Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 190)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-190 labas)

HINDI nagsawa si Arturo sa pagpapadala ng card sa kanyang misis bilang tanda ng kanyang pagsisisi at pagka-miss dito. Tatlong buwan matapos siya nitong iwan ay sumapit ang kaarawan nito.

Hindi siya pumasok noong araw na iyon at nag-file siya ng vacation leave sa kanilang opisina. Ewan pero nagising siyang ang taas-taas ng adrenaline. Para bang may magandang mangyayari.

Maaga siyang umalis ng bahay para puntahan ang kanyang misis. First time niya uli itong gagawin matapos siyang ipagtabuyan nito sa bahay ng kanyang biyenan. May dala rin siyang three red roses.

Aandap-andap ang kanyang kalooban nang pumasok siya sa bakuran ng kanyang biyenan. Takot siya sa aso, buti na lang at hindi nag-aalaga ang mga ito. Kumatok siya sa may pintuan.

Biglang kumabog ang kanyang dibdib nang mismong ang kanyang misis ang magbukas ng pinto. Matagal itong napatingin sa kanya, nakaawang ang bibig. Napatingin sa dala-dala niyang three red roses.

Kahit noon ay romantic siya sa asawa. Basta may hiniling ito ay ibinibigay niya agad. Kinikilig din ito kapag dinadalhan niya ng roses noong magsyota pa lang sila.

“Happy birthday, mahal...” aniya ritong punung-puno ng katapatan. At iniabot niya rito ang dalang bulaklak.

Napahawak ito sa puso. Maya-maya ay tumulo ang luha.

Kinuha ni Arturo ang kamay ng asawa. Pinahawakan niya rito ang mga bulaklak. Nakatingin lang ito sa kanya na tila namamalikmata. Pinisil niya ang kamay nito.

“I miss you. Sana bumalik ka na sa atin. Sobra na kitang nami-miss. Nakikita kita sa bawat sulok ng ating bahay kahit wala ka roon...”

Umiiyak lang ang kanyang misis ngunit walang bayolenteng reaksyon. Hindi rin binabawi ang kamay sa pagkakahawak niya.

Ang kanilang sitwasyon ay maihahalintulad sa isang eksena sa pelikulang Jerry Maguire kung saan nagkaharap sina Tom Cruise at Renee Zellweger.

JERRY MAGUIRE: [babbling and struggling] I love you. You... you complete me. And I just...

DOROTHY: Shut up...

[pause]

DOROTHY: Just shut up.

[Pause]

Dorothy: You had me at "hello". You had me at "hello".

Pagkatapos nito ay nagyakap na ang dalawang karakter.

Hindi pa sila nagyayakap ng kanyang misis ngunit nararamdaman niyang papunta na sila sa ganoong eksena. Muli siyang nagsalita. “Bukod sa mga rosas na iyan na sumasagisag sa aking wagas na pag-ibig, ang birthday gift ko ngayon sa ‘yo ay ang bagong Arturo. Anuman ang mga naging pagkakamali ko ay hindi ko na uulitin. Na-realize kong walang halaga ang buhay ko kung wala ka sa piling ko.”

Napahagulhol ang kanyang misis at napayakap sa kanya. Napapikit si Arturo. Iyon ang pinakamasarap na yakap na nadama niya mula sa asawa sa buong panahon ng kanilang pagiging iisa. Ang yakap ng pagpapatawad. Nang pag-unawa.

Hinaplos niya ang likod nito at hinagkan sa noo. “Babalik ka na sa ating bahay, ha?” bulong niya rito. “Magsisimula tayong muli.”

“Oo...” nagkatinig na ang kanyang asawa. “At miss na miss na rin kita.”

Naglapat ang kanilang mga labi.

Pinag-usapan nilang mag-asawa kung kailan babalik ito at ang mga anak nila sa kanilang bahay. Nagrenta siya ng isang sasakyan pagdating ng weekend para maging komportable ang biyahe ng kanyang pamilya. Labis ding nasabik ang kanyang panganay na anak sa kanya. Laging nakasiksik at nagpapakalong sa kanya habang nasa bahay pa lang sila ng kanyang biyenan.

Ipinagpaalam din niya nang maayos ang kanyang mag-iina sa kanyang biyenang lalaki. Wala naman siyang narinig mula rito na panunumbat. Basta ang sabi lang sa kanya ay mas mainam ang buo ang pamilya kaysa wasak. Nangako naman siya ritong pagbubutihin ang pagiging padre de pamilya.

At totoo naman iyon sa kanyang kalooban.

May lungkot pa sa mukha ng kanyang misis nang pagmasdan niya habang pabalik na sila ng Manila. Alam niyang matatagalan bago magbalik ang tiwala nito sa kanya, ngunit ang mahalaga ay nasa unang hakbang na sila ng rekonsilasyon. Siya ang may kasalanan, siya ang mag-a-adjust sa maraming bagay. Ipakikita niya rito na totoo ang sinabi niya ritong ang birthday gift niya rito ay ang bagong Arturo. Lagi namang may puwang ang isang nagkasala sa relasyon sabi nga sa isang artikulo na nabasa niya:

“How do you begin to forgive a cheating spouse—or do you forgive your partner at all? According to Rabbi Shmuley, whether you truly loved the person before the cheating occurred will determine if the affair can be forgiven.

"Marriages that still have love and affection can be mended," he says. "For couples who already feel like strangers to each other, the affair becomes an excuse to sever the relationship."

If you decide to keep the marriage together, Shmuley offers these guidelines: You can forgive a spouse for an act of infidelity, but only if your spouse promises to work on it. Your spouse needs to show that they're serious about repentance, commitment to you and not doing it again. Counseling is also often needed to repair the relationship, he added.

Beware of a repeat offender. "If the spouse slips up more than once after their promise to change, your partner is not serious about changing," Shmuley says.

Women often feel tempted to know details about the other woman, but don't compare yourself to her, Shmuley says. "The time will come when your husband can talk about it if it's still bothering you. But don't have your husband relive it when he's trying to heal."

Forgive only if your spouse agrees to sever all communication with that person. If it's a co-worker, the cheating spouse must leave that job.

Marriage is sacred—but an act of infidelity doesn't have to destroy a marriage. A spouse that is truly sorry will promise to take tangible action to repair the damage, completely cut ties with the 'other person,' and never do it again. Repeat offenders, however, should not be forgiven. You can transform this dark spot into something positive by directing love toward the injured party."

At iyon ang iingatan niya, pagdidiin ni Arturo sa isip. Hinding-hindi na siya magkakamaling muli. Kung may tuksong darating ay siya na ang iiwas. Nang tingnan niya ang dalawang anak, lalo siyang nakadama ng guilt.

Ginagap niya ang kamay ng asawa. Sa buong biyahe ay hindi niya iyon binitiwan. Ipinakita niya rito ang naramdamang pagkasabik sa mahaba-habang panahon na hindi sila nagkita.

 

END OF BOOK XIX

(To be continued...)