Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 32)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-32 labas)

NAHALIKAN ni Jason sa lips si Ma’am Sef dahil sa sobrang tuwa nang sabihin nitong tuturuan siyang mag-aral magmotorsiklo.

Nagulat tuloy ang ex-teacher niya. “Sobra ka naman!” anito at tumingin sa paligid. Nahiya siguro na baka may nakakita sa ginawa niya.

Napakamot siya sa ulo. “Sori po. Natuwa lang masyado.”

Sa bakuran na lang daw nina Ma’am Sef siya nito tuturuan para safe. Nang makatapos silang kumain, after 20 minutes ay umalis na sila roon.

Magkaangkas sila ni Ma’am Sef habang patungo sa bahay ng mga ito. Nakahawak siya sa beywang nito, at di maiwasang mapabunggo ang dyunyor niya sa bilog nitong puwet. Iniiwasan niyang magkaroon ng malisya pero hindi niya magawa. Ang bango ng guro, babaing-babae ang amoy. Alam ni Jason na tinatalaban na siya sa paminsan-minsang pagdidikit ng kanilang mga katawan dahil unti-unti nang sumisikip ang kanyang pundilyo.

Para namang hindi nararamdaman iyon ng guro na sige lang sa pagmomotorsiklo. Dumaan muna sila sa isang gas station at nagpakarga. Naobserbahan ni Jason ang malalagkit na hagod ng tingin ng mga gasoline boy kay Ma’am Sef. Tinitigan niya nang masama ang isa na napatingin din sa kanya. Hindi na uli ito tumingin sa guro nang may pagnanasa.

Saglit pa, nasa bahay na sila ni Ma’am Sef.

Bago ang driving lesson ay tiningnan muna nila ang mga niyog na kanilang itinanim. Masisigla ang tubo ng mga iyon. Basa ang lupa na halatang laging nadidiligan.

“Pareho tayong may green thumb,” sabi ni Ma’am Sef. “Naka-excite makita ang mga ito someday na full grown na.”

Sumang-ayon siya.

Saglit pa, tinuruan na siya nito.

Nag-orient muna ito sa kanya ng mga parts ng motorcycle. Ang function ng bawat isa. Ipinakabisa nito pati ang importansya ng bawat bahagi. Kailangan daw niyang isapuso iyon. Kapagkuwa’y tinanong siya nito isa-isa kung natandaan ba niya ang mga iyon. May ilan siyang nakalimutan, pero nang ulitin nito isa-isa ay na-memorize na niya.

Tinuruan din siya nito kung paano ang mga troubleshooting. Madali lang daw naman, parang naglilinis lang ng electric fan. Mag-search din daw siya sa internet kung paano ang pangangalaga sa motorsiklo para mas matuto siya.

At ipinakita na nito kung paano mag-start ng makina. Kung paano paaandarin. Dahil scooter lang naman, ang silinyador at preno ay parehong nasa manibela pati ang mga button ng ilaw. Mahigpit nitong ipinagbilin na kailangan niyang mag-signal pag kakaliwa siya o kakanan. Titingin din siya lagi sa salamin para matiyak kung may paparating na  sasakyan sa kaliwa, kanan at likuran. At higit sa lahat, huwag masyadong bibilisan ang patakbo kung di pa masyadong sanay magmotor. Lagi rin daw siyang magsusuot ng helmet.

Pinasakay siya ni Ma’am Sef sa scooter. Umangkas ito sa kanya. Kinuha ang mga kamay niya at itinuro ang mga gagawin.

“Dahan-dahan lang muna sa silinyador,” anito sa kanya. “Pakiramdaman mo pag umaandar na.”

May naramdaman siyang adrenalin rush nang unti-unting umandar ang motor. Marahan lang ang ginagawa niyang pagpisil sa silinyador. Panay ang bigay sa kanya ni Ma’am Sef ng instruction. Ilang sandali silang nagpaikut-ikot sa loob ng bakuran. Maya-maya pa, medyo confident na siya.

“You’re a very natural rider,” sabi nito sa kanya nang ipahinto muna ang scooter. “Medyo practice lang sa preno, madiin ka pang mag-brake. Pag ganyan at medyo mabilis, baka sumemplang ka lalo na pag basa ang kalsada.”

“I’ll remember that, Ma’am,” aniya na tuwang-tuwa sa bagong karanasan.

Pumasok muna sila sa bahay at uminom ng malamig na tubig. Nagbukas din ng chips si Ma’am Sef at nagkukot sila.

“Pag mahusay ka na, pwede ka nang tumubos ng license. After that, motorsiklo na,” sabi nito sa kanya.

“Mag-iipon muna ako, Ma’am Sef. Pag ganyan na ang bibilhin baka di na ako pagbigyan ng parents ko.”

“Pag scooter naman ay mura lang. Saka ang maganda sa ganyan, matipid sa gas at hindi masyadong naaaksidente dahil hindi masyadong matulin.”

Hindi siya sumagot. Ang isip niya ngayon ay nakatuon kung paano siya magkakaroon ng motor. Biglang-bigla ay naokupa ang isip niya ng toy for the big boys.

“Kailangan mo pa ng mahaba-habang practice,” si Ma’am Sef. “Pwede naman kitang turuan hanggang sa maging mahusay ka na.”

Kumamot siya sa ulo. “Dyahi na po.”

Bahagya siya nitong binatukan. “Ngayon ka pa nahiya. Nanghalik ka nga ng titser, di ka nahiya.”

Natawa siya. “Sorry kanina, ha? Natuwa kasi akong masyado.”

“Kaya nga takot na akong matuwa ka masyado, baka halikan mo na naman ako.” Tumingin ito sa kanya.

Nagbawi siya ng tingin. Umiinit ang pisngi niya. Ngayong natititigan niya nang husto ang dating guro, mas nare-realize niya na ang ganda-ganda pala nito.

“Hindi naman ‘yun ang first kiss mo, ano?” usisa nito sa kanya.

Tumawa lang siya.

“Tell me, Jason… may experience ka na ba?”

Huminga siya nang malalim.

“Alam ko na ang sagot,” tumayo ito at muling kumuha ng tubig sa ref. Naupo muli sa may mesa sa kusina kung saan sila nagkukuwentuhan.

“So, sino ang first experience mo?” tumingin ito sa kanya na parang police investigator.

Pilit niyang ginawang magaan ang sitwasyon. “Masyadong showbiz naman ang tanong n’yo, Ma’am,” humalakhak siya. “Nasa The Buzz po ba tayo?”

Sumeryoso si Ma’am Sef. “Virgin ka pa ba o hindi na?”

Naramdaman ni Jason na nag-iiba ang complexion ng kanilang pag-uusap. At nagiging pilyo ang takbo ng utak niya.

 

SUBAYBAYAN!