Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 3)

Ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ikatlong labas)

NAPAPITLAG si Jason at inalis ang malisya sa isip. “Puwede bang makikape?” tanong niya sa dalawa.

“Sure,” sagot ni Iza. “Samahan mo na rin ng sandwich.” Humagikhik ito.

Tumawa siya. Cool, sa isip-isip niya. Madali naman palang makasundo ang mga boarders ni Dada. Sumenyas siya sa dalawa na papasok lang muna sa kuwarto at babalik din agad.

Sosyal ang kanyang instant coffee. Venti ng Starbucks. Katwiran niya kasi, konting luho lang naman ito. Wala siyang bisyo, kaya pagdating sa instant coffee ay kaya niyang bumili ng medyo mahal.

Inilabas din niya ang tinapay at palaman, at nagdala ng ekstrang instant coffee para sa dalawa.

Na-curious sina Dada sa instant coffee na dala niya at agad tinikman.

“Ang sarap!” bulalas ni Iza. “Ngayon lang ako nakatikim nito.”

“Oo nga,” susog ni Dada. “Baka lagi kaming makipagkape sa ‘yo.”

“No problem,” sagot niya. At umiral muli ang pagiging makata niya, “Masarap namang makipagkape sa mga diyosa.”

Nag-apir ang dalawang babae. Naghagikhikan.

Habang nagkakape ay nalaman niyang manager si Iza ng isang spa. Dati rin daw itong therapist bago na-promote.

Palihim niyang binistahan si Iza. Gustung-gusto niya ang pagiging slim nito, ang di kalakihang dibdib. Maganda ang puwet na hindi mahalay ang dating. Ang hahaba ng legs na wala pang ugat. Naka-miniskirt ito at sando. Para itong morenang version ni Phoemela Baranda.

“Magpa-massage ka minsan sa amin para mawala ang stress mo,” alok sa kanya ni Iza.

“Dapat ikaw ang mag-massage sa kanya para enjoy,” singit ni Dada.

“Mahal ang charge ko,” humagikhik si Iza. “Sabagay, mukhang big time naman si Jason.”

“Oo,” sagot ni Dada. “Ang gaganda nga ng mga computers niya sa room niya.”

“Ay, pwedeng mag-Facebook?” Nanlaki ang mga mata ni Iza. “Ang bagal kasi sa smartphone pag data lang.”

Nagbiro siya. “Kung free ang massage, free rin ang mag-Facebook.”

“Sure!”

Lumikot ang isip ni Jason. May luma siyang PC sa opisina, iuuwi na lang niya para magamit ng mga ito at hindi ang kanyang mga Apple o netbook. Pero hindi niya ilalagay sa labas ng kuwarto niya para siguradong sa loob pa rin makiki-internet ang mga ito.

Tumayo saglit si Iza. Sinundan niya ito ng tingin. Ang tangkad nito. In a relationship na kaya ito? Most probably. Nasa early 30’s na ito. At sa hitsura pa lang, mukhang marami na ring karanasan. Dahil sa ganda ng tindig nito at katawan, hindi niya masabi kung nanganak na ba ito o hindi pa.

Pagbalik ni Iza ay inabutan siya nito ng calling card. “Para alam mo kung saan ang puwesto namin.”

Tiningnan niya ang address. Malapit lang. One of these days, papasyal siya roon. Pag talagang close na sila.

Kung saan-saan nagawi ang kuwentuhan nila. Matipid siya sa pagkukuwento tungkol sa kanyang sarili. Nag-stick siya sa paliwanag sa mga ito na nagma-masteral siya para ma-promote. Sa love life, ang sabi na lang niya ay nasa abroad ang kanyang GF. Nurse sa UK, pagsisinungaling pa niya.

Habang nagpapahid siya ng palaman sa tinapay ay nabitiwan niya ang bread knife. Nang pupulutin niya iyon sa sahig ay aksidenteng napatingin siya sa pwesto ni Iza.

Nakabukaka ito!

At halos kita niya ang kaselanan nito dahil napakanipis ng suot nitong panty.

 

Nanlaki ang mga mata ni Jason. Kitang-kita ang hiwa ni Iza sa manipis na telang nakabalot. Sa paligid ng hiwa ay aninag din ang madamong kagubatan nito!

Muntik na siyang maumpog sa mesa nang tumayo. Kahit bagong paligo siya ay ramdam niya ang pag-agos ng pawis sa kanyang likod.

“Uy, baka nasilipan ka ni Jason… bukakang-bukaka ka pa naman!” tinapik ni Dada si Iza.

Humagikhik si Iza. “Di baleng masilip… di naman siguro niya dadakmain!”

Nagkahalakhakan sila. At kung saan-saan muli napunta ang kanilang kuwentuhan.

**

MAY epekto kay Jason ang nasilip kay Iza. Ramdam niya ngayon na tigang siya.

Matagal na rin ang huling pagniniig nila ni Hazel, samantala noon, halos araw-gabi ang boksing nila sa kama.

Sa kuwarto ay panay ang browse niya sa internet ng mga porn sites para kahit papaano ay  maibsan ang kanyang uhaw. Nang mapagod ang kanyang mga mata ay nahiga na siya.

Ang bilis niyang nakatulog.

At nanaginip…

Sa panaginip ni Jason ay naglalaro siya ng basketball. Pisikal ang laro at nang lundagin niya ang bola ay isang kalaro niya ang sumahod sa kanya. Naramdaman niya ang sakit sa kanyang tuhod pagbagsak niya. Hindi na siya makalakad nang maayos hanggang makauwi sa Rosas Compound.

Sa panaginip pa rin niya, habang paika-ika siyang naglalakad sa salas ay nakita siya ni Iza. Tinanong siya nito kung bakit ganoon siya kung maglakad.

“Na-sprain ako sa basketbol kanina,” sabi raw niya. Naka-shorts siyang pambasketbol noon at nakahubad-baro.

“Ay, patingin!” sabi raw ni Iza at lumapit sa kanya. Inakay siya nito at pinaupo. Saka nito tiningnan ang tuhod niya.

“Namamaga,” sabi nito. “Ipinahilot mo na ba?”

“Hindi pa. Nilagyan ko lang ng liniment.”

“Hihilutin ko,” mungkahi nito. “Baka lalong mas mamaga pag hindi nahilot. Huwag kang mag-alala, magaan ang kamay ko.”

Naalala niyang massage therapist nga pala ito. Isang kapilyuhan na naman ang pumasok sa isip niya. “Puwede bang sa room ko na lang?”

Tumango si Iza. “Sige, para nakahiga ka.”

Inakay muna siya ni Iza papunta sa kanyang kuwarto at inihiga sa kanyang kama.  Iniwan siya nito saglit para kumuha ng oil. Habang hinihintay niya ito ay kung anu-anong imahinasyon ang pumapasok sa isip niya. Ano kaya kung magpa-full body massage siya kay Iza?

Napangiti siya. Naalala ang mahahabang daliri nito. Muli, ang tanong sa isip niya kung anong klaseng sensasyon ang mararamdaman niya kung pinaglalaruan nito ang kanyang dyunyor.

Saglit pa, pumasok na si Iza sa kanyang kuwarto. Maikling-maikli ang shorts nito at naka-T-shirt ng black na walang print. Bakat ang nipples nito kaya natiyak niyang wala itong bra. Napahinga siya nang malalim.

Muli nitong minasdan ang namamaga niyang tuhod. Nang simulan nitong hawakan ang parteng namamaga ay may isa pang namaga sa kanya. Ang kanyang dyunyor…

Maingat ang ginagawang paghagod ni Iza sa kanyang tuhod na namamaga. Nakatingin siya rito pero ayaw nitong sumulyap man lang sa kanya. Sanay na ito sa ganoong sitwasyon na kapag may customer sa spa, walang eye contact. Sige lang sa paghilot. Maya-maya ay tumingin ito sa kanya.

“Masakit pa?”

“M-medyo,” nahihirinan niyang sagot.

“Namaga na kasing masyado,” ani Iza. “Pero huwag kang mag-alala, hindi naman grabe. May naipit lang na maliit na ugat, saka ipinuwersa mo kasing ilakad kaya namaga.”

Napatingin ito sa umbok ng kanyang shorts. Ang kanyang dyunyor ay nagpapakitang gilas at para itong sariwang bangus na pupusag-pusag.

Sa pagkabigla niya, dinaklot iyon ni Iza!

“O, bakit naman pati ito ay namamaga?” anito at inilapit ang mukha sa kanya.

Nag-init lalo ang pakiramdam ni Jason!

 

SUBAYBAYAN!