Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 180)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-180 labas)

SA pagkakahiga, habang binabalikan sa isip ang mga naganap sa kanila ni Noemi kanina sa kotse ay saka nakaramdam ng panghihinayang si Arturo. Bakit nga ba niya hindi ito inangkin? Puwede naman. Kakalungin lang niya ito sa kanyang kinauupuan, aalisin ang panty at itataas ang beach dress nito. Itututok niya ang kanyang kargada sa sariwang hiyas nito na alam niyang basambasa na, at presto, maglalagos na iyon. Itataas-baba niya ang katawan nito hanggang sa kapwa sila makarating sa sukdulan.

Pero ngayon ay wala na siyang magawa maliban sa manghinayang. Nanaig din kasi sa kanya ang pagkailang na baka may makahuli sa kanila.

Anyway, naisip niyang marami pa namang pagkakataon. Gusto rin niyang ma-enjoy nang todo si Noemi—at hindi niya magagawa iyon sa loob ng kotse na bagaman at thrilling ay hindi fully satisfying.

Nakatulog siyang ang dalaga at ang kabanguhan nito ang nasa isip.

Kinabukasan ay hindi na sa field work si Noemi naka-assign, tapos na raw kaya balik-opisina na ito. Bahagya siyang nagtaka sa ikinikilos nito, hindi tumitingin sa kanya. Lumipas ang maghapon hanggang sa uwian na hindi ito lumapit sa kanya.

Nang sumunod na araw ay ganoon uli ang drama nito. Sumapit ang uwian na hindi ito sumulyap sa kanya. Ipinagkibit-balikat na lang niya ang ginagawi nito. Naisip niya, after all ay nagkatikiman na sila, or rather, natikman na siya nito. Imposible namang hindi ito nag-enjoy sa kanya dahil tandang-tanda pa niya ang panginginig ng katawan nito nang magpakawala siya ng hot jets sa bibig nito.

Ganito naman talaga ang mga babae, nai-rationalize na lang niya. Minsan ay sweet, minsan ay masungit.

Ibinuhos na lang niya ang isip sa trabaho. Malibog siya pero pagdating naman sa kanyang duties and responsibilities bilang matapat at masipag na empleyado ay hindi siya nagpapabaya.

Ilang linggo ang lumipas na pakiramdam ba niya ay talagang iniwasan na siya ni Noemi. Okey lang naman sa kanya dahil nakapag-concentrate siya nang todo sa trabaho. Lumabas na rin ang kanyang promotion paper, at pansamantala ay na-enjoy niya ang bagong posisyon.

Tuwang-tuwa ang kanyang misis sa nangyari. Marami silang naging plano, kasama na roon ang pagkuha ng sasakyan. Pareho kasi silang marunong magmaneho kaya ang taas-taas ng kanilang excitement.

Bilang bonus din ay pinaligaya siya ng kanyang misis nang gabing iyon. Gagawin daw siya nitong hari. Pagkaligo niya ay pinaghahalikan siya sa buong katawan. Masakit pa ang hiyas nito sa panganganak kaya hindi pa niya mapasok, pero ang kakulangan ng bibig nito sa baba ay pinunan ng nasa itaas. Alam kasi nito kung paano siya pasasayahin. At gaya nang dati, bago tuluyang sumambulat ang kanyang hot jets ay kinamay siya nito.

Magkayakap silang natulog na kapwa masaya.

Isang buwan na siyang napo-promote saka lang lumapit sa kanya si Noemi. May iniabot ito sa kanya na maliit na piraso ng papel, at agad ding umalis.

Binuklat niya iyon. May typewritten note (wala pa kasi noong masyadong computer at makinilya pa ang gamit sa mga opisina). Binasa niya ang nakasulat: “Meet you at the parking lot tomorrow night. Tell your wife you’ll stay in the office till the morning.”

Napangiti siya. No worries. Dumalaw noon sa kanilang probinsya ang kanyang misis kasama ang yaya at ang mga bata dahil gustong makita ng kanyang mga in-laws.

Itinupi niya ang note at pinilas nang ilang beses bago itinapon sa basurahan. Pagtunghay niya ay nakatingin sa kanya si Noemi mula sa mesa nito.

Nag-thumbs up siya rito. Nagmuwestra ito ng kagayang sensyas, at nagkangitian sila.

Napakagandang timing, naisip niya.

Nagpa-late siya ng bahagya kinabukasan at madilim na nang lumabas siya ng opisina para hindi maging obvious sa kanilang mga kaopisina na magkasabay silang umalis ni Noemi. Hindi rin hataw ang kanilang mga trabaho noon kaya walang masyadong nag-o-overtime. Medyo umulan pa bandang alas dos ng hapon kaya lalong napuwersa ang kanilang mga kasamahan na umuwi agad.

Ang kotse na lang ni Noemi ang natitira sa parking lot nang bumaba siya. Kinatok niya ang bintana at bumaba iyon. Nakangiti agad ito sa kanya, nagpalipas ng oras sa pakikinig ng Walkman.

“Tara,” sabi nito sa kanya at binuksan ang kabilang pinto.

Sumakay siya at lumabas na sila ng parking lot. tinugpa nila ang Quezon City. Saglit pa ay pumasok sila sa isang subdivision na may maliliit na bahay. Hindi pa masyadong uso noon ang mga condominium. Humimpil sila sa isang maliit na bahay na nakatirik sa marahil ay 60 square meters na lote. Ang bahay, sa tingin ni Arturo ay mga 30 square meters lang.

Bumaba sila at pumasok sa loob. Sinindihan ni Noemi ang ilaw at tumambad ang salas na simple ang ayos. May sofa set, maliit na telebisyon at component. Karugtong niyon ang kusina at ang comfort room. Kalahati naman ng pinakasalas ang saradong pinto ng mahihinuhang bedroom.

“Sa ‘yo ito?” tanong niya kay Noemi.

“Graduation gift ng parents ko. Bihira rin naman akong pumunta rito, pag trip lang. Mas gusto ko pa rin sa bahay namin dahil may mga house help na puwedeng tarayan,” tumawa ito.

Tumawa rin siya. “This is so nice. Saka tahimik.”

“Mga department heads sa government offices ang karamihan sa owners dito. Saka isa sa regulasyon ng asosasyon na kailangang tahimik. So far, wala pa namang residente na magulo. Upo ka,” itinuro nito sa kanya ang sofa.

Naupo siya. Nagpunta naman ito sa kusina at may ginawa. Maya-maya ay tinawag siya. “Meryenda muna tayo.”

Tumayo siya at nagpunta sa puwesto nito. May maliit na bilog na mesang kainan at tatlong silya. Naisip niyang tatlo iyon dahil pinakaupuan kapag dinadalaw ito ng parents, o kapag magkakasama ang mga ito roon. Napatingin siya sa inihanda nito. Garden salad. Natakam siya sa mga sangkap niyon. Naghanda rin ito ng fruit shakes para sa kanilang dalawa.

“Salo na lang tayo, ha?” anito. “Wala akong masyadong gamit, eh. Tamad kasi akong maglinis ng mga pinagkainan.”

Ngumiti siya. “Oo. Masarap ka namang kasalo.”

Pilyang pinalo siya ng isang kamay sa balikat.

Masarap ang timpla ni Noemi. Para silang mga teenager na nasa stage pa ng katakawan na nagkontes sa pagkain. Saglit pa, iniinom na nila ang kanilang fruit shakes.

Pagkadighay ni Noemi ay may kinuha ito sa cupboard. Sigarilyo at lighter. Inalok siya.

Tumanggi si Arturo. Medyo kumunot ang noo niya nang malamang nagsisigarilyo pala ang dalaga.

 

END OF BOOK XVIII

(To be continued...)