Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 186)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-186 na labas)

NANG araw na iyon ay nagkasundo sina Arturo at Noemi na manonood sa bahay ng dalaga ng X-rated movies sa VHS (ito pa ang uso noon at hindi DVD, VCD o digital files). Biniro pa niya ang dalaga na hihigitan niya ang gagawin ng mga barakong nasa bold films.

Ang hindi alam ni Arturo, ang araw na iyon ang babago sa takbo ng buhay niya.

For some odd reasons ay maagang umuwi si Noemi dahil may kailangan daw kunin sa bahay nito ang ina ng dalaga. Sumunod na lang daw siya sa gabi, tutal, pwede namang magpahatid sa mga traysikel sa loob ng subdivision sa mga bumibiyahe roon na may sticker ng village. Hindi pinapapasok ang taxi sa loob ng village dahil noong pinapayagan pa, may nakapasok na mga Akyat-Bahay gang na nagkunwaring may dadalawing kamag-anak sa loob.

Ewan kung bakit ang unang pumasok sa isip niya ay sa ibang araw na lang nila gawin ang kanilang pagtatagpo. Pero bago umalis ang dalaga bandang alas dos ng hapon ay pinisil siya nito sa kamay.

“Sabay tayong mag-shower pagdating mo, ha?” anito at nagpakawala muli ang singkit nitong mga mata ng matamis na ngiti. “Sasabunin ko ang buo mong katawan.”

Iyon ang kanyang kahinaan. Sa pagtatagal-tagal ng kanilang pagniniig ni Noemi ay nae-enjoy niya ang paliligo nila nang sabay. Okey lang na hindi siya sabunin, pero siya ang mas nati-thrill kapag ito ang sinasabon niya.

Gustung-gusto ng kanyang mga palad na hinahaplos ng sabon ang malulusog nitong dibdib. Ang flat nitong tiyan. Ang matambok na puwet. Nae-excite din siya pag pini-finger niya ang dalaga at pumapayag itong mag-climax gamit ang kanyang daliri. Ang halinghing nito kapag nararating ang sukdulan ay musika para sa kanya.

At nang maisip niya ang mga mas wild pa na puwedeng mangyari mamaya lalo pa’t manonood sila ng sex videos, napapayag na lang siya. Isa pa, nakapagpaalam na rin siya sa kanyang misis na mag-o-overtime siya kaya alam na nito na late na siya makakauwi.

Nanaig sa kanya ang muling maangkin ang kasariwaan ni Noemi.

Alas singko ng hapon ay lumabas na siya ng opisina. Since medyo maaga pa naman ay nagdyip na lang siya. Ilang salin din bago siya nakarating sa entrance ng village na tinitirahan nito. Sumakay siya sa isang traysikel. Itinawag muna ng guard kay Noemi na may bisita ito, at inilista ang kanyang pangalan sa log book.

Bandang dulo ang bahay nina Noemi. Habang banayad na tumatakbo ang traysikel na sinasakyan niya ay may nakasabay itong isa pang traysikel na walang laman. Bahagyang naghuntahan ang dalawang driver.

Maya-maya ay biglang naghamon ang drayber ng kasabay nilang traysikel. “Wala naman tayong kasalubong, karera muna tayo!”

“Hindi aabot ‘yang motor mo rito sa akin,” sagot naman ng traysikel drayber na sinasakyan niya. “Lumang-luma na ‘yang sa iyo, e, ang bago nitong sa akin.”

“Wala sa makina ‘yan!” kantiyaw ng isang driver. “Nasa hinete. Ayaw mo lang na mapagtawanan sa pila, eh!”

“Sige, game!” waring napikon na sagot ng sinasakyan niya. At walang sabi-sabing pinaharurot ang traysikel.

Hinabol sila ng kakantiyawan nito.

Gustong magmura ni Arturo pero mas nanaig sa kanya ang kumapit muna. Sa malas ay walang makakapitan sa body ng traysikel maliban sa gilid. Sa laki niya ay para siyang isdang sardinas na inaalog sa loob ng lata.

“Pare, dahan-dahan lang!” sigaw niya rito. “Baka madisgrasya tayo!”

Eksaktong lumampas sa kanila ang kakantiyawan nito at nag-dirty finger pa. Lalo namang pinaharurot ng sinasakyan niya ang traysikel nito. Wala na sa isip na minumura na niya ito. Nasaktan marahil ang ego na pinakakain ng kapwa drayber ng alikabok at usok.

Nagtutungayaw na si Arturo pero hindi siya naririnig ng drayber dahil sa lakas ng atungal ng makina ng motor nito. Pakiramdam niya’y nakaangat na sila sa lupa.

Nang biglang sa harapan nila ay may bumulaga na mga batang naglalaro!

Napapisil sa preno ang traysikle drayber. Nakakangilo ang langitngit ng mga mekanismo ng motorsiklo nito.

At naramdaman na lang ni Arturo na talagang lumipad sila sa ere!

Mataas ang pagkakalipad nila. Humagis siya palabas sa body ng traysikel. Pasaklang na tumama siya sa isang poste ng kuryente. Kung bakit eksaktong pabuka ang dalawang hita na sumalpok siya sa poste.

Pakiramdam niya ay nabasag ang kanyang dalawang balls. Sa tindi ng naramdaman niyang sakit ay nawalan siya ng malay.

**

SA isang ospital na siya natauhan. Pagbukas niya ng kanyang mga mata ay ang kanyang misis ang kanyang unang nakita. Umiiyak ito at alalang-alala.

“N-naaksidente ka,” anito sa kanya.

Hindi siya agad makasagot. Bugbug na bugbog ang pakiramdam ng kanyang katawan. Ang pinakamasakit ay nararamdaman niya sa kanyang private part.

“Wala ka namang fracture,” sabi pa ng kanyang misis. “Wala ring pinsala ang iyong ulo. Marami ka lang galos.”

Pinisil niya ang kamay nito. Gayunpaman, may kaba na siyang nararamdaman. Paano niya ipapaliwanag dito kung bakit sa ganoong oras ay naroon siya sa village na iyon sa halip na nag-o-overtime?

At sino kaya ang nagdala sa kanya sa ospital?

Mas nato-torture siya sa naiisip na iyon. Mas higit ang stress na nararamdaman niya sa maraming mga posibilidad kay sa sakit ng katawan na kanyang nararamdaman ngayon.

Hindi naman nagtatanong ang kanyang misis. Concentrated ito sa pag-aalaga sa kanya. Nang unang pagkakataon mula nang magkamalay siya ay nakaramdam siya ng pag-ihi, nagulat siya sa nakita sa inidoro.

Kulay dugo ang kanyang ihi!

Sinabi niya iyon sa kanyang misis. Ipinaliwanag nito na ang bahaging iyon nga ang grabeng napinsala sa kanya. Sabi raw ng doctor ay normal lang iyon dahil sa operasyon. Pagtatagal pa ay mawawala na ang dugo sa kanyang ihi.

Dinalaw siya ng mga close sa kanya sa opisina. Noon pa lang ay may nakita na agad siyang kakaiba sa expression ng mga mukha ng mga ito. Waring may pagtatanong. Wala halos nagsasalita, pero nakikita niya sa mga ito na may gustong malaman.

Nang mag-aalisan na ang mga ito ay naiwan sandali ang kanyang boss. Nasa labas ang kanyang misis, at mahina ang boses nito nang magsalita. “Nag-resign na si Noemi...”

Napapikit siya. Iisa ang ibig sabihin niyon. Dahil sa aksidente ay nabulgar na rin sa kanilang opisina ang tagong relasyon nila ni Noemi. Kaya pala kakaiba ang tingin ng mga kaopisina niya sa kanya nang magsidating kanina.

Tinapik siya ng kanyang boss sa balikat at nagpaalam na rin.

Muli, lalong sumakit ang katawan niya at isip.

 

SUBAYBAYAN!