Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 185)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-185 na labas)

KUMAKAIN si Arturo ng saging na lakatan at ubas nang maalimpungatan si Noemi. Pagkamulat ng mga mata ng dalaga ay napatingin ito sa kanya.

Naging awkward naman para kay Arturo ang sitwasyon. Imagine, hubu’t hubad siya tapos ay nagsusubo siya ng talop na saging. Hindi kaya isipin ni Noemi na bakla siya?

“Nagugutom ka?” tanong ng dalaga habang bumabangon. Mukhang groge pa ito sa nakaraan nilang pagniniig dahil nang tumayo at lumakad ay humawak muna sa sofa dahil parang matutumba.

Sabagay, sa hirap ng naging puwesto nito kanina ay tiyak na nanibago ang mga joints nito. At dalawang beses pa itong nag-come kaya marahil ay nanginginig pa ang katawan.

“Medyo...” sagot niya. “Sanay kasi ako sa heavy na dinner. But I’m okay. Marami na akong nakaing ubas at saging. I’m full.”

Diretsong lumapit sa kanya si Noemi at hinagkan siya sa labi. Bumulong. “You’re a horse.”

Ngumiti lang siya at tinapos ang huling kagat ng saging. Dumiretso naman ang dalaga sa lababo at naghilamos. Pumasok ito sa banyo. Nang lumabas ay nakatapi ng malaking tuwalya sa katawan.

“Gusto mo uli ng salad?” tanong nito sa kanya.

“Sige...”

Kumilos ito para maghanda ng salad. Ang natirang saging at ubas ay ginawa namang smoothie. Dahil mabilis lang namang ihanda, saglit pa at kumakain na sila. Wala silang kibuan.

“You can spend the night here,” anyaya ng dalaga.

Ngumiti si Arturo. Tempting. Pero hindi puwede. Ayaw niyang walang tao sa kanilang bahay.

“No, kailangan kong umuwi. Some other time siguro. Walang tao sa bahay, baka kami manakawan,” dahilan niya sa dalaga.

“Okay...”

“Paano nga pala ako uuwi?” tanong niya rito.

“I’ll drive you to the subdivision entrance. Sa labas ay may mga traysikel na naghahatid sa highway. Marami ng taxi roon. Sorry, ha... hindi kita maihahatid hanggang sa inyo.”

“Oo naman,” maagap niyang sagot. “Pangit tingnan na ang babae ang naghahatid sa lalaki.”

Isa pa, ayaw talaga niyang malaman ni Noemi kung saan siya nakatira. Mahirap na, baka bigla siyang sundan nito roon. May napanood siyang pelikula na nagkaroon din ng relasyon ang magkaopisina. Na-fatal attraction ang babae sa lalaki at laging nasa tapat ng bahay ng huli—na nagbigay ng todong tensyon sa lalaki lalo na nang maging pamilyar na ang misis nito sa babaing laging nasa tapat ng kanilang bahay.

Saka naman nag-sink in sa kanya na paano kung ganoon ang mangyari sa sitwasyon nila ngayon?

Nakaramdam ng tensyon si Arturo. Ngayon niya na-realize ang maraming posibilidad. Pagkatapos ng passion, ngayon ay ang takot.

Hinawakan siya nito sa braso.

“Mauulit pa ba ito, Art?” tanong nito sa kanya.

Huminga siya nang malalim at tumikhim. “Masyado kang talo sa sitwasyon, Noemi. May asawa na kasi ako. Ang bata-bata mo pa para samantalahin ko ang kahinaan.”

Ngumiti ang dalaga. “Hindi naman ako nangangarap na maging tayo habampanahon, Art. I know myself. Gusto kita at masaya na ako sa ganito.” Pinisil nito ang braso niya.

“Salamat...”

“Hindi ako kagaya ng ibang other woman, Art,” patuloy ni Noemi. “Hindi ako manghihingi ng iyong time, ng iyong buong panahon. Weird din naman kasi ako. I know na baka bukas-makalawa, iba na ang takbo ng isip ko. Ikaw nga itong baka magsabi na napakalikot ko naman pala.”

Tumawa siya. “Of course not. At gusto ko na ganyan ka ka-cool. Mas magkakasundo tayo.”

Nag-appear sila.

Napanatag ang kalooban ni Arturo. Para sa kanya, si Noemi ay isang magandang regalong ie-enjoy niya while it lasts. At kung dumating ang panahon na umayaw na ito sa kanya, walang problema. Ang mahalaga ay na-enjoy nila ang mga sandaling kapwa sila may atraksyon sa isa’t isa.

Nang makatapos silang kumain ay naupo sila sa sofa. Makalipas ang ilang minuto ay pinausod siya ni Noemi sa bandang dulo. Kapwa pa rin sila hubad noon. Bumaling ito sa kanya at nilaro ang kanyang alaga. Nang magalit iyon ay isinubo nito, hanggang sumambulat iyon sa bibig nito. Sinabihan niyang aalisin niya nang malapit na siya sa rurok ngunit mukhang gustung-gusto rin nito na napuputukan sa bibig gaya nang una siya nitong isubo sa parking lot ng kanilang opisina.

Sinaid ni Noemi ang kanyang katas, at saka nagtungo sa lababo para iluwa iyon. Nakangiti ito nang bumalik sa sofa at sumandal sa kanya. “Lasang ubas!” bulalas nito.

Nagkatawanan sila.

                                                             **

IYON ang naging simula ng kanilang mga pagniniig. Alam ni Noemi kung kailan ito safe para hindi ito magbuntis. Ang kanyang misis naman ay nasanay nang lagi siyang nag-o-overtime kaya ang once a month na pag-uwi niya nang halos umaga na ay hindi nito pinapansin.

Malaki na rin kasi ang suweldo niya kaya payapa ito sa pagiging responsable niya. Sa halip na bumili ng kotse, ang kanilang naiipon ay ginamit niya sa pagnenegosyo. Nakabili sila ng apartment na ilang pinto at kanilang pinaupahan. Noong time na iyon ay boom ang real estate business, at ilan ding lote ang kanilang nabili.

In fairness ay mahusay rin naman sa negosyo ang kanyang misis. Retail naman ang forte nito. Beauty products. Katwiran kasi nito, ang mga babae ay laging nagpapaganda.

Okey rin ang secret affair nila ni Noemi. Sa opisina ay walang nakakahalata na halos buwan-buwan ay nagse-sex sila. Hindi na kasi masyadong lumalapit sa kanya ang dalaga. Nag-e-entertain din ito ng mga manliligaw na kaopisina nila, sumasamang mag-date pero sabi sa kanya ay hindi pa ito nakikipag-sex kahit kanino maliban sa kanya.

At naniniwala naman siya. Dahil tuwing magkikita sila ay naroon pa rin ang init at pananabik nito sa kanya.

Minsan ay inimbita siya nito sa bahay nito.

“Bumili ako ng VHS,” excited na kuwento nito sa kanya. “Manood tayo mamayang gabi. May nahiram akong movies sa pinsan ko.”

“Anong movies naman ‘yan?” excited din niyang tanong. Noon ay kasikatan ng VHS dahil mas maganda ang quality sa naunang Betamax. Ang Betamax at VHS ang mga lolo ng VCD at DVD ngayon—na nalalaos na rin dahil naman sa digital format.

Pilya ang ngiti nito nang sumagot nang pabulong. “X-rated.”

Natawa siya. “Ikaw talaga...”

“Mag-trip tayo mamaya. Gayahin natin ang gagawin ng mga karakter sa panonoorin natin,” bulong pa nito sa kanya.

May rumagasang excitement sa kanyang katawan. Mukhang ibang klaseng thrill nga ang mangyayari kung ganoon.

“Sige...” bulong niya rito. “Promise, hihigitan ko ang gagawin ng mga barako sa X-rated na ‘yan.”

Napahigikhik si Noemi.

 

SUBAYBAYAN!