi siya kumibo.

“Sino pa?” tanong pa nito.

Nawala na ang pagkailang ni Arturo sa kaopisina. Hindi na siya nakatingin dito nang muli siyang magsalita. “Ikaw lagi ang ini-imagine ko, Noemi. Lalo na pag naliligo ako. Iniisip kong sabay tayong nagsa-shower...”
Mas mahaba ang naging “shit” ni Noemi. Nasa expression ng mukha nito na halatang tinatalaban sa kanilang pag-uusap.

Natapos silang kumain. Naunang tumayo si Noemi at pinisil siya sa braso. Mainit na mainit ang palad nito.

Naramdaman ni Arturo na may rumagasang katas sa kanyang dyunyor.

Nang maglakad ito palayo sa kanya ay napatingin siya sa puwet nito. Ngayon lang niya nabistahan na ganoon pala iyon kabilog dahil sa dibdib nito siya laging naka-focus.

At na-imagine niya na kung sabay silang magsa-shower nito, kapos ang kanyang mga palad sa mga assets nito kapag kanyang sinabon.

Napainom siya ng malamig na softdrinks.

**

WALA pang cellphone noon. Kung may tatawagan ka, maghahanap ka ng payphone at kailangan ay marami kang dalang barya at ihuhulog sa coin slot para tuluy-tuloy ang usapan. Wala pa rin silang telephone line sa bahay. May malapit namang phone booth sa kanila na nasa tabi ng isang grocery store.

Sa pagtatanung-tanong niya ay nalaman niyang galing sa buena familia si Noemi. May negosyo ng posporo ang mga ito, bagaman at hindi ang leading brand. Kaya rin daw nagtatrabaho ito sa ibang kumpanya ay para mahasa sa pakikisalamuha sa mga kapwa empleyado bago lumipat sa kanilang negosyo at doon na mag-work.

Ibinigay nito sa kanya ang phone number nito sa bahay, tawagan daw niya pag nabo-bore siya. Nagpaalam siya sa kanyang misis na may tatawagan lang na kaopisina dahil may nakalimutan siyang ipagbilin. Gabi na noon at nagpapadede ito ng kanilang bunso.

Tiyempong walang tao sa phone booth dahil alanganing oras na. Napahinga siya nang malalim nang i-dial ang number nina Noemi.

Ang dalaga mismo ang nakasagot sa kanya.

“O, Art, napatawag ka?” halatang na-excite ito nang makilala ang kanyang boses.

“May binili kasi ako rito sa grocery, tiningnan ko kung tama ang pagkakasulat ko ng number n’yo sa bahay. Buti ikaw ang nakasagot.”

Tumawa ang dalaga sa kabilang linya. “Line ko ito sa kuwarto. My private phone.”

“Big time naman, may sariling phone...” biro niya.

“Oo. Nagagalit kasi si Dad kasi pag tumatawag ‘yung mga dati kong kaklase sa phone namin sa salas ay hindi siya makasingit. Kaya ayun, ipinagpakabit niya ako ng solo ko.”

Hindi siya nagsalita.

Matagal...

“O, ano na?” nagtatakang tanong nito.

Huminga siya nang malalim. Halos mabulunan nang magsalita. “Curious lang ako, ano ang suot mo ngayon?”

Humagikhik sa kabilang linya si Noemi. “Bakit?”

“Gusto ko lang malaman...”

Mahinang-mahina ang boses nito nang magsalita. “Panty at bra lang. Ganito kasi ako kung matulog. Gusto ko ay presko.”

Napalunok si Arturo. Naisip na halos lumuwa siguro ang dibdib nito sa suot na bra.

“Ano’ng kulay ng panty mo?” tanong pa niya.

Narinig niyang napabuntunghininga si Noemi.

 

SUBAYBAYAN!