Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 198)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-198 labas)

NANG magbalik si Arturo sa kuwarto nilang mag-asawa ay patay na ang TV at ang Betamax. Nakadamit na rin ito.

“Kumain ka na ba?” tanong nito sa kanya?

Gustong uminit ng kanyang ulo pero pinigil niya. Kanina pa siya nito dapat tinanong pero nagwala-walaan lang nang dumating siya at tinapos ang panonood ng porn movie. Ngayon ay tatanungin siya kung kumain na?

Wala silang house help at ang tanging meron sa ngayon ay isang yaya ng kanilang mga anak. Dati ay dalawa ang kanilang yaya pero pinaalis na ng kanyang misis ang isa—‘yung may hitsura, sabay parinig sa kanya noon na delikado pag may maganda at batang yaya, baka raw siya matukso. Isang panunudyo na hindi niya pinatulan. Mula nang matuklasan nito ang naging kaugnayan niya kay Noemi, and the fact na isa siyang impotent ngayon, ay natutunan na niyang maging passive sa mga pasaring nito.

Ayaw nito ng maid dahil kaya raw naman nito ang mga gawaing bahay lalo na ang pagluluto. Mahusay magluto ang kanyang misis. Lingguhan naman ay may isang 50-plus anyos na ale na kinukuha ang kanilang maruruming damit para labhan at plantsahin. Hindi pa uso noon ang mga laundry shop.

Gusto rin nitong inaasikaso ang kanyang pagkain. Sa ilang taon ng kanilang pagsasama ay ngayon lang siya nito hindi nahainan ng pagkain na present ito sa bahay. Just because of that damn porn movie, anang isip ni Arturo.

Huminga siya nang malalim. “Nagmeryenda na ako, pero hindi pa ako naghapunan.”

“Bakit hindi mo ako tinawag?” takang tanong nito.

“Busy ka, eh...”

“Halika, ipaghahain kita,” alok nito.

“Nabusog na ako sa kinain ko. Pag nagutom ako mamayang hatinggabi ay babangon na lang ako at kakain kung magigising ako.”

Hindi kumibo ang kanyang asawa. Tumayo mula sa pagkakahiga, nagsuot ng robe at aktong lalabas ng silid. “Sisilipin ko lang ang mga bata.”

Inis na nahiga si Arturo. Marami siyang gustong sabihin dito pero muli ay tinalo siya ng kanyang Kryptonite. Mula nang magkasala siya sa asawa ay nawalan na siya ng karapatan na sumbatan ito sa mumunting pagkukulang.

Lalo pa’t ngayon ay siya ang may malaking kakulangan...

Nakita niya ang Betamax tape na nakapatong malapit sa kanilang entertainment showcase. Kung hindi siya nakapagpigil ay nadampot sana niya iyon at winasak.

Makalipas ang halos 20 minutes ay bumalik sa kuwarto ang kanyang misis. Sumungaw at, “Naghain na ako, kain na tayo.”

Marami siyang uwing trabaho at nama-migraine siya pag nalilipasan ng gutom kaya hindi na siya nagpakipot. Tumayo siya at sumunod dito sa kusina.

Masarap na kare-kare ang nakahain. Nakakatakam ang amoy ng bagoong na sangkap nito. Isa iyon sa mga specialty ng kanyang misis. Bata pa raw kasi ito ay naturuan na ng lola sa ina na magluto.

Wala silang kibuan habang kumakain. Maya-maya ay nagkuwento ito ng naging lakad nang mangolekta ng upa sa kanilang mga apartment.

Nawala na ang tampo niya rito. Ibinalita naman niya rito ang development sa lote na kanyang binibili.

“Malapit na kaming magkasundo ng may-ari,” aniyang sumigla ang boses. “Maitatayo na natin ang bagong building.”

“Wow!” namilog ang mga mata ng kanyang misis. “That’s good news talaga.”

“Malapit ‘yun sa mga establisyemento. I’m sure maraming kukuha agad ng puwesto. ‘Yung ibaba ay puwedeng restaurant.”

Muling namilog ang mga mata ng kanyang misis. “Eh, kung tayo na lang ang magtayo mismo ng restaurant doon? Ako ang magluluto.”

“Puwede. Basta hindi mapapabayaan ang mga bata.”

“Siyempre hindi. Kayang-kaya kong hatiin ang oras ko sa negosyo at mga anak natin. I can be a good working mom.”

Tumango siya. “Sige... tingnan natin once na may progreso na.”

Tinapos nila ang pagkain.

Dati-rati, makalipas ang halos kalahating oras matapos ang kanilang hapunan ay nagse-sex na silang mag-asawa. Kapag nakaraos na sila, aasikasuhin niya ang mga uwing trabaho at irerepaso habang ang kanyang misis naman ay tulog dahil sa pagod. Magkaiba sila ng attitude pagkakatapos mag-sex—mas buhay na buhay pa ang dugo niya at mas may adrenaline rush, samantalang ang kanyang misis ay consumed and wasted. Umaga na ito magigising kapag ganoon.

Hindi na halos nangyayari iyon. Ngayon nga ay halos hindi na sila nagse-sex. Naaawa rin kasi siya rito na matapos niyang kainin ay hindi makumpleto ang kaligayahan dahil hindi na niya napapasok ang kuweba nito. Wala na siyang kakayahang gawin iyon. Isa pa ay nagpapakita ito ng pagkainis dahil nga kulang ang kaligayahang nadarama—at nauuwi sa paninisi sa kanya sa kataksilang kanyang ginawa.

Ang totoo ay kinakabahan siya sa mga posibilidad. Marahil, kung wala silang anak ay baka hiniwalayan na siya nito. Ang mga bata ang tanging dahilan kung bakit magkasama pa rin sila.

Nararamdaman niya...

Dahil sa kawalan ng sex, unti-unti ay nagiging estanghero sila sa isa’t isa.

Sabi nga sa isang sex column sa broadsheet na nabasa niya: “Once a marriage has been sexless for a long time, it’s very hard. One or both may be extremely afraid of hurt or rejection, or just entirely apathetic to their partner. They may not have been communicating about sex for a very long time (if ever) and have trouble talking about it. Couples who talk over their sex lives (as well as other aspects of their marriages) tend to have healthier marriages, but it’s hard to get a couple talking once they’ve established a pattern of non-communication.

There are mixed opinions about what to do to rekindle marital sex. For some couples, it may be as simple as a weekend away from the kids, taking a vacation or cruise, or just having some time off, alone. Others may need help in re-establishing communication and may seek professional assistance. The sad fact is that there are few counselling professionals that deal with this issue. Often, marriage counsellors focus on other aspects, rather than sex. While these other aspects may play a big role in sexual inactivity, talking explicitly about sex is essential.

Are people in sexless marriages more likely to get divorced?

In my studies, as well as others, people in sexless marriages report that they are more likely to have considered divorce, and that they are less happy in their marriages.”

Napapikit si Arturo. Iniisip pa lang niyang maghihiwalay siya ng kanyang misis, pakiramdam niya’y napakadilim na ng kanyang buhay.

 

SUBAYBAYAN!