Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 26)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

BOOK III

(Ika-26 na labas)

TULAD naman ng napag-usapan nila ni Dada ay maagang umalis ng Angono si Jason para makabalik sa Rosas Compound bago magsipag-alisan ang mga nakatira roon. Inabutan pa niya si Dada na naghihintay na sa kanya.

Iniabot nito sa kanya ang mga susi. “Nauna na sa akin si Fiona kasi ayaw raw mapasabak sa trapik. Bahala ka na rito, ha, Jason?”

‘Yes, ma’am,” at pabirong sinaluduhan niya ito.

Umirap ito sa kanya. “Ma’am ka r’yan!” Lumakad na ito palabas ng gate, habol niya ng tingin.

Naka-Levi’s jeans si Dada at pag ganoon pala ang suot nito ay naitatago ang mga cellulites, hindi halata ang mga love handles. Maganda pa rin ang puwet nito, makendeng pa ring maglakad. Kapag nakatalikod ito ay mapagkakamalang nasa early 30’s pa lang. At maporma pala ito kapag nakapanlakad ng bihis.

Inihatid niya ito sa labas hanggang makasakay ito ng traysikel. Pumasok siya sa loob, umakyat at dumiretso sa kanyang kuwarto. Matapos maiayos ang mga dala niya kanina, ang mga pabaong pagkain ng kanyang ina, nahiga siya sa kama.

Naalala niya ang naging boksing nila ni Aling Mercie kahapon. Napangiti siya. Matindi pa rin ang MILF (mom I love to f...) na iyon. Kaya pang makipagsabayan. Naisip niyang sa edad ng mister nito, hindi na kakayanin ang init ng manikurista.

May kaunti rin siyang guilt na nararamdaman, lalo ngayong panahon pa naman ng Semana Santa saka siya nagkakasala. Kaya lang, ewan ba niya. Bata pa talaga ay lapitin na siya ng tukso, at aminado naman siyang marupok siya.

Sabagay, naisip din niya, mabuti na itong hanggang bata pa siya ay magsawa na siya kaysa naman kung kailang may asawa na siya saka pa dumating ang mga tukso. Ipinangako naman niya sa sarili na once na mag-settle down na siya, magiging matibay na siya. Kesehodang mala-Ellen Adarna ang lumapit sa kanya.

Napangiti siya. Huwag muna pala siyang magsasalita nang tapos. ‘Ika nga ay he’ll cross the bridge when he gets there.

Bumangon siya at naligo. Dahil mahaba-haba rin ang naging byahe niya mula Angono ay nakaramdam siya ng gutom. Binuksan niya ang blue na plastic na pinaglagyan ng nanay niya ng kanyang baon. Nagutom siya nang makitang ang paborito niyang kaldereta na luto ng tatay niya ang laman niyon. Sa isang plastic naman ay kanin ang laman. Lumabas siya para kumuha ng tubig sa ref sa may kusina.

Nagkagulatan pa sila ng pigurang biglang sumungaw mula sa banyo.

Si Fiona.

“Hi!” bati nito sa kanya. “Long time no see.”

Mukhang dyuminggel lang or whatever si Fiona. Naka-shorts ito at uniform ng volleyball na sando. Medyo kumunot ang noo niya.

“Hi,” ganting bati niya. “Sabi ng mommy mo ay nasa Nueva Ecija ka na.”

“Ek-ek ko lang ‘yun,” anito at sumimangot. “Ite-text ko na lang siya mamaya na di na ako tumuloy. Ayokong umaalis pag ganitong panahon, ang init-init sa byahe.”

“Buti di ka niya nakita rito,” aniya.

Tumawa si Fiona. “Nagtago ako. Mahusay akong magtago.”

Nagkatawanan sila.

Inalok niya ito. “May dala akong pagkain. Sobra-sobra naman para sa akin. Sabay na tayong kumain, ilalabas ko lang.”

Hindi tumanggi si Fiona. Kumuha ito ng pitsel at nagtimpla ng iced tea habang inilalabas niya ang mga pagkain. Saglit pa, sabay na silang kumakain.

Magkatapat sila ng upuan at paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ito. Magandang bata, muli ay palihim na puri niya rito. Malaki talaga ang hawig sa artista na si Jessy Mendiola. Si Fiona ang kagandahang masarap makasama sa isang paraiso.

“Mahilig ka sa sports?” maya-maya’y tanong nito sa kanya.

“Nagbabasketbol ako noong college. Ngayon naman ay naglalaro pa rin, pickup games sa mga kaopisina pag nayayaya. Limitado na rin kasi ang free time ko”

Kumislap ang mga mata ni Fiona. “Sabagay, you look athletic. Ako naman ay varsity player ng volleyball namin. Alam mo na, pambawas din sa tuition fee.”

Ngumiti siya. “Mukha namang mahusay kang maglaro.”

Nagkibit-balikat ito. “Not really. Pero nagagamit naman ni Coach, hindi pambutas lang ng bangko.”

Nagkatawanan sila.

“Badminton tayo minsan,” yaya nito sa kanya. “Mahilig din ako sa badminton.

“Sure. Malawak naman itong compound.”

“Ay, hindi rito! Hanap tayo ng sports complex. Mura lang naman ang rent, kayang-kaya mo dahil rich ka naman.”

“Hindi, ha?” sansala niya rito. “Pero okey lang na ako ang bumayad ng rent. Magsama ka rin ng friends para pag napagod tayo may ibang maglalaro.”

“Deal,” nag-thumbs up sa kanya ang dalaga at nagpatuloy ito sa maganang pagkain.

Nang makakain sila ay nag-offer si Fiona na ito na ang maghuhugas ng mga pinagkainan nila. Koboy raw ito, huwag siyang mag-alala. Kahit anong pilit niya na siya na lang ay hindi ito pumayag. Masarap na nga raw ang kaldereta tapos siya pa ang maghuhugas ng mga pinagkainan, masyado raw namang unfair.

Pumasok na lang siya sa kanyang room at binuksan ang kanyang iMac. Tiningnan niya ang mga updates sa kanilang trabaho. May website sila kung saan makikita niya ang progress ng kanilang team. May group chat din sila sa FB. So far ay walang messages. Nakahinga si Jason nang maluwag. Tinatamad kasi siyang mag-isip.

Magaan na ang kanyang trabaho ngayon. Pwedeng online niya tingnan ang kanilang mga activities, pero pag crucial ay kailangan ang presence niya sa office. Pero kahit ganoon ang setup, araw-araw ay nagda-drop by rin siya sa kanilang opisina para personal na ma-check ang kanilang mga job orders. Lately lang hindi dahil nga naglipat siya ng tirahan.

Bukas ang kanyang pinto at maya-maya’y pumasok si Fiona dala ang mga pinaglagyan niya ng pagkain.

 

SUBAYBAYAN!